Magkasama sa restaurant ang magkaibigang Mateo at Benny.
MATEO: Ano ba yan, Benny? Isang oras na tayo dito. Hindi na darating yang sinasabi mo.
BENNY: Darating yun p're. Sureball yun. Baka na-traffic lang. Pero darating yun.
MATEO: Sino ba naman kasi yan? Lintek ka naman kasi, nananahimik na ako sa bahay tapos iistorbohin mo pa ako. Bakit pa kasi ako pumayag sa iyo, samantalang alam na alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga set-up na ganito.
BENNY: Walang problema p're. Okay 'to. Maganda. Mabait. Funny. Smart. Faithful. Maka-Diyos. Makatao. Makabayan. Makabuhay at makakalikasan. Lagi siyang game. Nagsisimba kahit puyat. Wala siyang sawang magmahal.
MATEO: Siraulo ka. Commercial ng Revicon yan eh! Huwag mo akong bilugin. Hindi ako kulangot.
BENNY: P're, panahon na naman kasi para lumabas ka ng lungga mo and to mingle with other people. At saka hindi ka naman tuod para magkulong lang nang magkulong sa bahay dahil sa nangyari sa iyo. Aba. Masaya din ang buhay sa labas ng bahay. Kaya nga madalas akong nasa labas.
MATEO: I want to stop wondering "what if..." I want to know "what is"...
BENNY: Kapag ang mahal natin ay iniwan tayo wag ka malungkot, dahil siguradong may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin matatanggap naman tayo at mamahalin...
MATEO: Sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit.....
BENNY: But at the end of the day, though things might change, some things remain the same di ba? Kaya dapat, 'wag mong kakalimutan ang lumang ikaw.
MATEO: She loved me at my worst, you had me at my best at binaliwala mo lang lahat ng yun...
BENNY: Yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
MATEO: And you chose to break my heart.
(natahimik ang dalawa ng ilang sandali... at magkasabay na napasigaw...)
ONE MORE CHANCE!!!
(at nagtawanan...)
BENNY: Puro ka talaga kalokohan p're. Nahahawa na ako sa iyo.
MATEO: Pero seriously, ayoko muna p're. Next time na lang pag talagang maayos na. Sa ngayon, pahinga muna. Yung ipapakilala mo sa akin, kung talagang seryoso yun, dapat kanina pa nandito yun. O kaya tumawag or nag-text man lang. Kaso wala. Ni "ha" ni "ho" wala. So wala na talaga yun. Baka di lang talaga nakalaan na magkita kami. Kaya aalis na ako p're. May lakad pa ako eh... (sabay tumayo...)
BENNY: Ha? Saan ka pupunta?
MATEO: Actually, nakaempake na ako. Naisip ko kasi, kung hindi magpakita yang sinasabi mong ipapakilala mo sa akin... Ano nga ulit pangalan niya?
BENNY: Hillary.
MATEO: Hillary. Okay. Kung hindi magpakita si Hillary, baka talagang hindi nakalaan na magkita kami. So, in case na hindi siya magpakita, nakaempake na ako. Tutuloy ako ng Hongkong. Pero kung nagpakita siya, stay ako dito sa Pinas. Yun lang.
BENNY: Ha? Lintek ka talaga. Andami mong mga plano. 5 minutes pa mag-antay pa tayo.
MATEO: Next time na lang p're. PM na lang kita sa FB kapag nasa Hongkong na ako. (at umalis si Mateo palabas ng restaurant...)
Hindi kataka-taka ang reaksyon at kilos ni Mateo. Mukhang sa mga oras na iyon, hindi pa niya nakakalimutan si Joey, a smart, straightforward and funny woman na nakasama niya. Dahil kay Joey, lumabas ang iba't ibang kabulastugan at totoong pagkatao ni Mateo. Doon siya naging natural. Marahil hindi pa siya handang iwan ang bahaging iyon ng buhay niya. Pero sino nga ba si Joey?
BINABASA MO ANG
CHANGE ME: Ibahin Mo Ako
RomanceKapag bumanat si Mateo, kahit sinong babae siguradong mapapangiti. Pero bakit pagdating kay Joey, hindi niya mahuli ang kiliti?