Chapter Five

7 0 0
                                    

Chapter Five: Gentle

"Bakit ako ang hinahabol niyo? Nandyan naman si Clara! Ako na lang lagi ang natataya!" Malungkot kong sabi sa mga kapatid ko na laging ako ang tinataya habang si Clara ay panay tawa lang habang pinapanood akong panay takbo at hinahabol.

Maaga pa lang kaya napagdesisyunan nila Sister na magpaaraw kami. Mamayang nine o'clock ay pupunta ako kila Nanay Ibing para turuan ang anak niya para may magawa raw ito habang bakasyon pa lamang. Pumayag naman ako kaagad dahil makakatulong din ang maiipon ko para sa pamilya ko dito sa ampunan. Madalas ko itong ginagawa tuwing bakasyon at pinapayagan naman ako nila Sister dahil malapit lang naman ang bahay nila Nanay Ibing sa amin.

"Huli ka!" Nagulat ako nang may biglang humablot sa akin at binuhat ako. Napatili ako ng malakas at nakarinig ako ng tawanan. Si Kuya Doms pala ang bumuhat sa akin at inaasar niya ang mga kapatid namin na tayain ako habang buhat-buhat niya.

"Kuya! Put me down!" Natatawa kong sabi at mas lalong lumakas ang tawanan sa paligid nang inasar-asar na niya akong ihuhulog dahil kada asar niya napapasigaw ako sa takot.

Bakit ba kasi ako ang pinakapayat sa aming magkakapatid?

"Ang kulit talaga asarin nila Clara at Maya" ngayon naman ay si Clara ang pinagtritripan ni Kuya Kevin. Halata na ang inis sa mukha ni Clara dahil kay Kuya na patuloy siyang inaasar at mabilis naman siyang napipikon. Natatawa na lang ako sa itsura ni Clara.

"Wala ka na namang magawa, ano?" Pikon na sabi ni Clara kaya mas lalong lumakas ang tawanan sa paligid. Kinurot ni Kuya Kevin ang pisngi niya na mas lalong nagpa-inis sa kanya. Napailing na lang ako at ramdam kong binaba na ako ni Kuya Doms kaya agad kong hinanda ang pagtapak ko sa lupa.

"Pinayagan tayo nila Sister Kara na magpatugtog! Sulitin na natin!" Masayang balita ni Ate Kiara sa amin habang dala-dala ang speaker at agad naman na natuwa ang mga kapatid ko.

Nagsimula na ang kanta at ang makitang agad na nagsayawan ang pamilya ko ay sobrang buo na ang araw ko kahit umaga pa lang. Nangunguna ang mga kuya ko at hinanap ko sa paligid si Benedict. Asan siya?

"Hanap mo ko?" Rinig kong biglang bulong sa tabi ko kaya agad akong napatingin dito at tama nga, nandito na yung kanina ko pa hinahanap.

"Saan ka galing?" Agad kong tanong at mahahalata ang saya sa aking boses. Mas lumaki ang ngiti ni Benedict sa akin.

"Nandito pa ako kanina pa kaso hindi mo ata ako napansin dahil agad kang nilaro nila Dominic at Kevin" pagtapos niya sabihin yun ay tumabi na siya sa akin at pinanood rin ang mga kapatid naming sumasayaw ng ke-aga-aga.

Napansin ko na unti-unti na ring sumasayaw sa tabi ko si Benedict at parang nang-aasar rin na nakatingin sa akin habang nasayaw. Natatawa na kami pareho at nilahad niya ang kamay niya pagkalipas ng ilang segundo. Agad ko naman itong tinanggap at nagulat ako dahil inikot niya gamit ang kamay niya kaya mas lalo kaming natawa. Hindi ko malaman kung modern ba itong sinasayaw namin o cha-cha.

Nasa pinakalikod kami kaya malaya kaming nakakasayaw. Nasa lilim kami ng puno at kinukulit niya lang ako habang nasayaw kaya hindi ko napigilan ang matawa sa kanyang mga kalokohan.

Siya ba talaga ang Benedict na kilala ko?

Isang ikot pa ang ginawa niya sa akin at niyakap niya ako mula sa likod habang natatawa pa rin ako. Mas lalong hindi ko mapigilan ang tawa nang iangat niya ako agad-agad at pinatong sa katawan ng puno na nagsilbing upuan namin dito sa ampunan.

Nakatayo ako dito habang nasa harap ko si Benedict at kahit nakapatong na ko rito ay naging kasing-tangkad ko lang siya. Nakangiti siya ng malaki sa akin at pinisil ang dalawang pisngi ko habang nanggigil.

Take Me To You (Forbidden Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon