Iniwan na naman ni Keno si Joey. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa kanilang dalawa. At hindi na ito kinaya ni Joey. Suko na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. At sa pangyayaring ito, isa lang ang naisip niyang gawin…
Minsan, dumalaw si Mateo kay Joey. Walang sumasagot sa pintuan. Nakailang pindot na ng doorbell si Mateo pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Buti na lang naalala niya na nilalagay nga pala ni Joey ang susi sa may halaman sa isa sa mga paso sa labas ng pintuan ng bahay niya. Naisip niyang buksan na lang ang bahay at mag-antay sa sala. Tutal, lagi naman niyang ginagawa iyon at nakakalabas-masok naman siya sa bahay ni Joey.
Kinuha ni Mateo ang susi sa halaman sa paso. Binuksan niya ang pintuan ng bahay ni Joey at pumasok. Dumeretso siya sa sala. Naupo sa sofa. Medyo nagrelax nang bahagya. Nang maisipan niyang uminom ng tubig at maghanap ng makakaing merienda sa kusina. Kaya tumayo siya at nagpunta sa kusina…
Hindi pa siya nakakalapit sa kusina, may nakita na siya sa sahig. Kamay. Parang kamay. Medyo natatakluban ng counter kung ano ba talaga ang nakikita niya. Bumilis ang pintig ng puso ni Mateo. Dere-deretso ang kaba at nerbyos. Unti-unti siyang lumapit sa kusina. At habang papalapit siya, naaaninagan na niya kung ano ba talaga ang nasa sahig… si Joey! Bumulagta si Joey sa sahig! Dali-daling tumakbo si Mateo papunta kay Joey…
MATEO: (sumisigaw…) Joey! Joey! Anong nangyari? My God, Joey! Joey! (habang pinipilit na gisingin si Joey…)
Hindi na nagdalawang-isip pa si Mateo. Binuhat niya si Joey. Dali-daling lumabas ng bahay at sumakay ng kotse at isinugod si Joey sa ospital. Habang nagmamaneho, kinakausap ni Mateo ang kanyang sarili…
MATEO: Lintek ka Joey, huwag kang bibitaw… May pangako ka pa sa akin… Ilang taon na lang malapit nang ma-expire ang ten years mo… Dito ka lang… Dito ka lang Joey… Dito ka lang…
Umabot sa ospital si Mateo at naisugod niya si Joey. Pero hindi pa rin niya maintindihan kung ano ba talagang nangyari sa dalaga. Hanggang sa kinausap siya ng doktor…
DOKTOR: Overdose. I think this is a failed suicide attempt. After she woke up, she started throwing up and then lost consciousness again. We’ll try to see what organ was affected pero she is not in critical condition anymore. Isang bagay lang. She attempted to take her life already. She can do it again. She’s very vulnerable right now so be very compassionate to her.
MATEO: (naluluha…) Salamat Doc…
It was the first of the many suicide attempts that Joey had over the years. And everytime she is suffering, Mateo was there to console her. Kahit ilang beses siyang magtangkang magpakamatay, inaalagaan siya ni Mateo, sinasamahan, pinapatawa, kinakausap, dinadamayan, inaalagaan. Kapag papasok sa isang relasyon si Joey at iiwan siya sa huli, nagtatangka siyang magpakamatay. At nandun palagi si Joey para pasayahin siya. Paulit-ulit. Hindi nagsasawa si Mateo. Hanggang sa kinailangang pumasok sa therapy ni Joey.
Kahit sa ospital during her therapy, Mateo was always there, taking care of her. Kahit sa maraming pagkakataon, matigas ang ulo ni Joey at laging nagdadabog, hindi pa rin siya iniwan ni Mateo. Sinasamahan pa rin siya. Hanggang sa mapangiti at mapatawa ni Mateo si Joey. He spent every moment of his life with her.
And then ten years had passed… Their contract has expired…
BINABASA MO ANG
CHANGE ME: Ibahin Mo Ako
RomanceKapag bumanat si Mateo, kahit sinong babae siguradong mapapangiti. Pero bakit pagdating kay Joey, hindi niya mahuli ang kiliti?