Chapter 4
Nangako si Marie sa sarili na hindi na niya pag-uukulan ng pansin ang kanyang crush. Kung baga sa ice cream, another flavor na lang ang gagawin niyang favorite. Hindi na cookies 'n cream kundi halo-halo flavor na lang. Iyon bang kompletos rekados na lang. Hahanap siya ng guwapo, matalino at talented na pwede niyang gawing crush niya pamalit sa super manhid na si... ay don't speak bad word!
Lumipas ang ilang buwan at nakakasanayan na niya na huwag pansinin si JM. Madalas niya itong nakikita at nakaka-usap pero parang wala lang. Ayaw na rin niyang tawagin siyang JM. Marie na lang. It's her means of moving on. Broken hearted kasi siya sa crush niya. Hindi man lang siya pinag-ukulan ni katiting na pansin kaya mayroon na siyang bagong crush. Si Juan Carlos. 4th year student ito sa paaralan nila. Taglay nito lahat ng katangian na hinahanap ng dalagita sa isang lalaki. Guwapo, matalino at talented kasi magaling itong sumayaw. Kasama sa dance troupe ng paaralan nila ang binata. Hindi nga lang ito naka-salamin. Attracted kasi masyado si Marie sa mga lalaking nakasalamin. Para sa kanya ay "genius" ang mga ganitong lalaki.
Malapit na ang Foundation Day ng paaralan nila. Kasama ng Student Council ang iba't ibang clubs sa paaralan nila sa paghahanda para sa Foundation Day. Since kasama si Marie sa halos lahat ng clubs at sa Student Council ay naroon siya kasama nila Ruel, Marvin at Joseph. Naroon din si JM pero kasama ang meyembro ng ibang club.
"JM, pahinga ka muna. Kanina ka pa walang tigil sa paggawa ng mga banderitas na iyan." pahayag ni Ruel.
"Excuse me. It's Marie, not JM. Don't speak bad word if you're talking to me. Pwede?" pagsusungit niya kay Ruel.
"Mga pare, bilhan nyo nga ng refreshment itong si Madam Marie. Mainit na kasi ang ulo. Pagod na iyan." pagbibiro ni Ruel.
"Ano bang gusto nyo Madam Marie? Softdrinks? Fruit juice? O shake?" tanong naman ni Joseph.
"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo sa buhay niyo. Huwag niyo akong idamay diyan sa mga kalokohan niyo." giit ng dalagita.
"Bili na lang kayo ni Marvin ng shake para sa kanya pareng Joseph." sabi naman ni Ruel sa dalawa.
Nanahimik sandali sa loob ng kwarto kung saan sila gumagawa ng mga gagamitin sa Foundation Day ng paaralan nila. Ang hindi alam ni Ruel ay naririnig sila ni JM. Medyo nasasaktan siya sa mga salitang binitawan ni Marie. Ayaw na kasi ng dalagitang tawagin siyang JM. Hindi niya mawari kung bakit medyo nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Wala naman siyang maalalang ginawa niyang masama o makakasama dito.
Nang makabalik sina Marvin at Joseph ay umingay ulit sa loob ng kwarto. Nag-aasaran, nagtatawanan at kung ano ano pa ang mga ginawa ng mga makukulit nilang kasama sa Student Council.
"Siguro, walang love life itong si Marie kaya nagsususungit lately." biro ni Joseph.
"Hoy, Mr. Loverboy. Kung wala kang makitang iba na pagtritripan mo, huwag mo akong idamay diyan sa mga kalokohan mo." asar na sabi ni Marie.
"Hindi ka naman ganyan dati ah. Siguro, binasted ka ng crush mo? Ay, na-friend zone siya, hahaha." tawa ng tawa si Joseph.
"Tama na iyan pare. Asar na si Marie oh." pigil ni Ruel.
"For your information Mister Chickboy, marami akong admirers ano. Hindi ko lang sila pinapansin kasi aral muna inaatupag ko dahil bata pa ako. Pero kung may maglakas ng loob na manligaw sa akin simula sa araw na ito ay sasagutin ko agad." seryosong sabi ng dalaga sa mga ka-meyembro niya.
Hindi nakaimik sina Ruel. Alam kasi nila na hindi nagbibiro ang dalagita sa mga binitawan niya. Walang naglakas ng loob na magsalita. Binaling na lang nila ang atensyon sa ginagawa nila.