𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 35: 𝐒𝗼𝗺𝐞𝗼𝐧𝐞 𝐏𝐎𝐕

1K 52 0
                                    

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 35: Someone POV

[Someone POV]

"Kamusta ang ipinaguutos ko?. Nahanap niyo na ba ang babaeng yun?" Tanong ko sa mga tauhan ko

"Paumanhin boss, hindi namin siya mahanap. Inilibot na namin ang lahat ng lugar dito sa manila, pero walang Khizzhea kaming natagpuan." Sagot nito

"Ahhh!! Bwesit! Mga inutil! Bakit hindi niyo subukang hanapin sa ibang lugar, sa probinsya." Sigaw kong sabi sa kanila

"Ano kasi boss, may sumusunod rin kasi samin kaya hindi na kami tumuloy papuntang probinsya." Sagot nito

"Sumusunod?" Taas kong kilay sa kanila

"Oo boss."

"Nakilala niyo ba?"

"Yes boss, nakilala namin."

"Sino?"

"Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga Hwang." Sagot nito

"Maliban ba sa grupo ni Khizzhea sino pa ang pinagkakatiwalaan ng magasawa na yun?" Tanong ko

"Si Jiro!" Sagot nito

"Sinong Jiro?" Taka kong tanong, ngayon ko lang kasi narinig ang pangalan niya

"Jiro Festin boss, yung isang mayaman dito sa manila." Wika nito na ikinatayo ko

"Ano!?. Paanong nangyari na kakampi siya ng mga Hwang?. Ang alam ko magkaaway ang pamilya nila." Giit kong sabi

"Hindi po namin alam boss, pero isa lang ang masasabi ko. Hindi sila magkaaway dahil nakikita namin silang magkasama sa iisang restaurant, ang akala nga namin yun ay maguusap para magkabati, yun pala hindi naman talaga sila magkaaway." Wika nito

Umalis ako sa kinauupuan ko, naglakad ako papuntang bintana. Tumingin ako sa labas.

Kung hindi sila magkaaway, bakit kapag may party ang buong business man ay hindi sila naguusap. Don't tell me, plano na nila ito dati pa.

"Boss may ipaguutos pa po ba kayo samin?" Tanong ng mga tauhan ko

"Tawagan mo ang aking kapatid, sabihin mo kailangan niya ng umuwu ngayon. I neee her right now!. Lalo na't magkakampo na sila." Sabi ko

"Okay po boss, tatawagan ko na po si young lady."

"Sige na, iwan niyo muna ako. I want to be alone!"

"Yes boss."

Hindi ko maisip na..na ang pinagkakatiwalaan kong pamilya ay taksil pala. Bakit ba ako nakinig sa mga sinabi niya, bakit ba nahulog ako sa kaniya!.

Kailangan kong mahanap si Khizzhea at pagbayarin sa lahat ng kaniyang mga ginawa sa pamilya namin.

Dahil sa kaniya namatay ang aming magulang, kinuha niya lahat ng meron kami, pero ngayon ako naman ang kukuha ng lahat na meron siya. Kahit ang pinakamamahal niyang lalaki, hahaha tiyak akong masasaktan siya kapag nangyari yun. Wala akong pakialam kung masaktan siya, yun nga ang gusto kong mangyari, inagaw niya boyfriend ko pwes aagawin ko rin boyfriend niya para fair. Hahaha

~~~~~~~~~

[Yuhan POV]

"Nakakainis naman oh! Malapit na sana tayo sa rest house ninyo ng biglang tumawag parents niyo." Wika ni Yannie

"Kaya nga! Malayo pa naman ang bicol sa manila." Pagsangayon naman ni Jasmin

"Bakit naman kasi tayo pinapabalik nila mom sa manila?." Tanong ni kuya Jarold

"Ano naman kaya ang naisipan ng mga yun, sila na nga mismo ang nagsabi na hanapin natin si Khizzhea." Wika naman ni kuya Derick

"Mabuti pa bilisan niyo na lang ang pagmamaneho, para makauwi tayo ng maaga. Kanina pa sila naghihintay satin." Wika ni Carmel

"Hayst! Badtrip naman oh! Kala ko pa naman makakapag bakasyon na tayo sa bicol, hindi pala." Reklamo ni Daryl

"We don't have a choice, we need to follow their decision." I said to them

"Yahh! You right! Kapag hindi naman natin sinunod patay tayo sa kanila." Wika naman ni Nathan

"Kaya dapat bilisan na ang pagmamaneho, dahil tiyak ako galit na naman ang dalawang matanda na yun." Wika ni Daryl

"Hahaha, iba pa naman kung magalit ang dalawang yun." Sabi ng iba habang tumatawa

"Tsk, stop laughing! Derick! Just focus on driving, baka maaksindent tayo." Sabi ko sa kaniya

"Okay, just chill my dear brother. Baka atakihin ka na naman diyan ng kasungitan mo." Wika nito

"Tsk, i don't care!."

Nakinig na lang ako ng music that listening to them, wala naman kagandahan ang mga pinagsasabi ng mga kapatid ko.

Bakit nga kaya kami pinapabalik nila mom at dad?. May problema ba ulit sa company?. O dika kaya hindi naman talaga problema, baka nagpupumilit na ang babaeng yun para pakasalan ko. Tsk, i don't like her, ang pangit niya kaya, tiyaka may mahal na akong babae. Kaya hindi ako papayag na pakasalan ko siya, kahit alang-alang sa company.

Hindi ko nga siya kilala, maging ugali niya hindi ko gusto. Kung pangit siya sa aking paningin, maganda siya sa ibang tao. Tsk, doon na lang dapat siya magpakasal, sa lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo.

Ayoko naman siyang lokohin lalo na ang sarili ko. Kaya kung yan ang dahilan kung bakit nila kami pinapabalik, tsk wala akong pakialam. Hindi ko haharapin ang babaeng yun, kahit mamatay ako.

"Guys! May idea na ako kung bakit tayo pinabalik nila mom at dad." Rinig kong sabi ni Daryl

"Ano yun Daryl?" Tanong ng lahat

"Sa tingin ko, gusto na ng bruhang babae na yun magpakasal kay Yuhan." Wika nito na ikinakingon ng mga babae

"Ikasal?. Si Yuhan?. Kanino?" Gulat nilang sabi

"Hindi niyo pa ba alam?. Matagal ng pinagkasundo ng magpakasal si Yuhan sa isang anak ng business partner nila dad. Pito kaming magkapatid,.pero si Yuhan ang nagustuhan ng anak nilang babae. Kaya no choice sila mom at dad." Kwento ni Daryl sa mga babae

"What the!. Bakit hindi niyo pinigilan?." Gulat na tanong ni Angelic

"Wala kaming magagawa, mismo sila mom at dad na ang nagdesisyon. Kaya hindi na kami pwedeng magialam doon." sagot ni kuya Jarold sa kanila

"Alam niyo naman na may masasaktan, hindi ba?." Wika ni Yannie sabay lingon sa pwesto ko at kay Jasmin

"Alam namin yun but we don't have a choice. Sana maintindihan ninyo." Rinig kong sabi ni kuya Zeke

"Paano yan?. Tiyak na nandoon sa mansyon ang bruha na yun." Wika ni Carmel

"Wala tayong magagawa kundi harapin ni Yuhan ang bruha." Sabi nilang lahat

Tsk, doon sila nagkakamali, hindi ako papasok sa bahay, doon lang ako sa kotse kapag nakarating na kami sa bahay. Ayoko ngang makita ang mukha nung bruha. Nakakabadtrip kapag nakikita ko siya.

Pinalakasan ko na lang ang volume para hindi ko sila marinig na naguusap. Lalo tuloy akong naiinis.

💕💕END OF CHAPTER 35💕💕
Next chapter will be posted soon. Sorry for typographical and grammatical errors.

Sorry yan kang nakayanan ko now, I'm not feeling well.

I'm Living With My Seven Heartthrob Kuya's Book 1 (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon