"Ah!" Rinig kong sigaw ni Celestina kaya naman nag madali akong lumapit sa kanya at doon ay nakita kong hawak hawak nya ang dumudugo nyang daliri."Anong nangyari?" Tanong ko at kinuha ang hintuturo nya.
"A-aray! Namimitas lamang ako ng rosas dito sa hardin nang matusok ako ng tinik nito," paliwanag nya.
Kinuha ko naman ang panyong dala ko at itinakip sa sugat nya sa kamay.
"Masakit paba Tinang?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Hindi naman sya sumagot kaya naman itinuloy ko na lang ang pag punas sa sugat nya.
"Ayan tapos na," sabi ko at ngumiti syaka tumingin sa kanya, hindi ko alam kung ako lang ba? pero kase nakita ko na ang sama ng tingin nya sakin at bigla na lang iyon na lumungkot ng mapa tingin ako.
Nag kibit balikat na lang ako baka naman namalikmata lang ako hindi naman ganon si Tinang mabait sya alam ko iyon.
Tinulungan ko na lang sya sa pamimitas ng mga rosas sa hardin, tahimik lang kaming dalawa.
"Nais mo ba talagang pakasalan si Tomas, Helena?" Pag basag nya sa katahimikan kaya naman napa tigil ako sa ginagawa ko.
"H-hindi ah, hindi ko sya nais pakasalan Tinang," sagot ko pero pinag masdan nya lang ako dahilan para mailang ako kaya napa tingin ako sa baba.
"Sigurado kaba dyaan?" Paninigurado nya.
"O-oo naman Tinang!" Sagot ko.
Hindi na sya nag salita at itinuloy na lamang ang pamimitas ng mga rosas dito sa hardin.
Nung bumaba na ang araw ay nag paalam na akong uuwi hindi na ako nag pahatid pa sa kalesa nila dahil malapit lang naman ang bahay namin tapos gusto ko din naman mag lakad.
Kaya eto ako ngayon nag lalakad sa kalsada kahit na naiilang ako sa mga tingin nila pero chin up parin ako noh ang ganda ganda ko tapos yuyuko lang ako?
"Hindi ba at iyan ang anak ni Don Martinez? Ang sinasabi nyang unica hija nya?" Pakinig kong sabi ng isang babae.
Wow ha? May paganon si mayor? May pa cheese wiz?
"Oo nga siya nga, naulinagan ko nga ang balita noong ika-labing walong kaarawan nya na may niyakap syang isang ginoo ngunit hindi naman pala iyon ang kanyang pakakasalan," dagdag nung isa.
Aba! Wala ba silang magawa sa buhay nila?
Hinawi ko ang buhok ko nung tumapat ako sa kanila at ipinag cross ang mga braso ko.
"Ehem," pag tikhim ko.
"Excuse me? Ako ba ang pinag uusapan nyo?" Tanong ko habang naka taas ang kilay.
"Bakit kayo ganyan ha? Tignan nyo nga muna ang mga hitsura nyo bago nyo pag usapan ang isang tao, napakain nyo naba mga anak nyo? Nakapag luto na ba kayo? Juice colored!" Sabi ko pa at napa tapik sa noo ko.
"Bakit ang chichismosa nyo?" Umiling iling pa ako at nilag pasan sila.
"Wooh ang init ha! Ang daming bitch sarap mag swimming!" Parinig ko sa kanila.
Natawa na lang ako sa sarili ko at muling nag lakad habang kakanta kanta pa.
'I need sombody to heal
Somebody to know
Somebody to have
Somebody to hold'
YOU ARE READING
I Love You Until 365 Days (On- Going)
FantasySi Hera ay isang reader ng mga mature novel at mga teenage fiction, tamad sya ayaw nya sa math lalo naman sa science hindi nya alam kung saan sya nag eexcel kase hindi naman daw sya magaling sa kahit anong bagay, tinakasan na sya ng sarili nyang pan...