Y/n's POV
"Y/n, humanap ka naman ng trabaho mo para makatulong ka dito", sabi ng nanay ko.
"Ma, pwede naman akong tumulong sa bakery natin eh. Bakit kailangan pang magtrabaho?", Sabi ko habang nililipat ang channel ng TV
"Anak, mas magandang may trabaho ka. Paano kapag nalugi ang bakery? Edi nganga tayo?", Sabi naman ni Papa na kampi kay mama
"Sige po. Magpapatulong ako kay Sana bukas.", Sabi ko habang naglalakad papuntang kwarto.
"Sige!! Matulog kana!!", Narinig kong isinigaw ni mama.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Sana, may alam ka bang kompanya na pwedeng apply-an?", Tanong ko kay Sana na kausap ko sa Cellphone.
"Meron", sabi nito.
"Saan? Patulong naman kasi pinapahanap ako ng trabaho nila mama", sabi ko habang nagsusuklay ng buhok.
"Bakit ka pa maghahanap ng trabaho? Pwede ka naman tumulong nalang sa bakery niyo", sabi nito.
"Ayun nga din ang sabi ko eh kaso ayaw magpa-awat. Paano nalang daw kapag nalugi ang bakery", sabi ko.
"Tama naman sila. Sige, bukas magbihis ka ng formal. Magdala ka ng mga resume kapag nag aapply sa trabaho.", Sabi nito na parang nakahiga na sa kama.
"Sige. Magkita nalang tayo sa café" sabi ko
"Sige, bye", pag papaalam nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinabukasan
(Café)"Tara na, baka ma-late pa tayo", sabi ni Sana
"Mag-aapply ka rin?", Tanong ko.
"Oo, pero magka iba posisyon natin.", Sabi nya habang patuloy na naglalakad.
"Ano ba yung posisyon ko?", Tanong ko. Mag-aapply ako pero diko alam kung anong posisyon Tsk Tsk.
"Secretary", sabi nito habang tumigil.
"Huh? Ang taas naman di ba pwedeng yung nasa office nalang?", Sabi ko
"Hindi, nandito na tayo", sabi nito habang naglakad paharap
Pumunta siya sa front desk at hinila ako sa linya ng mga babae.
"Diyan ka at dun ako. Good luck!", Sabi nito habang tumakbo sa lunya niya.
Next is L/n Y/n
Okay. Kaya moto. Fighting!!!