Chapter 2

52 6 3
                                    

Chapter 2

Wednesday ngayon kaya wala kaming practice sa choir. Halos dalawang linggo pa lang nag-umpisa ang pasukan kaya di pa masyadong busy sa school. Nang dumating ang adviser namin na si Ms. Patayan ay nagbotohan kami para sa classroom officers. Nag-decline ako bilang class president para masubukan naman ang kakayahan ng iba ko pang kaklase na deserving namang mamuno sa aming section. Vice-President lang ako sa taong ito. Ready naman akong sumuporta sa lahat ng projects ng class namin kaya kampante naman si Ruel na nahalal bilang president. Kaklase ko na sya noong first year kami kaya wala kaming magiging problema.

Pagdating ng hapon, pinatawag kami ni Ruel sa faculty room. Naabutan namin na nagpupulong ang mga 4th year student na sina Ate Jeannie at Kuya Jonathan. Ang agenda pala ay ang pagpili sa mga kasali sa Student Council. Mga President at Vice-President ng kada section per year kaya kami pinatawag. Natatawa ako sa pagkakataon na binibigay sa akin kasi kasama rin pala si crush, eh kinilig ako. Take note, kasama ko pa sya sa party ni Ate Jeannie. Samantala, si Ruel naman ay kina Kuya Jonathan nasali. Buti na lang at di kami pareho ng posisyon na tinatakbuhan. Ako, Secretary at sya naman ay Treasurer. Kung nagkataon kasi ay maghahati ang section namin sa mga boto nila. Si crush naman ay running for Vice-President since 3rd year na sya. Anak ng pating, unlimited sulyap at titig ang beauty ko, hahaha. What a day! Buong buo ang araw ko.

Kinabukasan, pinasabi sa amin ni Ate Jeannie na may meeting ang party namin sa recess time. Walang common time kasi kaya naisipan nyang sa recess na lang habang kumakain kami ng meryenda namin ay isasabay ang pagpupulong. Hay, busog na busog na naman ako nito, lols!

Recess time, sa canteen... 

Nasa akin ang list ng officers para sa party namin. 5 minutes before recess time ay nag-excuse na ako sa teacher namin sa Science kaya nauna ako sa canteen. Kasunod naman si crush. Pina-reserve naming dalawa ang mesa na gagamitin namin. Ang bait at napaka-gentleman ni crush. Since ako ang secretary ng party namin, alam ko name nya, JM. Habang naghihintay kami ng mga kasama namin ay nagkakwentuhan kaming dalawa.

 "Dinig ko JM din ang name mo?", sabi nya.

"Ah, di lang JM ang name ko. Sipag kasi nina Dad at Mom kasi binigyan ako ng tatlong name. Shiela Jae Marie, short for JM, She, Je o Marie. Bahala ka na lang kung alin ang itatawag mo sa akin. Sanay naman ako na iba iba ang tawag sa akin. Mga kaklase ko ang tumatawag sa akin ng JM. Close friends ko naman Marie ang gamit. Sa bahay ay Je ang nakasanayan samantalang ang mga pinsan kong lalaki ay She ang tawag.", litanya ko sa kanya.

"Ganoon?", tanong nya.  "Akala ko ako lang ang may mahabang pangalan.", sabi pa nya.

"Bakit? Ano po ba ang tunay mong pangalan kuya?", tanong ko pabalik.

"Jax Melchizedek", sabi nya na nangingiti.

"Ang weird po ng mga parents sa ngayon no.", kako sa kanya ng patawa. 

"Tama!", sang-ayon nya. "Order na muna tayo ng makakakain habang naghinhintay.", dadag nya.

"Baked macaroni at pineapple juice po sa akin Kuya JM.", sabay abot sa kanya ang isang daan.

"Okay.", sabi nya  at kinuha ang inabot kong pera. Pagbalik nya, inabot nya ulit sa akin ang isang daan. "Walang panukli si Manang Chedeng sa dalawang daan ko kaya sinama ko na yong order mo.", sabi pa nya.

"Ha? Naku, baka po wala ka ng pamasahe pauwi mamaya kuya. Maglalakad ka po nyan.", biro ko. "Sa susunod, ako naman po ang magbabayad ng snacks natin, okay lang po ba?", tanong ko.

"Oo naman.", tugon nya.

Di naglaon ay dumating na sina Ate Jeannie at ang iba pa naming ka-party. Pinag-usapan namin ang magaganap ng pangangampanya sa susunod na linggo. Bibigyan kami ng isang linggo para dito. Sa hapon ng last day ang botohan. Nakaka-excite ang mga pakulo na naisip ng mga kasama namin. Kung hihirit ang mga estudyante ay pwede kaming magbigay ng isang maikling intermission daw bago umalis sa kada classroom. Since member kami ng choir parehas ni Kuya JM ay nag-suggest yong iba naming kasama na halinhinan kaming kumanta sa kampanya. Nag-assign na rin si Ate Jeannie ng gagawa ng mga banners at flyers para sa party namin. Kung may mga freebies kaming ibibigay ay allowed naman daw basta kami ang gumawa at di masyadong mahal. Bawal magpa-print sa mga printing establishments lalo na ang magpagawa ng tarpaulin. Balak ko ngang gumawa ng bookmarks at paper clips na may design para ipamigay  at mapakinabangan pa rin ng mga estudyante even after the campaign period. 

Hanggang... Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon