Chapter 5

38 3 1
                                    

Chapter 5

Mabilis na kumalat sa loob ng classroom nina Marie ang balita na may secret suitor siya. Hindi naglaon ay sa buong school na napabalita ang tungkol dito. Laking gulat na lang ni Marie na hindi lang si MG ang nagpapadala sa kanya ng mga love letters, stuff toys at kung anu-ano pa. Ang iba pa nga ay may lakas ng loob na magpakilala sa totoong pangalan nila sa mga sulat na natatanggap niya. Sa una ay kinilig siya pero hindi naglaon ay medyo naiirita na siya. Bakit? Kasi kadalasan ay pinipilit siyang ihatid ng mga ito. Lantaran ang pagbabangayan kung sino ang maghahatid sa kanya pauwi. 

Nang sumapit ang pinakahihintay nilang Foundation Day ay hindi na natutuwa si Marie. Marami kasing pumipilit sa kanya na paunlakan niyang gumala sa school grounds upang libutin ang mga booth na nakakalat sa loob ng kanilang paaralan. Kung pagbibigyan niya ang isa ay aangal ang iba kaya minabuti niyang umiwas at maging busy sa pag-alalalay sa mga booth. Ginawa niya na lang itong rason para wala ng gulo.

Pangalawang araw ng Foundation Day ay may mahalagang in-announce ang kanilang School Direactor . Pinakilala lang naman ni Father ang kapalit ng ng Filipino teacher nila dahil naka-maternity leave na si Ma'am Juliet. Ang bagong teacher ay si Ma'am Raquel ayon kay Father. Kung maliit na nga si Ma'am Juliet ay mas maliit pa si Ma'am Raquel. 

"Ano ba iyan? Ang liit na nga ni Ma'am Juliet , mas pa pala itong si Ma'am Raquel." bulong ni Marie sa sarili.

After ng announcement ay hindi inaasahan ni Marie na magre-request ang mga faculty na magbigay ang mga choir ng intermission number. Ito namang si Sir Rohan ay tinawag sila Marie at JM para mag-duet. Panay ang iling ni Marie sa kanilang trainer pero hindi naman ito natinag. Napansin ni JM na hesitant si Marie kaya siya na mismo ang pumunta kay Marie para sunduin ito papuntang stage. Kaya walang nagawa ang kawawang si Marie kundi magpatianod kay JM. Hawak ba naman ang kamay nito kaya hindi na siya pumalag.

"Mahirap na at baka sabihan pa akong pakipot." pagmamaktol niya.

Pero pag-akyat nila ng stage ay sinabihan niya si Sir Rohan na wala silang napraktis na duet kaya separate ang performance nila though nasa stage silang pareho. Walang magawa ang kanilang trainer dahil totoo naman na wala silang napraktis ni JM dahil lagi itong umaalis agad sa kadahilanang sinusundo ito. 

"No choice. Okay, do what you can do. Is it okay with you JM? Totoo naman kasi na hindi pa kayo sabay na nakakapag-praktis. Nauuna kang umaaalis lagi at si Marie ang naiiwan kaya kumanta kayo ng magkaibang kanta, right?" paliwanag ni Sir Rohan sa kanilang dalawa.

"Okay Sir." sagot na lang ni JM.

Unang kumanta si Marie ng Almost ni Jessica Jung. Mahilig din kasi siya sa mga Korean songs at dances. Sa madaling salita ay fan siya ng K-Pop. Hindi maiwasan ng dalaga ang mangilid ang mga luha dahil nadadala siya sa kinakanta niya. Hindi tuloy siya makatingin sa gawi ni JM. Tumingala siya para hindi matuloy ang pagtulo ng mga luha niya.

I missed the times that we almost shared

I miss the love that was almost there

I missed the times that we use to kiss

At least in my dreams

Just let me take my time and reminisce

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang... Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon