Prologue
"Cool off muna tayo." yan ang sinabi ko sa kanya.
Napailing na lamang sya. Wala naman kasi syang magagawa sa mga sinabi ko. Alam nya kasi na buo na ang desisyon ko base sa aking kinikilos. Lalo na sa aking mga mata na puno ng pagdaramdam. Kaya maski ayaw nya ay pumayag na rin sya.
Agad agad akong tumalikod sa kanya. Wala na, tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit sakit lang. Ramdam ko kasi na nanlalamig na sya sa akin. If he fell out of love, bakit di na lang nya sabihin sa akin ng harap harapan. Wag yung pinapahirapan nya ako ng husto sa mga pinapakita nya. Di naman ako manhid at lalong di bulag. Bakit unti unti pa nya akong pinapatay sa selos. Kung di na nya ako mahal, sabihin lang nya. Yung minsanang bagsak para minsanang sakit rin lang ang aking mararamdaman. Pero tanga kasi ako eh. May pa-cool off pang nalalaman. Mahal ko kasi sya. Maski ang sakit sakit na ay di ko pa rin sya mabitawan ng tuluyan. Ang sabi nga, "rest if you must, but don't you quit". Yan ang aking pinaghuhugutan ng lakas ng loob para kayanin ang aking naging desisyon.
Wrong move ba ang aking ginawa at bakit parang gusto ko ng bawiin at tumakbo pabalik sa kanya at sabihing... 'J O K E!!!' Pero naman, may joke bang umiiyak ng walang katapusan. Pride ko na nga lang ang natitira sa akin kasi binigay ko na ang lahat sa kanya, pati ba naman iyon ibibigay ko pa!
Ito ang tagpo na huling tumatak sa aking isipan. Ang huling pagkikita namin ng aking long time boyfriend.
Credits to the owner of the video. :)