Mahigit isang oras akong nag drive bago nakarating sa isang lawa. May mangilan-ngilang tao na naglatag ng mga tela sa damuhan at masayang kumakain at nagkukwentuhan.
Lumabas ako ng sasakyan at kinuha ko ang painting materials ko sa trunk. May maliit na foldable chair din dun kaya kinuha ko na rin.
Naghanap ako ng pwesto na di masyadong mainit. Nakita kong may isa pang punong kahoy dun sa malapit sa lawa na walang nagpipicnic kaya doon ako nagpunta.
Inayos ko muna ang mga gamit bago umupo kaharap sa canvass. Tinitigan ko nang mabuti ang puting kulay ng canvass bago tinanaw ang malawak na lawa. Dati wala pang mga nagpipicnic dito. May mga tao lang pumupunta dito dahil nangingisda.
I wonder, marami pa kayang isda rito?
Nakibit-balikat lang ako at nagsimula ng maghalo ng mga kulay. Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext. Saglit kong nilagay ang palette sa kandungan ko para makuha ang cellphone sa bulsa.Si Beatrice ang nagtext.
"BITCH!" - Beatrice
Naikot ko ang mga mata sa text nya at binalik sa bulsa ang cellphone. Huminga ako ng preskong hangin para malinis ang utak ko mula sa mga toxic na tao.
Nagsimula na akong magpinta. Sandali akong nawala sa mundo at umikot lang ang buong pansin ko sa ginagawa. Tatlong oras din akong nagpinta bago tumigil. Kulang pa yun para sakin pero nagugutom na ako. Sakto namang may lumapit sa kin na dalawang bata at nanghingi ng barya.
"Ate... Pahingi po ng pera. Kahit piso lang po. Gutom na po kami." Sabi nung isang bata na parang kuya nung isang nakababatang babae. Nung tingnan ko ang batang babae ay agad itong nagtago sa likod nung batang lalaki. Madudungis ang mga bata at may dala-dalang plastic na may lamang mga barya.
Hinarap ko sila. "Okay sige. Bibigyan ko kayo ng pagkain!"
"Talaga po?" Nasisiyahang tanong nung batang lalaki. Lumiwanag din ang mukha nung batang babae sa narinig.
"Oo. Pero sa isang kondisyon."
"Ano po yun?"
"Babantayan nyo itong mga gamit ko hanggang sa makabalik ako. Bibili lang ako ng pagkain dun sa may malapit na restaurant. Sabay na tayong kumain dito, okay?"
Agad na tumango ang dalawa. "Sige po. Sige po!"
"Oh sige." Tumayo na ako. "Dito lang kayo ah? Wag kayong umalis. Babalik din ako."
"Sige po. Babantayan po namin ang gamit mo!"
Nginitian ko nalang sila bago lumakad. Bumili ako ng burgers and fries sa maliit na milktea shop malapit sa lawa. Bumili din ako ng medium size na mga fruit shakes para sa aming tatlo at mga tubig.
Pagkatapos ng mahigit sampung minuto ay nakabalik na ako sa lawa. Akala ko ay nawala na ang mga bata pero naglalaro lang pala sila sa likod ng kahoy.
"Mga bata!" Tawag ko sa kanila kahit nasa malayo pa ako. Lumingon sila agad at tumakbo papunta sa kin.
"Wow! Ang dami naman!" Sabi nung batang babae.
Nangiti lang ako sa bata.
"Akin na po ang isang supot ate. Tulungan ko po kayo." Binigay ko naman sa batang lalaki yung supot na may lamang mga tubig.
Nang makarating kami sa pwesto sa agad kong nilagay sa damuhan ang mga pagkain. Binigyan ko sila ng tig-iisang burger at fries kasama ang mga inumin.
Maligaya kaming kumain sa lilim ng punong kahoy. Biglang guminhawa ang pakiramdam ko dahil sariwang hangin at magandang tanawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/258979919-288-k496069.jpg)
BINABASA MO ANG
Fixing The Broken Devotion
RomansaElixx Trevor Fuentebella is one of the most influential men in the country. Nasa kanya na ang lahat, wealth, looks and everything you would ask for a perfect man, except for his wife-Selene Soriano. Dalawang taon na silang kasal ngunit ni minsan...