9

2 0 0
                                    

Louise POV

"Ano ba yan Sachie ang takaw takaw mo naman dyan."

Hay naku andito nanaman sya ang kaibigan kong matakaw.. pero ayos na yun atleast di na sya nagkukulong sa kwarto oh di kaya mukmok lang sa bahay nila.

"Hehehe pasensya na Louise ang sarap naman kasi ng bake mo eh saka favorite ko pa..."

"Hay naku... tama na yan wag mo ubusin yan..."

"Louise naman ang dami pa kaya wag ka madamot bestie ".

"Kamusta ka na ngayon??"

"Okey naman ako bestie"

"Iyang puso mo kamusta na??"

Sachie POV

Kamusta na nga ba ang puso ko?? Simula ng mga nangyari di ko na naisip ang mga bagay... siguro namanhid na lang ang puso ko, kusa na sya namanhid na kahit anong kita namen ni Harvey wala na saken.

"Okey na ang puso ko Louise manhid na sya"

"Sana Sachie di pa sya manhid para mapatawad ang mga tao na nanakit sa kanya."

"Well tingnan natin."

Nag paalam na ako kay Louise para umuwi na nag text kasi si manang may dumating daw na package galing kila mommy at daddy habang palabas ako ng gate nila louise may di ako inaasahan na makita...

"Ano ginagawa mo dito??"

"Hinihintay ka"

"Bakit mo naman ako hinihintay ah??"

"Pwede ba tayo mag usap Sachie??"

"Wala na tayo dapat pag usapan Harvey kasi wala na tayo."

"Di naman tayo nag break ah.."

"Nung humingi ka ng space harvey dun nag simula na wala na tayo."

"Bakit ganyan ka Sachie bat ang dali mo bumitaw space lang naman hiningi ko sayo at hindi hiwalayan.."

"Bakit ka nga ba humingi ng space Harvey?? Para san??  Dahil ba naguguluhan ka kasi di mo alam kung sino sa amin ni Jessie ang mahal mo.. alam mo ba harvey ang sakit sakit na malaman na hanggang ngayon may pwesto pa si Jessie dyan sa puso mo kahit na ako yung gf mo ni minsan ba naisip mo yung magiging mararamdaman ko nung humingi ka ng space saken?? Di naman di ba kasi ang inisip mo si Jessie.."

"Di naman sa ganun Sachie kaya lang....."

"Tama na Harvey masakit na tigil na natin ito.."

"Bakit Sachie napagod ka na ba sa relasyon natin??"

"Di ako napagod sa relasyon natin Harvey, nawalan lang ako ng gana dahil sa pambabale wala mo sa akin.. sige mauna na ako sayo ingat lang sa pag uwi"

"Teka Sachie!!!"

Tuloy lang ako sa paglalakad di ko na pinansin ang pag tawag sakin ni Harvey tama lang siguro itong ginagawa ko makakabuti ito samen.

Present Vs PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon