𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟿: 𝙺𝚑𝚒𝚣𝚣𝚑𝚎𝚊 𝙹𝚑𝚊𝚗𝚎 𝙵𝚞𝚎𝚗𝚝𝚎𝚜
[𝙺𝚑𝚒𝚣𝚣𝚑𝚎𝚊 𝙿𝙾𝚅]
"Khizzhea/Dwayne!?." Bigla naming nasabi
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sakin
"Syempre mag-aaral.." Pilosopo kung sagot
"Ah ganon ba? Akala ko napadaan ka lang.." Wika nito
"Maraming namamatay sa akala, sige bye na mahuhuli na ako sa klase ko.." Sabi ko sabay takbo palabas ng office
Hayst!.. Dito ko lang pala siya makikita, i miss him so much, sa totoo gusto ko na siyang yakapin kaya lang nahiya ako. Dito kaya siya nag-aaral?. Anong kayang section niya.?. Sana classmate ko siya... Okay Khizzhea mamaya mo muna siya isipin ang gawin mo muna hanapin ang room mo dahil super duper late ka na...
Tumakbo na ako papuntang room ko, napapunta ako sa section A, syempre ang talino ko kaya tama lang sa section A ako mapabilang, alam niyo wala ni isang nakakatalo sa katalinuhan ko.. Ewan ko lang dito..
After 5 minutes....
Salamat naman at nakita ko na ang room ko. Akala ko hindi ko na mahahanap, malaki kasi ang school na ito, maraming rooms kaya hindi ko agad nahanap.. Nasa tapat na ako ng pinto upang pumasok ng makarinig ako ng sigaw, tawa, at kumakanta kahit ganon pumasok na ako at dahil dun napatigil sila sa kanilang ginagawa..
"OMG!!.. Classmate natin siya!.." Tili nung isang studyante
"Ang swerte naman natin, hindi pangit ang tranaferee.." Wika naman nung isa
Ang iingay nila, ayoko pa naman ng maingay...
"Hi miss!.." Bati nung isang lalake na kulay red ang buhok
"Hello!.." Sagot ko sabay ngiti,
I need to be patient and nice..
"Ikaw ba ang new classmate namin?." Tanong nito, baliw yata ang isang ito, nakita ng naka uniform ako at pumasok ako sa room nila tapos magtatanong kung ako ang new classmate nila..
"Oo ako nga, ako nga pala si Khizzhea Jhane..." Pagputol ko sa sasabihin ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko
"Siya si miss Khizzhea Jhane Fuentes ang bago ninyong classmate!.." Wika nito sa lahat
"Talaga!?." Wika ng lahat
"Kay gandang pangalan kasing ganda niya..." Wika naman nung isa
Lumapit ako sa taong pumutol sa sasabihin ko...
"Hoy!. Ano ba sa akala mo!?. Para pigilan ang sasabihin ko!?. Tiyaka ano yung sinabi mo Fuentes?.. Kailan ako naging Fuentes huh!?." Tanong ko sa kaniya
"Haha, chill miss Khizzhea pwede ba tayong magusap sa labas kasi maingay sila.." Wika nito, napatingin ako sa buong klase ang iingay nga, kaya i don't have a choice para pumayag sa kaniya
"Oh nandito na tayo sa labas pwede ka ng magpaliwanag!.." Sabi ko sa kaniya
"Pasensya na kung naputol ko ang sasabihin mo kanila, ginawa ko yun upang hindi mo masabi ang tunay mong pagkatao.." Wika nito
"Anong bang ibig mong sabihin huh!?."
"Inutusan po ako ng mommy niyo na bantayan kayo sa loob ng campus, dahil nasa panganib kayo.."
"Panganib!?. Saan naman?."
"Hindi pa po ngayon ang araw para malaman ninyo ang totoo, Fuentes po muna ang gagamitin ninyong apelyido for your safety, nandiyan po sa envelope na hawak ninyo ang fake files na ginawa ng tita niyo.." Mahaba nitong sabi
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Seven Heartthrob Kuya's Book 1 (Completed) Under Editing
Fiksi RemajaKhizzhea Jhane Hwang, a cold hearted woman. But she has a good heart. She's sexy and absolutely beautiful. Her beauty is different. She has a strange beauty, you can't see her beauty in others. No one can equate with someone like her. She's good a...