Tok tok tok.
Malakas na katok ang maririnig sa tahimik na kwartong iyon. Pakiramdam ni Jade ay mabibingi siya sa lakas nang pagkatok. Bigla niyang kinuha ang kumot at itinakip sa sarili. Natatakot siya. Takot na takot.
Bang bang bang.
Halos manginig yong katawan niya sa takot nang pabalya nang buksan nang kung sino man ang gumagawa non.
"Ano ba Jade. Hindi mo ba talaga bubuksan ang pinto? Kanina pa ako katok nang katok sa kwarto mo ngunit wala kang balak buksan ang pinto. Pag ako nainis sisirain ko ito." pabulyaw na sabi nang kuya niya na si Razor.
Biglang nawala ang takot ni Jade nang malaman niyang kuya pala niya ang may kagagawan niyon. Mabilis niyang kinuha ang nakatakip na kumot sa sarili saka mabilis na binuksan ang pinto nang kwarto niya. Tumambad agad ang galit nang mukha ng kuya Razor nya.
"Alam mo kahit kailan ginagalit mo ako. Bingi ka ba ha! Gusto mo pa talagang sumigaw ako bago mo buksan ang pinto." galit na sabi nito saka siya binatukan.
"Aray! Ano ba kailangan mo sa akin ha! Hatinggabi na ah." reklamo niya.
"Aba't sumasagot ka pa. Umalis ka diyan sa harapan ko dahil gagamit ako nang cr. Sira kasi ang banyo ko. Kuh pinagalit mo pa talaga ako." sabi nito. Tinabig pa siya nito bago pumunta sa banyo.
Nasundan na lamang niya ito nang matalim na tingin. Kung alam lang niya na kuya pala niya ang bumabalabog sa mahimbing na sanang tulog niya di sana ay binuksan agad niya ang pinto. Malay ba naman niyang ito iyon. Inis na napakamot na lamang siya nang ulo. Pinuntahan niya ang pinto at inilock iyon.
Hindi pa man siya nakakahakbang upang umalis nang biglang may kumatok na naman sa pinto. Napakislot pa siya dahil doon.
"Sino yan?" tanong niya. Bigla na namang nabuhay ang takot sa sarili.
Wala siyang nakuhang sagot bagkus kumatok ito ulit. This time medyo malakas na.
"Sino sabi iyan eh!" Nanginginig na ang mga labi na sabi niya. Ngunit hindi sumasagot kung sinuman ang kumakatok sa pinto. Napaatras na siya nang dalawang hakbang nang makita niya ang paggalaw nang doorknob. Halos pinipilit na iyong buksan.
"Anak, mama mo ito. Bakit ba ang nag-iingay ka nang ganitong oras nang gabi. Buksan mo nga ang pinto!" tinig nga iyon nang kanyang ina. Ngunit nagdalawang isip siyang buksan iyon.
"Ikaw ba talaga iyan mama?" nagdududang tanong niya.
"Tigilan mo nga ako Jade. Sapalagay mo sino pa ba ang tao sa pamamahay na ito." sabi nito. Gumagalaw pa rin ang doorknob tanda na pilit pa rin nitong binubuksan iyon.
Napalunok siya. Huminto naman ang paggalaw nang doorknob. Nang makalapit na siya sa pinto ay dahan dahan niyang hinawakan ang doorknob. Napapiksi siya nang bigla namang gumalaw iyon.
"Ba't ba ang tagal mong buksan ang pinto anak. May ginagawa ka ba diyan na hindi ko alam?" Nasesense na niya ng inis sa boses nang kanyang mama.
Huminga siya nang malalim. Bakit ba matatakot siya sa sarili niyang ina. Hindi kailanman magiging totoo ang mga pinapaginipan niya. Tinatakot lamang niya ang sarili.
Mabilis niyang binuksan ang pinto ngunit nagtaka siya kung bakit walang tao sa labas. Bigla na lamang kumabog nang malakas ang dibdib niya. Pakiramdam niya ang nanlamig siya. Gusto niyang sarhan agad ang pinto ngunit parang hindi niya maigalaw ang katawan sa takot.
"Kailangan mo nang sumama sa amin. Nararapat kang sumama sa amin." narinig niya ang boses na iyon mula sa likuran. Talagang nanindig ang balahibo niya doon. Gusto niyang sumigaw sa mga oras na iyon ngunit pakiramdan niya ay walang boses na lalabas mula sa bibig niya. Dahan dahan siyang lumingon mula sa likuran. Ngunit nang tuluyan na niyang tingnan ay wala siyang nakita. Pagkaharap niya ay ganon na lamang ang panlalaki nang mata niya. Malapit sa mukha niya ang sunog na mukha nang babae habang natutunaw ang laman nito. Lumuwa pa ang mga mata nito. Nahulog pa iyon kasama nang natutunaw nitong laman. Doon na niya narinig ang boses niyang sumisigaw.
BINABASA MO ANG
Horror Stories
HorrorMga kwentong katatakutan na tiyak na hindi kayo papatulugin. Mga kwentong tiyak sa panaginip ay inyong dadalhin. Kwentong hinahanap nang mga taong hindi matatakutin. Kung ganoon subukan niyo itong basahin. at baka matakot kayo sa mga HORROR STOR...