CHAPTER SEVEN: EPILOGUE

17 0 0
                                    

Matagal nang hindi nagkikita sina Mateo at Joey. Umiwas na rin si Mateo. He doesn’t want anything to do with her anymore. He never went out. Never went on a date. Never hang out with his friends. Never did anything. Not until nakumbinsi siya ng kaibigan niyang si Benny to go to a blind date, something that he never did before.

MATEO: Ano ba yan, Benny? Isang oras na tayo dito. Hindi na darating yang sinasabi mo.

BENNY: Darating yun p’re. Sureball yun. Baka na-traffic lang. Pero darating yun.

MATEO: Sino ba naman kasi yan? Lintek ka naman kasi, nananahimik na ako sa bahay tapos iistorbohin mo pa ako. Bakit pa kasi ako pumayag sa iyo, samantalang alam na alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga set-up na ganito.

BENNY: Walang problema p’re. Okay ‘to. Maganda. Mabait. Funny. Smart. Faithful. Maka-Diyos. Makatao. Makabayan. Makabuhay at makakalikasan. Lagi siyang game. Nagsisimba kahit puyat. Wala siyang sawang magmahal.

MATEO: Siraulo ka. Commercial ng Revicon yan eh! Huwag mo akong bilugin. Hindi ako kulangot.

BENNY: P’re, panahon na naman kasi para lumabas ka ng lungga mo and to mingle with other people. At saka hindi ka naman tuod para magkulong lang nang magkulong sa bahay dahil sa nangyari sa iyo. Aba. Masaya din ang buhay sa labas ng bahay. Kaya nga madalas akong nasa labas.

MATEO: I want to stop wondering “what if…” I want to know “what is”…

BENNY: Kapag ang mahal natin ay iniwan tayo wag ka malungkot, dahil siguradong may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin matatanggap naman tayo at mamahalin…

MATEO: Sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit…..

BENNY: But at the end of the day, though things might change, some things remain the same di ba? Kaya dapat, ‘wag mong kakalimutan ang lumang ikaw.

MATEO: She loved me at my worst, you had me at my best at binaliwala mo lang lahat ng yun…

BENNY: Yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.

MATEO: And you chose to break my heart.
(natahimik ang dalawa ng ilang sandali… at magkasabay na napasigaw…)

ONE MORE CHANCE!!!

(at nagtawanan…)

BENNY: Puro ka talaga kalokohan p’re. Nahahawa na ako sa iyo.

MATEO: Pero seriously, ayoko muna p’re. Next time na lang pag talagang maayos na. Sa ngayon, pahinga muna. Yung ipapakilala mo sa akin, kung talagang seryoso yun, dapat kanina pa nandito yun. O kaya tumawag or nag-text man lang. Kaso wala. Ni “ha” ni “ho” wala. So wala na talaga yun. Baka di lang talaga nakalaan na magkita kami. Kaya aalis na ako p’re. May lakad pa ako eh… (sabay tumayo…)

BENNY: Ha? Saan ka pupunta?

MATEO: Actually, nakaempake na ako. Naisip ko kasi, kung hindi magpakita yang sinasabi mong ipapakilala mo sa akin… Ano nga ulit pangalan niya?

BENNY: Hillary.

MATEO: Hillary. Okay. Kung hindi magpakita si Hillary, baka talagang hindi nakalaan na magkita kami. So, in case na hindi siya magpakita, nakaempake na ako. Tutuloy ako ng Hongkong. Pero kung nagpakita siya, stay ako dito sa Pinas. Yun lang.

BENNY: Ha? Lintek ka talaga. Andami mong mga plano. 5 minutes pa mag-antay pa tayo.

MATEO: Next time na lang p’re. PM na lang kita sa FB kapag nasa Hongkong na ako. (at umalis si Mateo palabas ng restaurant… bumukas ulit ang pintuan at biglang bumalik si Mateo sa restaurant at sumigaw…) Benny!

BENNY: Yo!

MATEO: Sabihin mo sa kay Hillary, maghintay ng sampung taon. If after ten years single pa rin siya at single pa rin ako, malay namin, bigla ko siyang pakasalan.

BENNY: Kasal agad eh hindi mo pa nga nakikita? Hindi ba pwedeng mamanhikan muna?

Nangiti lang si Mateo at diretsong umalis ng restaurant. Makalipas ang ilang minuto, pumasok ang isang dalaga. Nakita ito ni Benny…

BENNY: Hillary!

HILLARY: Uy! Benny! Sorry I’m late. Grabe. Sobrang traffic… Tapos empty battery pa ang phone ko… Grabe… Worst day of my life… (napatingin sa lamesa…) Late din yung iseset-up mo sa akin?

BENNY: Umalis na. Kanina pa. Napakabagal mo naman kasi.

HILLARY: Aba. Kasalanan ko ba kung traffic? Sisihin mo ang gobyerno at hindi pa rin naaayos ang daloy ng trapiko sa Maynila.

BENNY: Sayang kasi halos pareho kayo. Mga broken hearted. Ang difference lang mas madalas kang ma-broken heart so sanay ka na diyan.

HILLARY: Siraulo. Iyong sa akin naman kasi, nasa harap ko na hindi ko pa napansin. Stupid nga lang yung ibang relationships. Itong isa na nasa kamay ko na, napakawalan ko pa ang nakakapanghinayang. If only…

BENNY: Bakit kasi hindi ka nag-charge ng phone kagabi pa.

HILLARY: Ay naku, Benny. Doon ka sa barangay magpaliwanag.

BENNY: Pareho pa kayong may sayad sa utak. Ganyan din yung magsalita sa akin.

HILLARY: Maybe we are not meant to meet. Ganun lang iyon. Otherwise nagkaroon siguro ng brilliant or whatever wise incident that would make us meet by fate.

BENNY: Iyan din ang sinabi niya sa akin kanina. May pahabol pa nga. Hintay ka raw ng sampung taon at pag pareho pa kayong single, baka raw pakasalan ka niya. Loko di ba? Hindi ka pa nakikita pakakasalan ka agad? Eh di may sayad nga sa utak. Pareho nga kayo.

HILLARY: (natahimik…) Anong pangalan nitong lalakeng ito?

BENNY: Tingnan mo itong babaeng ito. Abnormal ka talaga. Nakarinig ka lang ng kasal tinatanong mo na ang pangalan? Dapat kasi nagparamdam ka na…

HILLARY: (pinutol sa pagsasalita si Benny…) Anong pangalan niya?

BENNY: Mateo.

HILLARY: (natahimik… natulala… namutla…)

BENNY: Bakit? Anong problema? Wait… Don’t tell me si Mateo yung sinasabi mo sa akin dati na nakawala sa kamay mo? If that is the case, ibig sabihin ikaw si… Pero hindi… Joey ang pangalan nung babaeng yun.

HILLARY: (binatukan si Benny…) Um! Ano bang name ko?

BENNY: Josephine Hillary. Ow…. Yeah…. Ako nga lang pala ang tumatawag sa iyo ng Hillary… Makes sense…

HILLARY: (tinakpan ang mukha…) My God… Nakawala na naman… Saan nagpunta si Mateo?

BENNY: Wala na. Baka papunta na ng airport yun.

HILLARY: Ha? Bakit? Saan siya pupunta?

BENNY: Sa Hongkong daw. Ewan ko kung anong gagawin doon. Baka magbebenta ng kamote.

HILLARY: (tumayo…) I’m going.

BENNY: Saan ka pupunta?

HILLARY: Obvious ba? Malamang hahabulin si Mateo. He’s not getting away this time. I took him for granted before. Never gave him importance. Only later on that I realized na siya pala talaga. I was so blinded by stupidity na hindi ko iyon nakita agad, But I could see things now. I’m going. And if I don’t see him, I’ll wait for ten years if needed. I’ll do what he did to me.

BENNY: Ow… Yeah…. Okay go. Ikaw bahala. Ewan ko lang kung abutan mo pa yun. Check mo.

HILLARY: I’ll see you around.

At umalis si Benny palayo sa lamesa palabas ng restaurant. Habang naglalakad papunta sa pintuan, she took something out of her purse. Isang papel. Binuksan niya ito. Ang iginuhit na larawan ni Mateo. Ang kanilang natapos na kasunduan. Hanggang sa makapasok siya ng sasakyan, ito ang nasa isip niya. Ang pangako nila sa isa’t isa, ang pagtalikod niya sa pangakong ito, at na-imagine din niya ang mukha ni Mateo habang sinasabi kay Benny…

MATEO: If after ten years single pa rin siya at single pa rin ako, malay namin, bigla ko siyang pakasalan.

And she started the car and moved.

END.

KABUANG MUCH. Roll Bacco speaks. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHANGE ME: Ibahin Mo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon