"Then, that's great!"
Napalingon kami ni Maymay sa nagsalita galing sa pinto.
"S-sir Elixx!" Agad na tumayo si Maymay at yumuko sa harap ng lalaki.
Kasunod niya ang assistant na si Kite. Kapwa nakapang-opisina ang suot nila kaya mukhang galing pa sila mula sa trabaho.
Lumapit sya sa kama ko at inihagis sa kandungan ko ang isang brown folder. Sinulyapan ko lang ang mga yun at ibinalik uli ang tingin sa lalaking nasa harap ko.
Sa isang iglap ay nakikita kong hinahalikan nya ang kapatid kong si Beatrice. Ang dating puso ko na puno ng pagmamahal para sa kanya ay napalitan ng poot at galit.
Kung hindi dahil sa kanila ay hindi sana nawala ang anak ko!
"You better hurry in signing these papers, Selene! Hindi na ako makapaghintay na mawala ka sa paningin ko!" Malamig nyang utos sakin.
Tumawa lang ako ng nakakaloko. Pagkatapos ay bigla nalang lumamig ang pagkakatitig ko sa kanya.
"Bakit ba nagmamadali ka? Para libre ka ng makipagrelasyon sa kapatid kong hilaw?"
Natigilan ang lahat sa sinabi ko.
Noon, pag nagsasalita sya tungkol sa annulment ay naiiyak na agad ako o kaya ay magwawala. Minsan tinatakot ko syang magpapakamatay ako kapag hiniwalayan nya ko.
Pero ngayon, iba na ang atake ko. Siguro napagod na ako sa kakahabol sa kanya. Oo. Kasal kami. Pero hanggang sa papel lang. Ako lang ang nagmamahal sa ming dalawa. Siguro tama na ang pagkawala ang anak ko para matigil na ang pagkahibang ko sa lalaking ito.
"What?" untag ko sa kanya dahil hindi agad sya nakapagsalita. "Am I right that you can't answer me?" I'm smiling but the smile is mocking him. I know, 'cause I can see it in his face.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nya. "Wag mong isasali ang ibang tao sa usapan natin, Selene!"
I smirked and turned to the folder in my lap. "Palagi mo nalang syang kinakampihan. Hindi ka ba nagsasawa sa kanya? Pareho lang naman kami ng ginagawa. We're chasing after you." Binuklat ko ang folder and I scanned the writings. "My only edge is that I'm the legal wife. Sad to say, ako pa ang nagiging masama!"
Hindi lingid sa kaalaman ko na mas gusto nya si Beatrice kesa sa akin. Hindi man nya aminin yun ay pinapakita nya naman yun sakin.
"Can you keep her out of our topic? This has nothing to do with her." His voice is so authoritative that made Maymay tremble. Hindi ako natinag, nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga nakasulat sa papeles at di sya pinansin.
"Selene, you recklessly drove that car knowing that you're pregnant with my child. That's enough reason for me to destroy this marriage!"
Natigil ako sa sinabi nya at tiningala sya ng may galit sa aking mga mata. "Ang kapal ng mukha mo para saken isisi ang pagkamatay ng anak ko. Naisip mo rin ba ang rason kung bakit ko nagawa yun?" matigas kong tanong sa kanya.
Lumambot ang ekspresyon sa mukha nya at napahawak sya sa ulo nya na parang nafu-frustrate sa nangyari.
"Kahit na, Selene! You were pregnant. Sana inisip mo ang kapakanan ng bata bago ka nagdesisyon na umalis." Namumula ang mukha nya habang nagsasalita.
Nanatiling kalmado ang mukha ko. "Fine! Ikaw naman ang palaging tama at laging ako ang mali. Sige, I killed my child because of my own recklessness. Sana pala hindi na ako pumunta sa opisina mo para ibalitang buntis ako para hindi ko makita ang ginagawa ninyo ni Beatrice doon. Edi sana, hindi namatay ang anak ko. How I wish I was dead too so you won't see me ever again."
BINABASA MO ANG
Fixing The Broken Devotion
عاطفيةElixx Trevor Fuentebella is one of the most influential men in the country. Nasa kanya na ang lahat, wealth, looks and everything you would ask for a perfect man, except for his wife-Selene Soriano. Dalawang taon na silang kasal ngunit ni minsan...