Chapter 1

68 6 3
                                    

Chapter 1

Seven years ago...

Ako si Shiela Jae Marie. First year high school.  Matalino, walang duda. Maganda, sakto lang. Mabait, PalakaibiganPalangiti, SingkitMaputi, Medyo Chubby at higit sa lahat, May Kaliitan. Bakit? Kasi di man lang ako umabot ng 5 feet. yong tipong naudlot kasi 4'11 1/2" lang ako. Naman oh! Pero cute daw. Defensive, pero wala akong sama ng loob kasi may teacher ako sa Filipino na matangkad pa ako kaysa sa kanya. Pangatlo rin ako sa pila tuwing Flag Ceremony. Oh diba! Walang halong ampalaya. Di naman kasi naging hadlang ito. Dami pa rin akong admirers. Suitors din. Ako kasi yung kilala ng lahat. Lahat kasi ng organization sa school na pinapasukan ko ay member ako. Di lang member, officer pa. Kaya tuwing may mga programs na sponsored ng iba't ibang org sa school, kulang na lang ay hati hatiin ko ang aking sarili para masalihan lahat ng activities. Kailangan ko kasi ito for my extra curricular activities. Once na malamangan ako, for sure laking kawalan ito para sa akin to stay as top 1 sa klase.

Okay naman ang naging takbo ng pagiging estudyante ko. Nakayanan ko naman ang first year na ako ang first honor. Bahay - eskwelahan ba naman ang naging routine ko lagi. Tuwing Sundays lang ako nakakagala sa may park sa Plaza after magsimba. 

Pagdating ng second year, dito nag-umpisa ang lahat. Gaya nga ng nabanggit ko, lahat ng mga organizations sa school ay kasama ako. Dahil may dumating na teacher na ex-Seminarian ay nagdesisyon ang Director ng eskwelahan na magkaroon ng choir. Sa isang Catholic School na pinapatakbo ng mga pari pala ako nag-aaral at kailangang may choir para may kakanta tuwing may programa at misa. Nagpa-auditon nga itong si Sir. Syempre, ako pa ba ang magpapahuli. Marami rami rin kaming nag-audition mula first year hanggang 4th year. Ang audition piece ko ay ang theme song ng Disney's Mulan, na Reflection (play nyo ang multi-media habang nagbabasa para ma-feel nyo ang audition, hahaha). Noong natapos na ang lahat na kumanta ay pinayuhan kaming hintayin na lamang ang resulta ng audition na ipo-post sa Lunes. High hopes ako na isa ako sa mga makukuha.

Pagsapit ng Lunes, sabik ang lahat ng estudyanteng nag-audition na makita ang resulta. May pa-suspense pa silang nalalaman kasi sa hapon pa daw ito ipo-post sa may bulletin board. Yong iba ay di maka-concentrate sa klase dahil sa kahihintay sa magiging resulta. Ako, deadma lang. Kung makukuha ako ay maganda. Kung di naman, I'll just try my luck next time. Alam ko kasi na next year ay magpapa-audition na naman sila dahil sa mga graduating na members. May pag-asa pa ako.

Hay, hapon na. Ito na ang pinakahihintay ng lahat ng auditionees. Sa awa ng Diyos, pumasa nga ako sa audition. Isa ako sa limang member na nabibilang sa soprano. Ang saya talaga ng Lunes ko. Kinabukasan ay mag-uumpisa na ang aming praktis pagkatapos ng aming mga klase. 5 to 6 pm ang oras ng practice tuwing Martes at Huwebes, 8 to 12 naman tuwing Sabado. 

Kinabukasan  sa praktis..

Magkakasama kaming limang soprano. Ako, sina Mayet, Rusty, Sol at Josie. Sa bandang likuran kami pinapwesto para di masapawan ang iba. Sobrang tataas daw kasi ang boses namin lalo na kung pinagsama sama. Enjoy naman ang unang araw ng praktis. Nakilala rin namin ang ibang members ng choir. Halo halo (babae at lalaki) na ang mga napili sa bass, tenor at alto. Bago mag-vocalization ay introduction muna kasi mula 1st year hanggang 4th year ang mga napili. Kaklase ko kasi ang mga soprano kaya kilala na namin ang isa't isa. Mostly ay biblical songs ang mga tinuro sa amin. Madali   kaming maka-catch up kaya sa araw na ito ay tatlong kanta ang   napag-aralan namin. Inspired kasi karamihan sa mga babae, paano ba naman si Sir Ex-Seminarian guwapo na nga, ang lamig pa ng boses. Kapagod pero sulit naman lalo na may isa sa mga 3rd year na cute. Parang nakikita ko na sya dati tuwing may meetings sa English Club. Well, crush lang naman kasi nga may affinity ako sa mga guys na naka-salamin. Yon bang mukhang genius, pero di nerd ah. Ang problema nga lang ay sobrang tangkad nya kumpara sa akin. Yong feeling mo ay para ka lang nyang binubulsa sa tuwing makasabay mo sya. Yong mangangawit ng husto ang leeg mo sa kakatingala kapag kausap mo sya kung di kayo naka-upo. Magkaka-crush na nga rin lang, syempre yong pinapangarap mong crush ka din nya, di ba? Pero alanganin talaga. Sobrang mismatch kung nagkataon. Kaloka naman 'tong nararamdaman ko. Buti na lang at uwian na. Bye for now crush. Sa susunod, aalamin ko na name mo, charot! Landi lang ng  peg ko ngayon, hahaha.

-----------------------

just want to dedicate this chapter to one of my followers na si Reeenah ng Seoul, South Korea. kompleto yan ha. hope you'll read my work. isa ito sa mga kabaliwan ko, hahaha.

Hanggang... Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon