Chapter Two

28 0 0
                                    

Chapter Two: Cherish

"Maya, mamaya na yang mga manok at pato mo! Mamasko na tayo!" Tumatakbo na namang papunta sa akin ni Clara. Ibinaba ko muna sa mesang katabi ko ang tray ng mga itlog na kinuha sa mga alaga ko. Nagpagpag ako ng kamay at hinubad na ang gloves at sumbrero na suot ko. Maganda talaga ang magbukid kapag umaga.

Nilingon ko si Clara na nakalapit na sa akin at napangiti agad ako nang makita ang kanyang suot. Ayos na ayos na siya para mamasko at alam ko maaga pa, pero mukhang wala nang makakapagpigil pa sa excitement niya.

"Ano yan?" turo niya sa suot at ginagawa ko. Pinakita ko naman sa kanya at ngumiti pa. Sinamangutan niya ako at napailing na lang. Kukunin ko na sana ang tray na binaba ko kaso hindi ko na ito nadampot pa nang hilahin ako ni Clara. "Clara, wait! Saan mo na naman ako dadalhin?" Paghahabol ko sa kanya at sinigawan niya lang ako ng, "Basta! Sumunod ka na lang at hindi ako papayag na ganyan na naman suot mo." Kaya ayun, wala na naman akong nagawa.

Pagkaakyat namin sa hallway ng kwarto naming mga babae, nakita ko si Ate Kiara na kakalabas lang ng kwarto niya na may dalang hanger na may bestida. Agad niyang sinalubong si Clara. Taka ko lang silang pinapanood at naisip ang damit na susuotin. May nakahanda naman talaga akong damit, pinapangunahan lang talaga ako nitong kaibigan ko. Ayaw muna kasi ako pakinggan at puro hila, tsk. Pero mahal ko pa rin siya.

"Clara, ipasuot mo na ito kay Maya. Sigurado akong babagay sa kanya ito." Agad na sabi ni Ate Kiara at nginusuan ako mula sa likod ni Clara. Magsasalita pa sana ako nang muli na naman akong hinila ni Clara. "Thank you, ate! Maasahan ka talaga pagdating sa mga kasuotan" paalam at pagpapasalamat ni Clara at nginitian lang kami ni Ate Kiara.

Nang makapasok na kami sa kwarto namin ay wala na ruon ang mga maliliit naming mga kapatid na kasama namin sa kwarto. Kaming dalawa na lang ang natira ruon at nasa baba na silang lahat at kami na naman ang natira dahil sa daming mga nais na gawin ni Clara. Pinaupo niya ako sa kama naming dalawa at itinabi sa akin ang bestida na binigay ni Ate Kiara. Tumayo siya sa harap ko na may malapad na ngiti.

"Suotin mo yan at sinadya talaga namin ni Ate Kiara na hanapan ka ng damit sa ukay-ukay. Nang makita namin yan, ikaw agad ang naisip namin. Regalo na namin ni Ate Kiara sa iyo yan." Tuwang-tuwa na sabi ni Clara at napapatalon pa habang kinakalkal ang koleksyon ng make-up. Napatingin ako sa bestidang nasa tabi ko at hindi makapaniwala sa narinig ko.

"Clara, you don't have to do this. Sobra-sobra na ang bigay niyo sa akin nila Ate Kiara. Nakakahiya..." Nahihiya kong sabi at napayuko. Balak ko sanang tanggihan ang damit kaso agad akong pinigilan ni Clara.

"Hep-hep! Sige ka, sinasabi na nga ba namin ni Ate Kiara hindi mo tatanggapin, eh. Ito sabi ni Ate, pag daw hindi mo raw tinanggap yan sige ka, magagalit kami. Atsaka, hindi lang naman kami ang nag ambag diyan. Sila Kuya Doms at Kuya Kevin ay nagbigay din para raw isahang regalo na!" Natatawang sabi ni Clara at natawa rin ako. Kahit kailan talaga, sa bagay, mas okay rin yun para makatipid. Naisip ko bigla ang regalo ko sa kanila. Nakakahiya kasi maliit lang yun. Parang nahiya tuloy ako ibigay mamaya.

"Oh siya, suotin mo na para makita namin ang istura sayo." Akmang kukunin ko na ang bestida nang si Clara na ang kumuha at nagtanggal sa hanger. Binigay niya agad sa akin yun at pinagbihis na rin.

Nakatalikod sa akin si Clara at nag-aayos ng mukha sa harap ng salamin nang naglakad ako sa kanyang likod. Nakita niya ako sa salamin na gamit niya at nakita ko kaagad ang pagkamangha sa kanyang mukha. Humarap siya sa akin na mangha pa rin.

"Maya, ibang klase talaga... Ikaw na. Walang halong biro, ikaw na talaga." Namamangha niyang sabi at napailing na lang ako sa kanya habang nangingiti na rin.

Nakababa na kami sa unang palapag at ang mga bata ang una kong nakita. Wala pa sila Ate Kiara at ang iba pa nilang kaibigan duon. Hindi ko rin siya nakikita pa at naisip ko na lang na mamaya rin naman, magkikita kami. Bago kasi mamasko ay dadalo muna kami sa misa at sila Benedict and mga sakristan kaya panigurado, nakapormal din silang suot.

Take Me To You (Forbidden Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon