6

171 7 0
                                    


Umiwas ako.

Sinubukan ko namang umiwas pero bakit-----

"URGH!" Sigaw ko at ginulo gulo ko pa ang buhok ko.

Kaya naman ayun nakarinig ako ng pag katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Senyorita ayos lang ho ba kayo?" Napa tayo na lang ako sa higaan ko at binuksan ang pinto dahil alam kong kahit sumagot ako ay hindi nila ako lulubayan sa pag tatanong at pag katok.

"S-senyorita? Bakit ganyan ang inyong hitsura?" Tanong ni Selang ang kasambahay nina Helena.

"H-ha? Ano ba ang hitsura ko?" Lito kong tanong at hinawakan ko ang muka ko.

Nakita ko na napayuko si Selang at nag pipigil ng kanyang pag tawa. Napa ngiti ako.

Alam kona masama ang dadanasin nya kay Helena kung si Helena man ang naririto sa kwento pero gusto kong maging mabait sa kanya.

"Sige na ho senyorita at mag bihis na ho kayo," sabi nya at tumalikod.

Kaya naman isinara kona ang pintuan at syaka naligo at nag bihis.

Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba sa sala doon ay nakita ko sina Mom at Dad.

"Ina, Ama!" Pag tawag ko sa kanila kaya naman nabaling sakin ang atensyon nila.

Lulukso lukso akong lumapit sa kanila at naupo sa tabi nila.

"Helena kelan kaba magiging mayumi?" Frustrated na tanong ni dad pero ngumuso lang ako.

"Ina, Ama nais ko sanang mag paalam para lumabas ngayon, gusto ko lamang mag ikot-ikot sa bayan." Sabi ko sana ay payagan nila ako.

"Sino naman ang iyong kasama?" Tanong ni Dad kaya naman napaisip ako, at buti na lang saktong dumating si Selang.

Agad akong tumayo at humawak sa braso ni Selang.

"Si Selang po, Ina, Ama payagan nyo na po ako." Nakikiusap kong tanong.

Napabuntong hininga lang si Ina at si Ama ay napailing na lang.

Nilingon ko naman si Selang na gulat na gulat kaya naman kinindatan ko ito.

"O sya basta't huwag lamang kayong mag papagabi." Sagot ni Ama at kamuntikan pa akong mapatalon sa tuwa.

"Yes naman daddy!" Wala sa sarili kong sambit.

"Ay hehe opo naman Ama." Sabi ko at hinitak na si Selang sa labas.

"Sandali senyorita saan ho tayo pupunta?" Tanong sakin ni Selang.

Sabi ko lang ay "Basta," at hinitak sya papasakay ng kalesa, gusto ko din mag gala-gala at iligtas si Selang ngayong araw kase ay mapapag desisyonan nyang sumama na sa kasintahan nya pero mauuwi lang sa trahedya ang pag mamahalan nila dahil ang mga magulang ng taong mahal nya ay tutol sa kanila.

Well it's lame tutol because mayaman ang lalaki at mahirap lang ang babae so i made a decision, hindi ko alam kung ano ba ang magiging epekto nito sa takbo ng kwento pero kailangan ko syang iligtas.

"Halika pumasok tayo doon," muli ko syang hinila at naramdaman ko naman ang pagiging balisa nya.

"Selang? Ayos kalamang ba? Bakit tila ayaw mong gumalaw?" Imbis na sumagot sya sakin ay napa tingin sya sa baba at napa kurap.

"Bakit mo ito ginagawa binibini?" Mahina niyang tanong sakin.

"Ginagawa ang ano?" Hindi ko alam ang tinutukoy nya.

"Hindi ka ganito kabusilak sa akin noong tayo ay nasa syudad pa kaya bakit tila nag bago ang iyong pakikitungo sa isang mangmang at pobreng katulad ko?" I-ibig sabihin naalala nya talaga ang totoong Helena?

I Love You Until 365 Days (On- Going)Where stories live. Discover now