7

32 0 0
                                    

"Sachie buti naman at pumasok ka na nag aalala kame sayo kahapon". Sabay yakap saken ni Kyle.

"Pasensya na ah.. kung pinag alala ko kayo, gusto ko lang mapag isa kahapon kaya umalis ako".

"Okey ka na ba ngayon??" Alalang tanung nya.

"Hhmm.. medyo... pero di pa totally okey pero kakayanin ko".

"Buti naman kung ganun.. alam mo bang alalang alala sayo si Louise tas nasampal pa niya si Harvey kahapon".

"Alam ko.."

"Alam mo pano??"

"Nasa bahay si Jessie kagabi na kwento niya sa akin yun".

"Aba may gana pang magpakita yun sayo ang kapal naman nun... hindi pa ba sya nakuntento na agawin niya si Harvey sayo ulit".

"Kyle di naman nya alam na naging kame ni Harvey eh..".

"Eh paano kung malaman nya na kayo ni Harvey pagbibigyan mo pa ba ulit sya?? alalahanin mo wala kayong official break up ni Harvey humingi lang siya na space sayo saka si Harvey mismo nagsabi sayo na di kayo nag break kaya kayo pa rin".

"Kyle ganun na din yun humingi siya ng space means di na kame.. saka yung sinabi nya na kahit binigyan ko sya ng space eh di pa din kame break imposible na yun siguro.."

"Ano ibig mong sabihin Sachie don't tell me magpaparaya ka nanaman ba?? Ano yan teh!! Martir mood tayo?? Tama na yung unang nagparaya ka kay Jessie na kahit alam nya na mahal na mahal mo si Harvey nun".

Present Vs PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon