2

357 20 10
                                    


"Class dismiss good bye!"

Nag kanya kanya na kaming tayo at inayos ko ang suot kong specs bago ako nag lakad palabas ng room namin.

Matamlay akong nag lakad patungo sa parking lot ng school at kinuha ko ang susi ng kotse ko bago umalis.

Hindi kase pumasok si Madi, ewan ko ba doon hindi man lang nag sabi, hindi naman sya ganon dati nag papaalam naman sya sakin pag hindi sya makaka pasok. Tss.

Syaka na disappoint kase ako akala ko panaman sya ang unang babati sakin ng birthday ko dahil best friend ko sya pero kahit chat wala.

Pag kauwi ko ay agad kong ipinark ang sasakyan ko sa garahe ng bahay namin.

Agad ko namang napansin ang dalawang kotseng naka-parada sa garahe ibig sabihin nandito ang parents ko.

"Hey mom! Hey dad!" I greeted.

"I am sorry Mr. Sandoval?" Itinaas lang ni mom ang kamay nya sakin at hindi na pinansin.

Lumapit naman ako kay dad para humalik sa pisngi nya dahil busy sya sa harap ng laptop nya.

"Hey dad." Walang buhay kong sagot. Pero hindi na nag abala pa si dad na bumati pabalik.

Aalis na lang sana ako papunta sa loob ng kwarto ko ng may bigla akong maalala.

"Dad wala po ba kayong naalala today?" I asked hoping that they remember my birthday.

"Today? Wala naman anak bakit anong meron ngayon?" Napailing na lang ako.

"Nothing dad." At lumakad ako papunta sa kwarto ko.

Mabilis lang akong nag bihis at humiga sa kama ko, bakit kaya feeling ko sobrang disappointed ako?

Tapos ang tamlay tamlay ko.

Tulala akong napa titig sa kisame ng kwarto ko habang mabibigat ang pag hinga ko.

Napa pahid na lang ako ng pisngi ko ng may maramdaman akong mainit na likido na tumulo sa pisngi ko.

"Bakit ba ako umiiyak?" Pagak akong tumawa at bumangon sa pag kakahiga syaka ako dumiretsyo sa vanity table ko at humarap sa malaking salamin.

I smiled bitterly.

"Happy 18th birthday self!" I bitterly greeted myself while wiping off my tears.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti, hindi dapat ako maging malungkot dahil sabi ko nga normal na araw na lang ito para sakin.

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumeretsyo sa kusina kung saan nandoon ang mga maids namin.

"Happy 18th birthday Hera hija!" Hindi ko mapigilang mapa luha ng batiin ako ni manang Milda.

"Salamat po manang!" Sabi ko at niyakap sya.

"Naka limutan na naman ng mommy at daddy mo ang birthday mo ano? Wag kanang malungkot Hera anak hindi ko naman iyon nalimutan." Lalo ko lamang hinigpitan ang pag kakayakap ko kay manang Milda.

"O sya pahirin mo na ang luha mo at kumain kana." Sabi ni manang sakin kaya naman naupo na ako sa dining chair at nilapagan naman nila ako ng plato.

"Niluto ko lahat ng paborito mo hija kumain ka ng marami ha?" Tumango na lamang ako at kinain ang mga hinanda ni manang para sakin.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang pag tulo ng mga luha ko.

Naiiyak ako kase masaya ako na may mga tao pa pala na nag aalala sakin at hindi nalilimutan yung importanteng kaganapan sa buhay ko.

I Love You Until 365 Days (On- Going)Where stories live. Discover now