Chapter 55: The Real Truth

1K 45 5
                                    

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 55: The Real Truth

[Khizzhea POV]

Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig.

"Guys, gising na siya.!" Muli kong narinig sa kanila

Iminulat ko ang aking mga mata at sakto nakita ko silang lahat sa aking harapan.

"Mabuti naman at nagising ka na Princess. Akala namin kung ano ang itinurok sayo ni Yuhan." Nag-aalala nilang turan

Nilingon ko ang buong paligid, pero wala siya. Yung mga salitang yun, bakit niya na kamang nasabi ang mga iyon.?

"Khizzhea may problema ba?" Biglang tanong ni kuya Nathan sa akin

Nahalata siguro nila.

"Ahm, wala po kuya." Sagot ko na lamang

"May masakit ba sayo? Sabihin mo lang huh, gagamutin natin." Pag-aalalang sabi ni kuya Zeke

"Wala po, wala namang ginawa sakin si kuya Yuhan. Ikinulong niya lang naman po ako and tinurukan ng pampatulog." Saad ko sa kaniya

"Mabuti naman kung ganon."

Nakita ko na nawala ang pag-aalala nila sakin. Nasaan kaya ang lalakeng yun, humanda talaga siya sakin.

"Mabuti pa bumaba na tayo upang makapabreakfast na tayo." Suggest ni kuya Aldrin sa kanila

Ako naman nakatitig lang sa labas nitong kwarto. Bakit parang kinakabahn ako?.

"Khizzhea, ano sasama ka ba saamin sa ibaba or magpapahinga ka muna.?" Biglang tanong nila Bianca saakin

"Ahm, susunod na lamang ako. Mauna na muna kayo." Sagot ko sa kaniya

"Oh sige maiwan ka na muna namin. Sumunod ka huh!" Tumango na lamang ako bilang sagot

Nang makita kong nakalabas na sila. Agad akong tumayo at pinakialaman ang lahat ng gamit na nandito sa loob ng kwarto niya. Alam kong may mga nakatagong secret files dito.

Hinalungkat ko lahat ng gamit na makikita ko, maging cabinet binuksan ko. Sinira ko pa nga ito dahil nakakandado. I was curious for what he say last night. Alam kong may tintago siya sa akin. And that's what i need to find out. What he's secret.

Wala akong makitang magpapatunay na may tinatago siya sa akin o sa amin.

Napaupo na lamang ako sa kama at inalala ang mga katagang binitawan nito.

**Flashback**

"Kung simula palang nalaman ko na, sana naiwas kita sa gulo."

"Kuya, ano bang sinasabi mo?"

"Sorry Khizzhea. Sana ako na lang yung una mong nakilala, hindi siya."

"Kuya, hindi kita maintindihan. Pwede ba paliwag mo ng maayos."

"Khizzhea, sana ako lang yung taong minahal mo."

"K-kuya naman, magkapatid tayo. Kaya ano bang sinasabi mo."

"Khizzhea, alam mo bang matagal na kitang gusto."

"Kuya naman! Kung anong mga pinagsasabi mo. Kung ginagawa mo yan para hindi ako magpumilit na umalis dito. Pwes hindi tatalab yan, kilala na kita."

"Ginagawa ko ito para hindi ka na masaktan pa. Ginagawa ko ito upang hindi ka na muli mawala sakin."

"K-kuya, bitawan mo nga ako."

"Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na malaman ko ang totoo."

"Kuya ano ba! Hindi kita maintindihan. Ano bang nalaman mo."

I'm Living With My Seven Heartthrob Kuya's Book 1 (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon