Chapter Three

20 0 0
                                    

Chapter Three: Care

"Maya, Clara, pwede samahan niyo kami mamaya sa bayan kasi bibili kami ni Diana ng sangkap sa buko pandan salad para makapag gawa tayo ulit!" excited na sabi ni Ate Kiara sa amin. Napatingin naman kami kaagad ni Clara sa isa't-isa at agad na tumango. Maganda yun dahil makakapalibot ulit kami!

Nandito kami ngayon sa hardin ng ampunan dahil nagbalak kaming maglinis ngayon ng mga halaman. Halos mga babae lang ang nandito ngayon dahil nasa simbahan ang mga lalaki para tulungan si Padre na magensayo sa misa.

"Maya, pwede ka bang tanungin sa isang bagay?" Tanong sa akin ni Fionna, isa sa mga kaedad namin dito sa ampunan. Tatlo sila, si Jess, Fionna, at Ria. Nakakasama rin namin sila minsan dahil sila-sila lang din ang malapit sa edad namin kaysa kila Ate Kiara na nasa 18 na. Humarap naman ako sa kanya habang nagbubungkal ng lupa. Lumapit kasi siya dito sa pwesto ko. Ramdam ko ang titig ni Clara sa kanila pero hinayaan ko lang siya na tanungin ako.

"Oo naman, Fionna. Ano yung gusto mong tanungin?" Pagsagot ko naman. Napatingin muna siya kila Jess at Ria na sumunod pala sa kanya at nasa likod na niya ngayon. Nang magkatinginan silang tatlo ay tumingin din sila sa akin kaagad. Ramdam kong pumwesto si Clara sa likod ko.

"Nagtataka lang kami kasi sobrang magkalapit kayo ni Kuya Benedict sa isa't-isa..." Naputol ang sasabihin niya at napakunot na ako ng noo sa narinig. Iba ang pakiramdam ko sa itatanong nila. Hindi ko alam pero parang may ibang dahilan kung bakit niya pinutol ang sasabihin. Bata pa ang edad ko pero marunong ako makiramdam.

"Oo magkalapit talaga kami kasi siya halos ang nag-aalaga sa akin simula pa lang..." Putol ko rin sa sasabihin ko. Sinabi ko lang ang totoo dahil simula nung mamulat ako sa mundong ito, si Benedict na agad ang nakita kong nag-aalaga sa akin. Halos hindi niya ako iwan at tandang-tanda ko pa nga nung 4 yrs. old ako, siya lagi ang nagpapatulog sa akin tuwing tanghali. Minsan pa nga kapag ayokong matulog ay sasamahan at tatabihan niya ako. He's really a kuya hindi lang sa akin, but to everyone.

But suddenly, I feel different...

Napapikit ako at winala ito sa isipan ko. Napatingin ulit ako kila Fionna na nagkatinginan na naman. Si Jess naman ang pumagitna sa amin at parang may balak ding tanungin sa akin.

"Pansin lang namin nitong mga nakaraang parang mas lumapit pa ang loob niyo sa isa't-isa?..." pang-uusisa pa rin niya at akmang sasagutin ulit ko siya nang sumabat na si Clara.

"Sinabi na nga niya diba? Close na sila noon pa lang. Malamang mas lalapit pa ang loob nila sa isa't-isa kasi nga malapit na ang loob nila noon pa lang. Ano ba talaga ang gusto niyong tanungin at ayaw niyo na lang ideretso? Nagpapaligoy-ligoy pa kayo" sabat ni Clara at ramdam kong nagpipigil lang siya tarayan sila dahil tinuturi rin naman naming kaibigan sila Jess.

"I don't know, it is just that, may nagbago ba?" Hindi sila tumigil kakatanong. Parang pinipilit pa nila na may sagutin kami o kaya may nagbago nga. Kung may nagbago ba, bakit gusto nila itong tanungin? Wala naman sa kanila ang nagbago at hindi sila 'ako' para alamin pa ito. Ako mismo ang titingin nito, hindi yung uusisain pa nila. Atsaka, sinasagot ko naman sila ng totoo. Ano pa ang gusto nilang malaman?

"Tama na ang kwentuhan, tapusin niyo muna ang inutos namin sa inyo para maaga tayong matapos. Papatirik na ang araw, oh? Maiwan dito ang hindi makatapos" pagpipigil sa amin ni Ate Diana. Napatingin naman kami kaagad sa kanya at parang kanina pa niya naririnig ang pinag-uusapan namin. Nang matahimik kami ay kakarating lang ulit ni Ate Kiara na galing sa loob ng bahay para kumuha pa ng ibang paso. Hindi niya napansin ang nangyayari dahil agad kaming bumalik sa kanya-kanyang gawa dahil nakakatakot na ang pagtataray ni Ate Diana.

Natapos na kami ni Clara sa hardin at nag-aayos na kami dito sa kwarto namin dahil pupunta na kaming palengke kasama sila Ate Kiara. Nagsusuklay ako ng buhok ko nang marinig kong napabuntong-hininga si Clara sa kama. Napatingin ako kaagad sa kanya at lumapit dito.

Take Me To You (Forbidden Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon