4

228 10 0
                                    


"Kailangan mong mag pakasal sa kanya Helena." Maotoridad na sabi ni dad pero teka bakit kasal agad? Hindi ko pa nga naabot ang dreams ko at syaka hindi ko alam ang dreams ko.

"Pero ama naman--"

"Walang pero pero Helena!" Pano na yan? Sabi ko tutulungan ko na maamin ni Celestina ang nararamdaman nya kay Tomas hindi lalong pag layuin sila.

Napa tampal na lang ako ng noo ko masama na tiningnan si Tomas na inosenteng pinag mamasdan ako.

Inirapan ko lang sya kailangan maging bad ang impression nya kay Helena, muli akong tumingin kay dad.

"Ama mas mahal ko po si Alejandro!" Sabi ko at pinag cross ang dalawang daliri ko.

Sana maniwala huhu.

"Ano ba ang iyong mga sinasabi Helena? Hindi pa nga kayo nag kikita ni Alejandro pero mahal mo na agad siya?" Ay tanga.

Muli akong napa tampal sa noo ko, hindi pa nga pala sila nag kikita.

"Pero ama sya naman talaga kase ang pakakasalan ko si Alejandro talaga! Ama naman eh pano na yung kasunduan ng pamilya natin sa kanila? Edi mapapahiya tayo nyan!" Pag dadahilan ko.

"Tumigil ka Helena, ang kahihiyan ay ang ginawa nyong dalawa masyado nyong pinasasakit ang ulo ko." Sabi ni dad at hinimas pa ang sintido nya.

Napa tungo naman ako.

"Hoy Tomas wag na wag kang mag kakagusto sakin ha? Naiintindihan mo?" Tanong ko rito at kita ko ang gulat sa mata nya.

Pero nanatili lang na naka tahimik si Tomas at hindi ako pinansin.

"Susmaryosep Helena anak nasaan na ang iyong magandang asal? Ganyan kaba namin pinalaki ng iyong ina?" Napa nguso na lang ako at tumungo.

Eh malay ko ba? Syaka hindi naman ako taga dito no, sa mundo kase namin pwede kong sabihin ano man ang gusto kong sabihin.

"Sige na hijo Tomas at makaka uwi kana, malalim narin naman na ang gabi at nag siuwian narin naman na ang mga bisita." Sabi ni dad at tumayo.

"Ako na ang bahalang kumausap sa mga magulang mo." Hinatid ni dad si Tomas sa tapat ng pintuan.

Nung maka alis na si Tomas ay aalis na lang rin sana ako ng mag salita si dad.

"Hindi pa tayo tapos Helena mag uusap pa tayo, humayo kana sa iyong silid at mag pahinga, bukas na bukas ng umaga ay pupunta tayo sa mansyon ng mga Gomez upang pag usapan ang inyong pag iisang dib-dib," ano ba yan! Bakit ba kase ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Ang layo layo na tuloy ng kwento sa nangyayari ngayon pano na yan?







Kinabukasan ay maaga akong nagising or should i say hindi talaga ako naka-tulog paulit ulit kase na nag p-play sa utak ko yung reaksyon ni Celestina.

Simula nung mangyari yun ay parang lumayo ang loob nya sakin kagabi kahit na sinabi nya na ayos lang sya.

Napa buntong hininga na lang ako at napa padyak sa sahig. Nakakaasar bakit banaman kasi nag iba ang takbo ng storya at wala naman sa story ang mamatay lahat ng ilaw ah? Ayan tuloy gumulo na.

Tumayo na lang ako at humarap sa salamin, naka green naman akong bestida ngayon at naka bun ang buhok ko.

"Grabe ngayon ko lang napansin na muka akong may half spanish, hmm itanong ko nga yan kila mommy at daddy pag balik ko kung may half ba kaming ganon."

Nag lakad na ako palabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan.

"Naka handa kana pala, humayo na tayo." Masungit na sabi ni Dad, mukang nag tatampo parin sakin si Dad ah?

I Love You Until 365 Days (On- Going)Where stories live. Discover now