𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 50: Going Home
[Khizzhea POV]
"Ma'am Khizzhea! Mabuti naman po at dumating na po kayo." Bigkas ng guard namin
"May inayos lang po ako, kaya hindi ako nakauwi." Sagot ko
"Matagal na po kayo hinihintay ng mommy at daddy niyo." Saad nito
"Kaya nga po umuwi ako." Sagot ko sabay ngiti
"Sige po, pasok na po kayo."
Agad naman akong pumasok sa loob.
Nandito na ako sa harapan ng pintuan ng bahay namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakapasok na ako. Ano kayang reaksyon nila kapag nakita nila ako. Masaya kaya sila? O hindi.
"Okay Khizzhea, kaya mo ito. Wag mong isipin kung anong sasabihin nila." Sabi ko sa aking sarili
Hindi na akong nagdalawang isip pa, agad kong binuksan ang pinto at tuluyan ng pumasok.
Maraming bisita ngayon, mga kamag-anak namin nandito rin.
Naglakad na ako papasok, napansin naman nila ako.
"Si Khizzhea ba yan?"
"Buti naman at umuwi na siya."
"Akala ko pa naman nakalimutan niya na ang kaibigan niya."
"Siya pa naman ang dahilan kung paano namatay si Yasmin."
Yan ang mga naririnig kong usap-usapan nila.
Hindi ko na lamang sila pinansin, naglakad na ako patungo sa unahan, na kung saan nandoon ang nakahiga ang aking kaibigan.
Nang nakalapit na ako, napatingin muna ako aking mga kapatid. Nakangiti sila, maliban na lang sa isa kong kuya. Alam kong galit pa siya, it's okay. Naiintindihan ko naman siya. Inalis ko ang tingin ko sa kanila at agad itinuon kay Yasmin na mahimbing na natutulog. Kung makikita niyong lahat, parang hindi siya patay, parang natutulog lang siya.
"Hi Yasmin, sorry ngayon lang ako. May tinapos lang kasi ako. Alam kong alam mo kung ano yun." Sabi ko sa kaniya,
Sabi ko sa sarili ko na hindi na muli ako iiyak, pero ng makita ko ang walang buhay niyang katawan na nasa loob ng kabaong hindi ko na pagilan.Tumulo na lang ito ng bigla.
"S-sorry Yasmin, hindi ko pa nabibigyan ng katarungan ang iyong pagkamatay, dahil mali yung taong inakala ko na pumatay sayo." Mahinang sambit ko sa kaniya
"Khizzhea!" Rinig kong tawag nila sakin
Hindi muna ako lumingon dahil ayokong makita nila na umiiyak ako.
"Alam namin na nasasaktan ka, pero wag mong isipin na sinisisi ka namin sa pagkamatay niya."
"Tita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dalawang pinakamamahal na tao na ang nawala sa akin." Bigkas ko habang umiiyak
"I know, alam ko kung gaano ka sakit ang mawalan ng isang kaibigan. Pero hindi mo kailangan na magluksa ng sobra. Mapapawi din ang lahat ng kalungkutan na meron ka."
"No tita, hindi kailanman mawawala ang sakit at lungkot na nararamdaman ko, hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya para sa kanila." Sambit ko na may halong galit
"Khizzhea, hayaan mo ng mga pulis ang humanapa sa kanila." She said
"No, hindi kaya ng mga pulis ang mga yun. Magaling sila, maraming pulis ang mamamatay, kapag sila ang maghanap sa grupo ng mga h*yop na yun." Giit kong sabi
"Khizzhea, please calm down. Baka atakihin ka ulit sa puso." Pag-aalala nito
Tumingin ako sa kaniya sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Seven Heartthrob Kuya's Book 1 (Completed) Under Editing
Teen FictionKhizzhea Jhane Hwang, a cold hearted woman. But she has a good heart. She's sexy and absolutely beautiful. Her beauty is different. She has a strange beauty, you can't see her beauty in others. No one can equate with someone like her. She's good a...