Chapter 5

0 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ni Maymay ay dumiretso na rin ako sa kwarto. Pumasok ako sa art gallery at isa-isa kong hinaplos ang mga paintings na nakadisplay lang sa bawat sulok ng kwarto.

  I paint depending on my mood. Halos lahat ng painting ko noon tuwing masaya ako ay si Elixx lang. Kung hindi sya nakatalikod ay naka side view naman. Hindi na nga mahirap saken ang ipinta ang mukha nya dahil kabisadong-kabisado ko na yun.

  Napunta ako sa mga ipininta ko noong mga nakaraang araw. They all depicted the hate, pain and sorrow in my heart.

  Tinitigan ko ang isang painting. It's an abstract. Pero ang isang inang tulad ko lang din ang makakaintindi sa painting na yun. It's a mixture of some big and little hands in color red and black and blue.

  Nanghihina akong lumabas ng gallery at dumiretso na ako ng higa sa kama. Ano nang gagawin ko pag wala na kami ni Elixx?

  Ano na ang pagkakaabalahan ko sa bawat araw?

  Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa mga mangyayari pag annulled na kami.

 

  Maaga akong nagising kinaumagahan dahil gusto kong tumulong kay Maymay sa pagpi-prepare ng almusal namin. Naligo muna ako at nagsuot lang ng malaking tshirt at shorts. Wala naman akong planong lumabas ngayon. I won't waste my time stalking Elixx anymore.

  Nasa kusina na si Maymay pagbaba ko ng kwarto.

  "Good morning, Miss Selene! Ang aga mo atang nagising ngayon, ah?" Bati niya habang nagsasangag ng kanin.

  Tinukod ko ang mga kamay sa kitchen island bago sumagot. "Wala lang. Gusto kong tumulong sayo ngayong araw sa mga gawain mo dito sa mansyon." Pagkatapos kong sabihin yun ay agad kong binalatan ang hotdogs.

  "Hala! Doon ka nalang muna sa dining, Miss. Ako na dyan!" Agad na iniwan nya ang sinangag at dali-daling inagaw ang isang hotdog sakin.

  Napatawa ako sa ginawa nya. Inagaw ko ulit yung hotdog sa kanya. "Ano ka ba Maymay. Gusto ko ngang tumulong. Harapin mo na yang fried rice mo. Baka tumigas na yan."

  "Eh... Sige ikaw ang bahala Miss!" Tinantanan na nya ako tsaka hinarap na uli ang fried rice.

  Magkatulong naming niluto ang breakfast namin. May itlog, bacon, chorizo, hotdog at syempre ang fried rice ni Maymay. Hinahain ko na ang fried rice sa isang bowl nang dumating si Elixx sa kusina. Nakapang opisina na ito at parang ready nang pumasok.

  Uminom ito ng tubig at tiningnan kaming dalawa ni Maymay. Nanindig ang balahibo ko sa leeg ng pinasadahan nya ng titig ang kabuuan ko. Kinunutan ko sya ng noo bago pinagpatuloy ang pagsandok sa fried rice.

  "Good morning, sir Elixx." Ani Maymay.

  "'Morning. Dito ako magbi-breakfast ngayon." Sabi nito tsaka nagpunta na ng dining room.

  Naging listo agad si Maymay sa pagkuha ng mga pagkain. Nung nakabalik sya ay ang hotdogs at itlog naman ang binitbit nya. Bago sya lumabas ay sinenyasan muna nya ako na ilabas na rin ang fried rice. Pero di ako gumalaw. Bakit ko naman pagsisilbihan ang lalaking yun? Tapos na ako sa phase na yun ng buhay ko. Bumalik agad si Maymay sa kusina.

  "Miss, halika na para makasabay mo ng kumain si sir Elixx!"

  Kung noon siguro ay matutuwa ako pero hindi na ngayon. Naiinis nalang ako.

  Pero sige... Dala ko ang bowl ng fried rice ng nagpunta sa dining room. Nakapwesto na si Elixx sa dulo ng mahabang lamesa habang naghihintay sa kanin.

  Nilapag ko ang fried rice sa harap nya ng hindi nagsasalita. Pagkatapos nun ay humakbang ako palabas.

  "Miss, saan ka pupunta? Kumain ka na po." Tawag ni Maymay.

Fixing The Broken DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon