Chapter 7

364 13 1
                                    

Y/n's POV

Kinakabahan akong pumasok sa entrance ng building dahil baka nabasa ni Jungkook yung letter na binigay ko.

"Y/n!!"

"Sana!!", Tumakbo ako patungo sakanya. Natanggap din siya. Buti nalang dahil wala akong masyadong kaclose dito.

"Kamusta yung pagtratrabaho mo kay Mr. Jeon?", Sabi nito at ngumisi.

"Sana, di mo naman sinabing bastos yung magiging boss natin", sabi ko at pinalo niya lang ang balikat ko at sabay kaming tumawa.

"Ms. Y/n, pinapatawag po kayo ni Mr. Jeon sa office niya", narinig kong sabi ni Yoona sa speaker.

"Sige na una na ako", sabi ko kay Sana at niyakap siya.

Office

"Sir, nandito napo ako", sabi ko na parang nagtatago.

"Please proceed to your cubicle. Marami kang trabahong tatapusin ngayon", sabi nito habang nakatutok ang mata sa magazine na binabasa.

Pumunta na ako sa cubicle ko at nagsimula ng magtrabaho.

Salamat naman at hindi niya nabasa yung letter. Bakit kasi binigay ko pa yun? Ang tanga ko talaga

Jungkook's POV

Hindi maalis yung letter na binigay ni Y/n sa isip ko.

Sa gandang niya na yan di ko aakalahin na virgin pa siya.

Bakit kasi itatanong ko na virgin pa siya? Ahhhhh

Time skip

Your POV

Nakangiti kong pinindot ang keyboard ng matapos ko na lahat ng trabahong ibinigay sakin.

Lumabas na ako ng cubicle at nakitang hinihila ni Jungkook ang pintuan ng office niya.

"Sir, may problema po ba? Bakit niyo hinihila yung pintuan?", Sabi ko habang lumapit dito.

"Ayaw mabuksan. Masyado tayong nagtanggal dito sa loob. Ganito na yan dati pa kapag 9:00 pm Automatic na nag la-lock. Kahit yung susi ayaw gumana", sabi nito at humarap sakin.

Nanlaki ang mga mata ko sa takot. Nandito kami buong gabi?! MAGKASAMA?! KAMING DALAWA LANG?!?!

"Pwede ba kayong tumawag sa kakilala niyo baka makatuling sila?", Sabi ko

"Mawawala din ang signal kapag naglock na ang pinto", sabi nito at pumunta sa upuan niya.

Biglang lumamig....

"Sir, bakit po biglang lumamig?", Sabi ko sabay yakap sa sarili ko.

"Hindi ko din alam baka nag full yung AC", sabi nito at niyakap din ang sarili.

Buti nalang at may couch ito sa opisina. Umupo ako doon at nakita din ang mga kumot na nakatupi.

Ipinalibot ko ang kumot sa sarili ko. At binigyan ko din ang lalaki ng isa.

Malamig parin. Hindi kaya ng kumot ang lamig.

"Sir, hindi niyo po ba pwedeng hinaan yung AC? Baka po mamatay ako sa lamig dito", sabi ko sakanya habang mas lalong hinigpitan ang yakap ko sa sarili.

Tumayo ito at ibinigay ang kumot nito sa akin.

"Maghubad ka"

A/n: Bitin ba? HAHAHA maghintay kayo sa next chapter 🤭

The secretary and the boss.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon