12

1 0 0
                                    


Happy Birthday Sachi!!!!!

"Oh bestie blow your candle make a wish.

"Salamat Kyle at Louise.. Sus kailangan pa ba iblow iyang Candle di naman ako bata."

"Ano ka ba bakla lahat ng may kaarawan na may cake dapat i blow nila yung candle saka di naman pambata yan noh.. hala sige na wish ka na bakla.

"Ano naman hihilingin ko kyle??"

"Bat di mo hilingin na sana mawala na yung dalawang asungot"

"Ay grabe ka bakla sama mo naman wag ganun... bat di mo hilingin Sachie na kunin na sila ngayon din"

"Hay naku parehas lang kayong dalawa, pwede ba peace on earth na lang wala ako sa mood humiling eh"

"Wala sa mood oh ayaw mo lang?? Hanggang ngayon ba umaasa ka pa na maayos pa yung sa inyo??"

"Di ko alam Louise pero alam ko naman na wala na talaga pag asa na maayos pa yung samen kasi malabo na"

"Hay naku yaan nyo na nga may darating din tiwala lang ang mabuti pa idaan na lang natin sa pag kain yan mga bakla."

"Mabuti pa nga.."

Habang kakain na kame nila Louise biglang bumukas ang pinto at iluwa si Manang.

"Oh manang lika na sabay ka na samen."

"Mauna na kayo may ginagawa pa ako sya nga pala Hija may bisita ka."

"Ha??" Pagtataka ko.

"Akala ko ba Louise di darating si Ely??"

"Di nga siya darating... teka Sachi may inaasahan ka bang ibang bisita ngayon?"

"Wala ah .. teka manang sino po yung dumating?."

"Teka tawagin ko lang..."

Lumabas na si Manang para tawagin yung sinasabi niyang bisita ko daw pero habang hinihintay namen yung sinasabi ni manang na bisita ko tuloy lang kame sa pag kwentuhan napatigil na lang kame nung bumukas ang pinto at iluwa nun ang isang lalaki na may hawak na isang teddy bear at isang boque na red roses.

"Harvey!!!"

Sabay bigkas nila Louise at Kyle sa pangalan ng taong bisita ko daw.. akala ko siya lang pero mali pala ako pumasok din ang isang babae na todo ngiti..

"Happy Birthday Sachi" sabay nilang bigkas.

Di ko alam kung ano irereak ko ngayon ng makita ko silang dalawa.

"Salamat Jessie at Harvey akala ko nakalimutan nyo na lika pasok kayo tamang tama pakain na kame."

Kita ko sa mga mukha ng dalawa kong kaibigan ang pag aalala nila para saken pero di ko na lang pinansin ngumiti na lang ako sakanila para malaman nila na okey lang ako.

Naglilipit na kame ni Manang ng may tumawag saken.

"Sachi.."

"Oh Harvey bat nandito ka pa asan si Jessie?"

"Pinasabay ko kila Kyle at Louise.. Sachie pwede ba tayo mag usap??"

"Tungkol san?"

"May sasabihin lang ako please.."

Kita ko sa mga mata niya ang lungkot pero... bakit siya malulungkot di ba dapat nga matuwa siya kasi mas pinili na niya na iwan ako at bumalik sa totoong mahal niya anong ka dramahan nanaman ito.

"Ahm sige dun tayo sa pool area... manang ikaw po muna bahala dito ah mag uusap lang kame."

"Sige hija"

Present Vs PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon