JUNGKOOK's POV
Nagising ako at napatingin sa dalagang yakap ko. Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko..
2:47 am
Napabuntong hininga ako dahil sa guilt na nararamdaman ko. Tumayo ako at kumuha ng extra na kumot sa banyo ng office ko.
Kinumutan ko ang dalaga at tinawagan ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
In call
Jk: Hyung, pwede bang puntahan mo ako dito sa office. Na-stuck ako sa loob. Nakalimutan kong auto na lalamig dito sa loob kapag 12 na ng gabi.
Seokjin: Tsk Tsk Tsk. Bakit ba kasi nagpalagay ka ng ganyan sa system? Ah! Oo nga pala sanay ka sa malamig dahil sa Germany ka nakatira, diba?
Jk: Yes, hyung. Pakibilis na lang ang pagpunta dito dahil may kasama ako.
Seokjin: Roger!! Papunta na.
End of call
Lumingon ako sa dalagang natutulog na ng mahimbing. Napatingin ako sa katawan nito...
Umiwas ka ng tingin Jeon... Inosente yan
Napa-iling na lang ako sa naiisip ko. Umupo ako sa isang pang sofa na nasa office ko.
Di ko namalayang nagising na ang dalaga. Mukhang nakalimutan nito na nakakulong kami sa office ko dahil sa mukha nitong nalilito.
"Magdamit kana. Dadating dito ang kaibigan ko para malabas na tayo", sabi ko ng makita itong nilalamig.
"Yes, sir", sabi nito sa mahinang boses.
Umiwas na lang ako ng tingin at hinintay si Seokjin hyung na dumating.