3rd Person POV
Pagkauwing pagkauwi ni Jungkook sa Mansyon nito ay tinawagan niya ang isa sa mga kuya kuyahan nito.
In call
Yoongi: Hmm? Bakit ka napatawag?
Tanong ng kuya kuyahan nito.
Jk: Hyung, can you give me informations about this girl?
Yoongi: Hmmm.... Jeon, akala ko pa naman di ka makakapag asawa, sa pagiging malaro mo kasi eh..
Halata na ng binata na naka ngisi ang lalaki sa tawag.
Jk: Hyung, can you just....
Yoongi: Yes na po! Eto na... Alam ko namang maikli lang pasensya mo eh.. Ano bang pangalan ng babaeng ito?
Jk: Y/n L/n
Yoongi: Okay! Tatawagan na lang kita kapag meron na yang pinapahanap mo.
End call
Tumingin ako sa labas ng bintana ko at pagkatapos ay humiga na sa kama ko. Hinintay kong dalawin ako ng aking antok.
Kinabukasan
Y/n's Pov
Kinakabahan akong pumasok sa opisina dahil sa mga nangyari kagabi. Dala dala ko ang Strawberry shortcake na binake ko para sa pasasalamat.
Ibibigay ko ito kay Sir Jeon kapag nagkita kami o kaya'y pinatawag niya ako.
Naglalakad ako papuntang cubicle ko ng makasalubong ko si Yoona.
"Y/n, tawag ka pala no sir Jeon! May sasabihin daw siya", sabi nito sa kanya. Kakasabi ko pa lang na ibibigay ko itong strawberry shortcake. Buti na lang at hawak ko ito ngayon.
"Sige, pupunta na ako. Salamat!", Sabi ko at naglakad papunta sa kinaroroonan ni sir Jeon.
"Sir Jeon, pinapatawag niyo daw po ako?", Tanong ko sa kanya. Lumapat ang mga mata nito sa cake na dala ko.
"Yes, what's that?", Sabi nito at parang excited na batang hinihintay ang sagot ko.
"Strawberry shortcake po. Para po sa inyo, pasasalamat ko para sa paghatid niyo sa akin kagabi", sabi ko at napakamot sa batok ko.
"Hmm. Forget the reason why I called you. Unbox that and please get me a fork", sabi nito at itinabi ang mga papel na nasa mesa nito.
Dali dali akong lumabas at kumuha ng tinidor sa cafeteria ng building. Bumalik ako at inilabas ang cake sa kahon nito.
Tinikman niya ito at hindi ako humingang hinintay ang feedback niya mula sa luto kong cake.
" You know how to bake? Luto mo ba ito?", Dalawang sunod sunod na tanong ang binato niya sa akin.
" Yes sir, I cooked that", Sabi ko habang nerbiyosong tumingin sa kanya. Ngumisi siya at sinabing....
"I want you to be my personal baker"