There are many benefits of being a hero. If you are a hero, you can become famous. You can acquire special powers. You get to talk to important people. You get to save many lives. And the best of all? You get the girl.
Si Mateo? Siya ang pinakakakaibang superhero. He never gets the girl.
Nakakamangha na habang tumatagal, napapalapit ang loob ni Mateo kay Joey. At nagkakaroon sila ng kakaibang relasyon. A different kind of friendship. For the first time in her life, nagkaroon si Joey ng taong makakausap niya nang personal, masasabihan niya ng nararamdaman, magpapakita sa kanya ng kanyang totoong mukha, ng walang panghuhusga, walang pagaabandona, wala pagkokondena. Marahil dahil nahuhulog na ang loob ni Mateo kay Joey. Isang bagay ang nagagawa ni Mateo kay Joey na talagang ikinatutuwa ng dalaga. Napapangiti niya ito. Kahit sa mga pinakasimpleng paraan, sa mga pinakamaliit na detalye, sa mga pinakapayak na salita, nakapagpapatuloy si Joey sa kanyang pagngiti, isang bagay na ipinagpapasalamat niya kay Mateo.
MATEO: Bakit malungkot ka na naman?
JOEY: Ha? Hindi naman.
MATEO: Iniisip mo na naman yung boyfriend mong tuod noh?
JOEY: Slight lang. Pero wala na kami di ba? Nakipaghiwalay na siya sa akin.
MATEO: Pero iniisip mo pa rin siya..
JOEY: Halata ba?
MATEO: Bakit kasi nagpapakatanga ka pa sa kanya. Pwede ka namang magpakatanga sa akin.
JOEY: (natawa nang bahagya…) Ewan ko ba. Ayaw na niya sa akin. So wala na akong magagawa. Ganun talaga… (naluluha…)
MATEO: Iiyak ka na naman. Sisipunin ka na naman niyan.
JOEY: (umiyak na nang tuluyan…) Ano naman kung sipunin ako? (humihikbi…)
MATEO: Tutulo yan maya-maya lang. Tapos baka makita pa ng ex mo na tumutulo ang sipon mo.
JOEY: (umiiyak pa rin…) Ano naman kung makita niya? Wala naman akong masasabi kapag nangyari yun.
MATEO: Kapag nakita niyang tumutulo ang sipon mo, sabihin mo sa kanya, “Nakita mo na? Pati sipon ko nahuhulog sa iyo. Gusto mo inumin ko ito?”
JOEY: (natawa….) Kadiri! Siraulo ka talaga.
MATEO: Sabi ko naman kasi sa iyo, ako na lang. Kapag magkasama na tayo, haharapin natin ang problema nang magkasama.
JOEY: Wala naman akong problema.
MATEO: Kasi nga hindi pa tayo. Huwag kang feelingera. Excited? Heller?
JOEY: (natawa…) Puro ka naman kasi kalokohan. Hindi ko alam kung kailan ka nagbibiro o kailan ka nagseseryoso.
MATEO: Napakaswerte mo, Joey kapag naging tayo.
JOEY: At baket? Aber?
MATEO: Kapag naging tayo na, hindi na ako magdidi-dikit sa mga pintuan. Ayoko na kasing tawaging “Boy Next Door.”
JOEY: (natawa ulit…) Ang kapal!
MATEO: Pero seriously, bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa ex mong tukmol?
JOEY: Kay Keno? Ewan ko. Masaya ako kapag kasama ko siya? Hindi ko alam. Binibigyan niya ako ng dahilan para mabuhay? Hinahayaan niya akong makita na maganda ang nasa paligid ko? Siya ang nagbibigay ng kulay sa buhay ko? Hindi ko alam, Mateo. Hindi ko rin alam kung kukuha ako ng punchline sa pelikula para masagot ang tanong mo. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, hindi siya maalis sa isip ko. Kahit na tukmol o tuod siya para sa iyo.
MATEO: (natahimik…)
JOEY: Ikaw? Ikaw kaya ang tanungin ko. Bakit ako? Marami naman diyang iba. Mas maganda. Mas matalino. Mas matino. Magpapaligaya sa iyo. Bakit ako pa? Masasagot mo ba ang tanong na yan, Mateo?
MATEO: Oo.
JOEY: (natahimik sandali…) Then why? You can be with any other woman but why me?
MATEO: Actually, I can be with many women. Smart, fun, loving, pretty. The problem is they are not you. I don’t want to be choosing between several girls. I want to be head over heels idiot for one. Pero siyempre hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa iyo. I will always respect the fact that you preferred somebody else. Ganoon talaga yun. Sometimes love means taking a step back. If you care about somebody, you should want them to be happy, even if you wind up being left out. So maiwan man ako dito, okay lang. I can fight. I would if you want me to. Pero kung hindi, eh di hindi.
JOEY: (natahimik ulit sandali…) Saang pelikula mo naman nakuha yan?
MATEO: This is real life Joey. Whether you like it or not. This got real the moment I met you.
JOEY: Ewan ko, Mateo… Ewan ko… Grateful ako dahil lagi mo akong pinapasaya. Dahil lagi mo akong pinagtatanggol. Lagi mo akong sinasamahan. Pero ewan ko…
MATEO: Then, I’m the hero who never gets the girl.
Isa sa mga pangyayari sa buhay nina Mateo at Joey. Ang hindi nila alam, isa na namang karanasan ang papasok sa kanilang magulo pero slightly nakakatawang relasyon ang posibleng magpaikot ng kanilang mga personalidad, ng kanilang mga paniniwala, ng kanilang mga nararamdaman…
BINABASA MO ANG
CHANGE ME: Ibahin Mo Ako
RomanceKapag bumanat si Mateo, kahit sinong babae siguradong mapapangiti. Pero bakit pagdating kay Joey, hindi niya mahuli ang kiliti?