Chapter 3
Mabilis na dumaan ang lahat. Natapos ang eleksyon at syempre panalo halos lahat ng kapartido ko maliban sa ilan kasi ang nanalo ay sina Ruel at dalawa pa sa kanyang kapartido.
Lagi ko ring nakikita at nakakasama si Kuya JM. Ano mang pilit kong dumistansya sa kanya ay 'di ko magawa kasi nga kasama ko siya sa Student Council at choir mate pa. Pero ang walanghiya, laging sumasama o sumasabat sa mga usapan mapa-SC o choir man.
Isang araw (na sadyang tinaon sa holiday kasi walang pasok) habang naghihintay sa mga ibang officers ng SC dahil nagpatawag ng meeting si Ate Jeannie ay napagkatuwaan naming mga officers na dumating na sa school na magpasiklaban ng mga pick up lines para raw 'di mabagot sa kahihintay ng mga feeling VIP officers ng SC.
"Oh, pasiklaban tayo ng mga pick up lines ah." sabi ni Ruel.
"Oo ba!" sagot naman nitong si Marvin. Si Marvin ay isa sa mga nanalo na kapartido ni Ruel.
"Marami akong baon niyan!" sigaw naman ni Joseph, ang makulit na kapartido rin Ruel.
"O sige. Simulan na natin. Sinong mauuna?" sambit ni Kuya JM habang ngingiti ngiti.
"Ikaw na lang Ruel. Sunod naman ang katabi mo sa gawing kanan mo. Ganyan lang ang flow." suhestiyon niya.
"Masusunod mahal na reyna." wika ni Ruel.
"Oo nga pala ano. Ako lang pala ang babae rito." usal niya sa sarili na nakangiti.
"Pwedeng mag-pass?" sabat ni Joseph.
"Hindi pwede!" sabay sabay na sabi ng tatlong lalaki kay Joseph.
"Anong parusa kung nag-pass?" tanong ulit ng makulit na si Joseph.
"Manlilibre ng ice cream sa may bayan." sagot ng dalagita.
"Tama." sang-ayon ulit ng tatlo.
"Nadali na. Madi-discover niyo na ang mga hidden pick up lines ko." nakakalokong sabi ni Joseph.
"Ano? Game na?" singit naman ni Marvin.
"Lupang Hinirang ka ba?" agad na banat ni Ruel.
"Bakit?" kaming lahat.
"Kasi handa akong mamatay ng DAHIL SA'YO." sagot ni Ruel.
"Corny mo!" sambit ni Joseph.
"Sana naging damit na lang ako... para kahit minsan... i-try mo kung bagay ako sa'yo." banat ni Kuya JM.
"Ako. Damit ako." kulit ni Joseph.
"Ako naman." sabi ni Marvin. Tapos ay lumingon siya kay JM. "Hi! Ikaw ba si AUNTIE? Ikaw kasi AUNTIEnitibok ng puso ko." sabay pa-cute.