CHAPTER FOUR: TEN YEARS

7 0 0
                                    

Alam naman ni Mateo na talagang mahal ni Joey ang ex-boyfriend niyang si Keno. At ilang beses na silang nagkabalikan. Hindi rin naman maintindihan ni Mateo kung bakit kung paanong nagpapakatanga si Joey kay Keno ay ganun din naman siya kay Joey.

MATEO: May naisip ako.

JOEY: Ano yun?

MATEO: A very interesting idea that you might like. Might.

JOEY: Ano nga yun?

MATEO: Let’s say ten years from now, at single ka pa rin, and single din ako, pakasal tayo.

JOEY: Ha? Seryoso ka?

MATEO: Oo. Bakit hindi? Ten years? Maraming pwedeng mangyari nun.

JOEY: Sabagay. (napaisip…) Sige.

MATEO: Sige? Payag ka?

JOEY: Oo. Sige.

MATEO: Teka… (kumuha ng papel at ballpen… nag-drawing ng cartoon ng isang babae at isang lalake… pagkatapos, isinulat niya ang pangalan niya sa lalake at pinirmahan…) Isulat mo ang pangalan mo dito tapos pirmahan mo.

JOEY: (natatawa nang bahagya….) Ano naman ito?

MATEO: Contract. Binding contract. (nangingiti…) Para may kasunduan tayo.

JOEY: (natawa…) Sige. Sige. Pipirmahan ko na. (pumirma…)

MATEO: Ipapanotaryo ko pa ba?

JOEY: (natawa ulit…) Sira. Huwag na. Okay na yan.

MATEO: Basta kung after ten years at single pa rin tayo pareho, pakakasalan kita.

JOEY: Asa ka namang single pa rin ako after ten years.

Over the years, lalong naging malapit sa isa’t isa sina Mateo at Joey. Pero di rin nagtagal at nagkabalikan sina Joey at Keno. Isang bagay na hindi maintindihan ni Mateo kung ikatutuwa niya o ikalulungkot.

Pero hindi naging maganda ang relasyon nina Joey at Keno. Tulad noon, madalas silang mag-away. At madalas na makipaghiwalay si Keno kay Joey, bagay na lalong ikinalungkot ni Joey. Hanggang sa umabot sa isang di inaasahang pangyayari…

CHANGE ME: Ibahin Mo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon