Chapter Four

11 0 0
                                    

Chapter Four: Appreciate

Napakagat ako ng labi dahil pinipigilan kong mapangiti. Sobrang espesyal ang araw na ito dahil ngayon ang graduation ni Benedict sa High School. Napabitaw ako sa sandok dahil bigla akong napaso. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang nakangiti. Nasapo ko ang noo ko dahil sa pinaggagawa ko.

"Anak, ayos na yang sauce. Kailangan mo na mag-ayos at ayaw mo naman siguro ma-late sa araw ng pagtatapos ni Benedict diba?" Sambit ni Sister Kara sa aking tabi kaya medyo nagulat ako pero dinaan ko na lang sa ngiti. Wala talagang papantay sa saya na meron ako ngayon.

"Opo, Sister Kara. Excited na ako para kay Kuya Benedict" nakangiti kong sabi pero kulang pa yang ngiti sa saya na nadarama ko. Napangiti din naman sa akin si Sister at malambing na hinaplos ang buhok ko habang nakatitig sa akin.

"Salamat sa pagiging inspirasyon niya makapagtapos, Amelia..."

"Maya! Hinihintay ka na ni Sister Kara sa salas. Bilisan mo diyan, naku!" Rinig kong sigaw ni Clara mula sa labas ng pinto ng kwarto namin. Agad kong kinuha ang maliit kong bag at dali-daling lumabas ng kwarto. Nang buksan ko ang pinto ay napatigil muna ako sa harap ni Clara. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nang makita na ang buong kabuuan ko ay napangiti siya.

"Ang supportive talaga. Wala na akong masabi sa tindi ng relasyon niyo ni Kuya Benedict. Walang papantay" sabi niya at agad akong niyakap. Napayakap din ako sa kanya pabalik at napa-buntonghininga.

"Maya!" Rinig kong tawag sa akin kaya napalingon kaagad ako dito. Si Ate Kiara na madaling natakbo papunta sa amin. Bumitaw muna ako kay Clara. Hinihingal siyang nakalapit sa akin kaya alalang napatingin ako kay Ate Kiara.

"Ate Kiara, ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po ng tubig?" Alalang tanong ko pero umiling lang siya habang nakangiti.

"Pakibigay ito kay Kuya Doms. Baka kasi pagpawisan siya mamaya sa venue. Alam mo naman yun, pawisin" pabor ni Ate Kiara at binigay sa akin ang panyo niya. Rinig kong impit na napatili si Clara sa tabi ko.

"Hays, masaya ako para sa inyong dalawa" hindi mapigilang sabi ni Clara at parehas kaming niyakap ni Ate Kiara. Parehas naman kaming natawa sa kanya. Kung ano-ano na naman kasi naiisip.

Nakababa na kami sa salas at agad akong nagpaalam kila Clara. Hindi sila makakasama sa eskwelahan dahil limitado lang ang mga upuan. Nagpaiwan si Padre at inayang ako na lang daw ang sumama sa graduation ni Benedict. Nang malaman namin ang balitang yun ni Benedict ay parehas kami mas naging excited.

Kasabay ni Benedict si Kuya Dominic grumaduate at kami ni Sister Kara ang pinili nilang pumunta. Nasa eskwelahan na sila dahil nagkaroon ng maagang attendance para sa kanila at hihintayin na lang nila kami ruon.

Nang makababa kami sa tricycle ni Sister Kara ay agad akong napamangha sa itsura ng eskwelahan. Parehas lang naman kasi kami ng eskwelahan na pinapasukan ni Benedict kaso magkaiba kaming building. Medyo malayo sa isa't-isa ang building ng Juniors sa Seniors kaya hindi kami masyadong nagkakasabay at ngayon lang ulit ako nakapunta sa building nila.

Maririnig na agad ang ingay mula sa labas at halatang malapit na ito magsimula. Pumunta na kami sa entrance at agad kaming pinapasok ni Kuya Guard na malaki agad ang ngiti. Pagkapasok namin ay napamangha na naman ako lalo sa mga estudyanteng naka-toga. Napaisip ako bigla. Naayos na kaya ni Benedict ang suot niya?

"Sister Kara! Maya!" Rinig kong tawag sa amin kaya agad kaming napalingon ni Sister dito. Si Kuya Doms pala na mabilis kaming nakita at parang hinihintay na kami kanina pa. Tumakbo siya papalapit sa amin.

"Dominic, naku anak at bakit tabingi ang suot mo?" Sabay ayos ni Sister Kara sa toga ni Kuya Benedict na nakatabingi nga dahil natanggal ito sa pagkakatali. Bigla kong naalala ang panyo na pinapabigay ni Ate Kiara kaya dali-dali kong binuksan ang bag ko at kinuha ito.

Take Me To You (Forbidden Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon