"Maghubad ka"
Gulat na napatingin si Y/n sa lalaking nakatayo sa harap niya
"S-sir, bakit po? Madami papo akong pangarap sa buhay...", Sabi ng dalaga at unti unting umatras
Napatawa nalang ang lalaki saka hinubad ang damit na suot nito.
Kinuha nito ang kumot na nakapalibot sa dalaga saka sinabing. "Maghubad kana", sabi nito at seryosong timingin dito.
"Bakit muna, sir", sabi nito saka niyakap ang sarili dahil malamig ang paligid.
"Gusto mo bang mamatay sa lamig? Kung ayaw mo maghubad kana", sabi nito at lumapit sa dalaga.
"T-teka muna... Tumalikod k-ka", sabi nito habang nagpapanick
Tumawa ng konti ang binata at tumalikod.
"Damit mo lang. Huwag mo isasama ang panloob mo. Pang itaas huh", sabi nito..
Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ng lalaki.. "S-Sir, okay na p-po", sabi ng dalaga saka lalong hinigpitan ang yakap sa sarili.
Humarap ang lalaki at nakatuon lang ang mata nito sa mukha ng dalaga.
Lumapit ito at umupo sa tabi ng dalaga.
"Lumapit ka sakin", Sabi nito saka ipinaikit ang mga malalakas na braso sa babae.
"S-sir anong ginagawa niyo?", Sabi nito.
Walang sinabi ang binata at kinumutan niya ang katawan nilang dalawa.
"Pinagsasama ko ang init ng katawan natin. Kung ayaw mo nito bahala kang mamatay sa lamig", sabi nito at sumandal sa upuan.
Hindi na tumanggi ang dalaga dahil masarap sa pakiramdam ang init nilang dalawa.
Sumandal siya sa matitipunong dibdib ng lalaki at sinarado ang mga mata nito
Hindi nalang namalayan ng dalawa na nakatulog na pala sila.
A/n: 😼