Chapter 4

2 0 0
                                    

  Selene's POV

  Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nilibot ang paningin sa paligid. Walang ibang tao sa loob ng kwarto. Ako lang.

  There's a stinging pain in my head but it's bearable. Did I passed out?

  Ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako sa bathtub. I dreamed about my child. Sa panaginip ko, ligtas ko syang naipanganak. In that dream, touching my baby's little fingers feels so real. Doon, nahawakan ko sya, nahalikan, at nayakap.

  I feel so empty. It feels like a part of me has died too.

  Pinahid ko ang luhang umigkas sa mata ko at dahan-dahang umupo... Walang mangyayari sa buhay ko kung patuloy akong iiyak. Siguro, iyon din ang paraan ng Diyos para matigil na ako sa kahibangan ko.

  Tinanaw ko ang suot kong damit. Sino kaya ang nagdamit saken?

   Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nagugutom na ako. I went down to the kitchen to check Maymay. But there's no Maymay. Wala rin naman ito sa sala.

Nagsisisi na ako ngayon kung bakit sinesante ko ang ibang katulong. I hated female servants before. Feeling ko may kahati ako sa atensyon ni Elixx. Wala tuloy akong ibang nauutusan. May mga pumupuntang tagalinis lang ng mansyon na to every other day at umuuwi lang after maglinis. Hindi kasi kakayanin ni Maymay linisin ang buong mansyon ng mag-isa.

  I sighed. Baka may ginagawang iba si Maymay. I need to eat something. My stomach is aching.

Tiningnan ko ang loob ng ref at may nakita akong rocky road na icecream sa frozen container. Kinuha ko yun at sinimulang lantakan sa kitchen island.

  Chineck ko ang oras sa cellphone ko. Eksaktong alas syete na pala ng gabi. I passed out that long??? Alas cuatro pa nung naaalala kong hinanda ko ang bathtub. Anyway, it doesn't matter. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng icecream.

  "Ice cream for dinner?"

  Halos mapatalon ako ng may magsalita sa likod ko. Nang nilingon ko yun ay hindi ako nagkamali. It's Elixx. He's wearing a black silky pajama pants and a white long sleeved polo na bahagya lang nakainsert sa pants nya. Hindi nakabutones ang unang dalawang butones ng polo nya at nakikita ko ang maputi at malapad nyang dibdib sa suot nya ngayon. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nagsasalin ng tsaa sa tasa.

  So, he came home early. Tiningnan ko ang porma nya. He's so hot. Sumusunod ang basang buhok nya sa bawat galaw nya. Halos matabunan na nito ang mga mata niya pero wala pa rin syang pakialam. Nagpatuloy lang sya sa pagsasalin ng tsaa. Naaaninag ko ang biceps nya at ang matigas nyang dibdib sa suot nya. Nang mapuno ang tasa ay uminom agad ito ng tsaa. I gulped too. Even the veins in his arms are capable of giving me irrational thoughts. God!

  Bigla nalang ay bumaling sya sa akin. I saw him smirk when he caught me staring. Pero of course, inirapan ko lang sya at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

  Gaga ka talaga, Selene! Ang sarap batukan ng sarili kong batok. Akala ko ba galit ka sa lalaking yan? Bakit nakakapag-isip ka pa rin ng ganyan sa kanya?

  Nanatili akong tahimik. Wala akong nakikitang rason para makipag-usap sa lalaking yan. We're divorcing our marriage kaya ano pang silbi ng pag-uusap.

  Naramdaman kong lumipat sya sa harap ko at sumandal lang sa kitchen counter. Nasa harap ko sya pero nakatagilid lang sya. Inilapag nya ang tasa sa marmol na island at habang nakapamulsa pa rin ang isang kamay.

  I can sense that the man's eyeing me. The heck he's doing? Nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

  "Ngayon naman ay di mo na ako pinapansin?" He chuckled.

Fixing The Broken DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon