Chapter Seven

5 0 0
                                    

Chapter Seven: Felt

"Kuya Kevs, uso rin kasi ang mag gupit ng kuko" nang-aasar na sabi ni Clara habang kinukurot sa tenga si Kuya Kevin. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagtawa habang pinapanood silang nag-aasaran. Akmang kukurutin pa sa ilong ni Clara si Kuya Kevs nang pigilan na siya ni Kuya Doms at hinila sa isang tabi para magsitigil na.

"Tama na. Baka umiyak na si Kevin, Clara" kahit halatang natatawa rin si Kuya Doms ay nanatiling seryoso ang boses niya.

"Sorry, Kevs. Wala namang panglalaking parlor dito sa bayan natin, e. Kaya rito ka na lang magpatanggal ng ingrown" sabi naman ni Ate Kiara na nanatili sa tabi ni Kuya Kevin. Sinamahan namin siya rito kasi namamaga na yung paa ni Kuya Kevin dahil sa ingrown at ayaw naman namin galawin, kaya napagdesisyunan na dalhin na lang namin siya dito sa parlor.

"Kuya Kevin!" Tili pabalik ni Clara kay Kuya Kevs nang sumigaw ito dahil sinimulan nang kalikutin ang kuko niya. Buti na lang ay isang hinlalaki lang ang namaga, paano pa kaya kung pati ang kabila? Torture na.

Tinakpan ni Benedict ang tenga at mata ko. Pinuwesto niya ko kung saan nakatalikod ako sa kila Kuya Kevs. Matapang naman na sinamahan nila Ate Kiara at Clara si Kuya habang kinakalikot na ang mga kuko niya.

Nagugulat ako sa mga pagsigaw ni Kuya at rinig na rinig din ang tawanan ng ibang kababaihan dito sa parlor habang pinanonood si Kuya Kevin. First time pa lang ito at dahil diyan, mag gugupit na ako ng kuko lagi.

"A-Ate teka... ah!" Sigaw na naman ni Kuya Kevin at kahit si Kuya Doms na nasa tabi namin ay napapansin kong napapangiwi habang pinapanood si Kuya Kevs. Hindi ko naman alam ang nangyayari dahil tinatakpan ako ni Benedict.

"N-Nagdudugo!" Tarantang sigaw naman ni Clara at mas lalong lumakas ang tambol ng puso ko dahil sa narinig. Nang mas lumakas ang sigaw nila ay dinala na ako ni Benedict sa labas. Nagpahila na lang ako dahil para akong mamumutla sa mga sigaw nila. Parang inoopera na walang anestisya na hindi ko malaman.

Nang makalabas kami ay pinaupo muna ako ni Benedict sa upuan na nasa tapat ng parlor at para akong nakahinga ng maluwag nang makalanghap ng hangin dahil pakiramdam ko sa loob ay naiipit ako lalo na sa mga sigaw nila.

"Pahamak talaga minsan ni Kevin. Wag kang matakot, Maya. Nag gugupit ka naman ng kuko lagi" natatawang sabi ni Benedict. Napalunok ako at napapikit, pakiramdam ko kapag ako yung nasa pwesto ni Kuya Kevin hindi ko na kakayanin.

"Kuya, mag gugupit ka rin lagi ng kuko, ah?" Paalala ko kay Benedict at kahit natawa siya ng mahina sa narinig mula sa akin ay tumango din naman siya. Inayos niya ang mga nakatikwas na buhok sa akin.

"Oa lang talaga si Kevin. At oo, mag gugupit ako lagi ng kuko" nakangiti niyang sambit. Tahimik lang kaming dalawa habang inaayos niya ang mga nakatikwas kong buhok nang marinig namin na bumukas ang pinto ng parlor.

"Kuya, sorry at nadadamay ka pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi matawa" natatawang sabi ni Clara at mas lalo pang lumakas ang tawa niya nang sinabayan na siya ni Kuya Doms sa pagtawa. Silang dalawa pala ang lumabas mula sa parlor.

"Ayos na ba si Kevin? Patapos na ba?" Tanong naman ni Benedict sa kanila at tumayo mula sa pagkaupo habang ako ay nanatili lang na nakaupo habang pinapanood silang parang nagpipigil ng tawa.

"Paano matatapos? Puro sigaw muna bago kuha" sabi naman ni Kuya Doms at tumalikod siya kaagad sa amin. Halatang natawa siya dahil sa balikat niya. Anong nakakatawa?

"Kailangan ni Kuya Kevin ng gamot mamaya. Lulutuan ko siya ng lumpiang shanghai para hindi niya maisip yung sakit" inosenteng sabi ko at nang marinig nila yun ay agad silang napatingin sa akin at parang nalugi naman bigla ang itsura ni Kuya Doms at Clara habang si Benedict naman ay parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.

Take Me To You (Forbidden Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon