Natapos na ang sampung taon. Sampung taong naghintay si Mateo. Nagtiyaga. Inalagaan si Joey ng matagal na panahon. Patuloy naman ang therapy ni Joey at sa ospital pa rin siya nakatigil. Ni minsan ay hindi siya pinabayaan ni Mateo, kahit na ilang beses nagtangkang magpakamatay ang dalaga. At naisip ni Mateo, panahon pa para ipaalala kay Joey ang kanilang mga pangako sa isa’t isa.
Nasa bahay si Mateo. Paulit-ulit na tinititigan ang kanyang iginuhit na larawan sampung taon na ang nakakaraan, kasabay ng paulit-ulit na pagbasa ng kanilang mga pangalan at pag-alaala sa kanilang pinirmahang kasunduan. Hindi maalis sa isip ni Mateo ang kanilang pinagkasunduan…
Ten years ago…
MATEO: May naisip ako.
JOEY: Ano yun?
MATEO: A very interesting idea that you might like. Might.
JOEY: Ano nga yun?
MATEO: Let’s say ten years from now, at single ka pa rin, and single din ako, pakasal tayo.
JOEY: Ha? Seryoso ka?
MATEO: Oo. Bakit hindi? Ten years? Maraming pwedeng mangyari nun.
JOEY: Sabagay. (napaisip…) Sige.
MATEO: Sige? Payag ka?
JOEY: Oo. Sige.
MATEO: Teka… (kumuha ng papel at ballpen… nag-drawing ng cartoon ng isang babae at isang lalake… pagkatapos, isinulat niya ang pangalan niya sa lalake at pinirmahan…) Isulat mo ang pangalan mo dito tapos pirmahan mo.
JOEY: (natatawa nang bahagya….) Ano naman ito?
MATEO: Contract. Binding contract. (nangingiti…) Para may kasunduan tayo.
JOEY: (natawa…) Sige. Sige. Pipirmahan ko na. (pumirma…)
MATEO: Ipapanotaryo ko pa ba?
JOEY: (natawa ulit…) Sira. Huwag na. Okay na yan.
MATEO: Basta kung after ten years at single pa rin tayo pareho, pakakasalan kita.
JOEY: Asa ka namang single pa rin ako after ten years.
Ito ang paulit-ulit na inaalala ni Mateo habang hawak ang iginuhit na larawan. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, lumabas ng bahay, at masayang pumunta sa ospital para dalawin si Joey…
Pagdating ni Mateo sa ospital, nagtaka siya dahil wala doon si Joey. Ang tanging nakita niya ay isang papel na naiwan sa kama. Isang sulat. Liham na isinulatni Joey. Kanya itong binasa…
Mateo,
Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Nobody loves me. I’m sorry but I’m going. I will look up to the heavens. Maybe somebody loves me there.
Joey
Nabahala si Mateo. Hindi niya malaman kung nasaan si Joey at saan ito nagpunta. Pumunta siya sa Nurses’ Station para tanungin ang Nurse doon.
MATEO: Nurse, yung pasyente sa Room 314, wala na sa kwarto.
NURSE: Ha? Wala po kaming napansing lumabas. Sandali po. Alert ko po ang security.
Hindi maintindihan ni Mateo kung nasaan si Joey. Saan naman siya pupunta? Si Mateo naman lagi ang kasama niya. Biglang sumagi sa isip niya si Keno. Naalala niya noong minsang pinuntahan niya si Keno sa bahay. Galit siya noon. Hindi niya napigilan ang sarili niya. Sinuntok niya si Keno…
MATEO: (matapos suntukin si Keno at matapos itong bumagsak sa lupa… galit na sinigawan si Keno…) Nasa ospital si Joey. Ilang beses nagtangkang magpakamatay. Kung may konsensiya ka man lang kahit kaunti, magparamdam ka! Wala ka nang ginawang mabuti sa kanya! (at saka umalis…)
Dahil sa eksenang sumagi sa isip ni Mateo, dali-dali niyang tinawagan si Keno.
MATEO: Keno? Nandito ako sa ospital. Wala si Joey. Wala sa kwarto niya. Umalis. Nandiyan ba?
KENO: Ha? Wala… Hindi ko pa nakikita… Wala siya dito…
MATEO: Ha? Saan naman pupunta yun? May iniwang sulat. Magtatangka ulit yun.
KENO: Anong sabi sa sulat?
MATEO: (binasa ang sulat habang kausap si Keno sa phone…) “Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Nobody loves me. I’m sorry but I’m going. I will look up to the heavens. Maybe somebody loves…” (nagulat at hindi na tinapos ang sulat…) Keno! Pumunta ka dito! Bilisan mo! Puntahan mo ako sa rooftop! Kakausapin ko siya habang hinihintay ka! Bilisan mo!
KENO: Sige! Sige! Bibilisan ko!
Dali-daling umakyat ng hagdanan si Mateo para pumunta sa rooftop. Habang tumatakbo, umaalingawngaw sa kanya ang mga isinulat ni Joey… “I will look up to the heavens…” Naisip niya na tatalon ito mula sa rooftop.
Pagdating sa rooftop, hindi nga siya nagkamali. Nandoon si Joey. Standing near the edge of the rooftop. Akmang tatalon…
MATEO: Joey… Joey… Pag-usapan natin ito… Joey…
JOEY: (dahan-dahang humarap kay Mateo…) Mateo… Ayoko na… Pagod na pagod na ako… (umiiyak…) I am all alone… Nobody… Nobody cares…
MATEO: (kinuha ang iginuhit na larawan mula sa kanyang bulsa…) Joey… Naaalala mo ito? (ipinakita kay Joey ang larawan…) Ten years ago, nangako tayo sa isa’t isa. May kasunduan tayo. Kapag single ka pa at single pa ako, magpapakasal tayo. Naalala mo? Itinago ko ito. Naghintay ako ng sampung taon. Nandito ako. Pakakasalan kita.
JOEY: (natahimik… natigilan sa kanyang narinig…) Mateo…
MATEO: Naalala mo, Joey?
JOEY: (hindi pa rin makapagsalita…) Mateo…
MATEO: Nandito pa ako…
JOEY: (natitigilan…) Mateo… Nagbibiro lang ako noon… Akala ko hindi ka seryoso… Hindi ako seryoso noon…
Halos gumuho ang buong mundo ni Mateo sa narinig. Hindi siya nakapagsalita. Hindi agad nakakilos. Hanggang sa may narinig siyang boses sa likuran niya…
KENO: Joey!
JOEY: (nagulat…) Keno?
Tumakbo si Joey papunta kay Keno at niyakap ito. Mahigpit na magkayakap ang dalawa. Habang si Mateo naman ay nakatingin sa langit at hindi nakapagsalita. Naalala niya ang mga bagay na ginawa niya para kay Joey. Ang pagpapatawa, pagpapangiti sa dalaga, ang pag-aalaga habang nasa therapy, ang ilang beses na pagsama dahil sa pagtangka nitong magpakamatay, hanggang sa unang beses niya itong makita sa beach noong nag-aaway sina Joey at Keno. Pati na rin ang pagkakasuntok ni Keno sa kanya. Naalala niyang lahat. Hindi siya nakapagsalita. Hindi nakakilos. Hindi nakagalaw. Nakatingin lang sa langit. Nag-iisip. Parang niyayaya siya ng mga ulap na lumipad. Tumalon. Sumama sa hangin. Maging malaya. Maging isa kasama ng himpapawid…
Binitawan ni Mateo ang larawang iginuhit niya sampung taon na ang nakakaraan…
Nilipad ito ng hangin…
At lumakad paalis si Mateo habang magkayakap pa rin sina Joey at Keno.
Ito na ang huling pagkikita nina Mateo at Joey. Wasak ang isip at magulo ang mundo ni Mateo matapos ang eksenang ito. Ang mga sumunod na pangyayari ay malayo rin sa mga plano ni Mateo…
BINABASA MO ANG
CHANGE ME: Ibahin Mo Ako
RomanceKapag bumanat si Mateo, kahit sinong babae siguradong mapapangiti. Pero bakit pagdating kay Joey, hindi niya mahuli ang kiliti?