Chapter Six

10 0 0
                                    

Chapter Six: Magkikita

"Sofie..." Unang lumabas sa bibig ko nang makarating ako sa unang palapag nang ampunan. Nandun halos lahat ng mga kapatid ko at sila Sister at Padre. Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita si Sofie na hawak ng isang ginang at ginoo at umiiyak.

"Sofie!" Malakas kong sambit at akmang tatakbo papalapit sa kanya nang may pumigil sa akin. Hindi ako nagpatinag at pilit na tinatanggal ang kamay ng humawak sa akin. Halos lahat ng nasa palapag ay napatingin na sa akin at narinig ko na mas lalong lumakas ang iyak ni Sofie.

"Kuya Doms, bitawan mo ko" inis kong sambit at inaalis pa rin ang kamay niya. Umiling lang siya sa akin at halata na rin sa mga mata na masakit din para sa kanya ito. Pero kahit ganon, hindi ko kakayanin na kunin na lang nila si Sofie.

"Kuya, please" naiiyak ko nang sambit at manlalaban pa sana ako nang may ibang humawak naman sa akin at hinila ako sa kanya. Napasubsob ako sa dibdib ng isang taong nakilala ko kaagad dahil sa kanyang amoy. Mas lalong naglandasan ang mga luha ko.

"No!" Malakas kong sigaw at agad din na nagpumiglas.

"Maya..." Rinig kong hirap na pagtawag sa akin ni Clara.

"Shhh, Amelia... We cannot stop this" bulong sa akin ni Benedict na mas lalong nagpaiyak sa akin.

May naramdaman akong biglang yumakap sa aking bewang at nang marinig ko ang kanyang iyak ay agad akong lumingon sa kanya.

"Sofie, bakit hindi mo sinabi kay ate?" Agad kong tanong sa kanya pagkaluhod ko sa kanyang harap at parehas na hindi tumitigil sa paglandas ang aming mga luha. Narinig ko na rin ang pagiyak ni Clara pero nanatili pa rin ang aking mga tingin kay Sofie sa aking harap. Kahit hirap, pinipilit ko na ayusin ang boses ko.

"I'm sorry, ate. I'm sorry. A-Ayoko kayo iwan" mahina niyang sambit habang napapailing at nakatakip ang mga mukha. Agad ko siyang niyakap at pinatahan. Hindi ko rin siya kayang bitawan.

"No, no, hindi ka iiwan ni Ate"

"Maya..." Rinig kong pagpipigil ni Kuya Kevs pero nanatiling tahimik si Benedict habang pinapanood kami. Nagkasalubong ang aming mata. Duon pa lang, alam ko na ang dapat kong gawin. Masakit, pero dapat.

"Sofie, alam mo naman na mahal na mahal ka ni Ate. Gagawin ko ang lahat para sa'yo, pero sa ngayon... k-kailangan ka muna ni A-Ate bitawan" even though I stuttered, I made sure that she'll understand what I said.

Mas lalong lumakas ang pag iyak niya at pinapanood lang kami ng mga tao dito sa palapag. Nang tingnan ko ang mga taong aampon kay Sofie, umiiyak ang ginang at nasa tabi niya ang ginoo na pinapatahan din ang ginang. Mag-asawa ang dalawa alam ko naman na mababait na tao ito dahil mararamdaman mo na lang bigla. Pero kahit ganon, masakit.

"Magkikita tayo ulit, Sofie. Hahanapin ka ni Ate pagdating ng panahon. Hintayin mo ko, ha? Pangako ko yun" Napalunok ako nang napigil ang boses ko dahil sa sobrang pagluha. Naramdaman ko ang pagtango niya ng dahan-dahan at alam ko na kahit masakit din ito sa kanya, naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

Ito yung buhay na mahirap, pero kakayanin.

"I love you, ate Maya. Hihintayin kita..."

Bumuntong hininga ko at unti-unting dinilat ang kanina pang nakapikit na mga mata. Pinagmasdan ko lang ang tahimik na kapaligiran sa labas ng bintana ng kwarto namin. Mag-isa lang ako rito dahil mas pinili ko munang mapag-isa sa ngayon. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa labas.

Nakarinig ako ng mahinang pagkatok ng pintuan ng kwarto pagkalipas ng ilang minuto. Hindi ko namamalayan na napapatitig na naman ako sa kawalan at ang marinig ang katok na yun ang parang nagpagising sa akin.

Take Me To You (Forbidden Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon