Araw na ng pagiging personal baker ko kay sir Jungkook. Nasa harap ako ngayon ng bahay o kung matatawag ko ba itong bahay lang sa sobrang laki nito.
Pinindot ko ang doorbell na nakalagay sa gilid ng malaking gate at hinintay na may sumagot.
"Sino po kayo?", Sabi ng guard na lumabas mula sa gate. "Ummm, ako po si Ms. (Last name)", sabi ko sa kaniya.
"Ahh. Pasok po kayo sabi po ni sir Jeo. Papasukin na lang kayo kapag dumating", sabi niya habang binuksan ng tuluyan ang gate.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad ang malaking fishpond na nasa harap labg ng malaking bahay. Maraming puno din na nakapaligid.
Napangiti ako dahil presko at mahangin sa bahay ni sir Jeon.
Nakarating na ako sa harap at pinto ng bahay. Pinapasok ako ng isa sa mga maid at pinadirestso na lang sa kusina.
Pagkapasok ko sa kusina ay nakita kong umiinom ng tubig ang binatang tumanggap sakin bilang personal baker.
"Ummmm." Sabi ko ng mahina at napatingin ito sakin. Binaba niya ang baso at pinunasan ang kaniyang mga labi.
"You're here. Ang mga ingredients na kailangan mo ay nandito na sa kitchen. Okay lang kahit anong gawin mo dito." Sabi niya sabay ngiti labas ang makamatay dimple niya.
Pumunta ako sa island counter para tignan ang mga ingredients. Malinis ang kusina at masasabi mo na lang dream kitchen ko ito.
"I want a strawberry cheesecake and a n oreo cheesecake too", sabi nito at tumingin sakin.
"Sige po sir. I'll do my best", sabi ko at sabay salute sa kaniya. Napangiti siya at kinurot ang pisngi ko.
Nabigla ako at hindi ko alam kung mas mapula ba ang mukha ko kaysa sa strawberry na nasa counter.
Naglakad siya papuntang pintuan para umalis ngunit tumigil at tinignan ako ng pataas at pababa.
"I want my cake delicious"
Sabay ngisi.
A/n: SORRY SA NATAGALANG UPDATE!!