Haunted School: Chapter 14

1K 28 3
                                    

Dedicated to @patchi-patchi thanks po..

Naalimpungatan si Jade nang makaramdam siya nang pangangalam nang sikmura. Nagugutom siya. Tiningnan niya ang alarm clock sa study table niya. Mula sa liwanag na nanggagaling sa labas ay nakita niyang mag-aalas otso na  nang gabi. Mahigit sampung oras siyang nakatulog! Napabangon siya bigla. Sa sobrang pagod niya kasama pa nang ilang araw na walang maayos na tulog ay hindi niya nakayanang matulog pagkatapos niyang mahiga sa kanyang kama kanina. Paanong hindi man lang siya ginising nang kuya niya. Kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya iyon pala ay gabi na. Hindi siya nag-almusal kanina saka nag hapunan. Nakalimutan ba iyon nang kuya niya?

Grrrr... nakalimutan ata siya nang kuya niyang walang pagmamalasakit sa kanya. Kailangan niyang bumaba upang kumain. Hinihiling niyang merong nilutong pagkain ang kuya niya. Wala siyang aasahang magluto kundi ito lang. Wala ngayon ang magulang nila. Alam niyang bukas pa ang mga ito dadating.

Sinubukan niyang buksan ang lampshade na nasa study table niya dahil madilim ang kanyang kwarto ngunit hindi umilaw iyon.  Ilang beses niyang ini-on/off iyon ngunit hindi umilaw. Stupid lampshade! Sira na ba ang lampshade niya? Kinuha niya ang cp at iyon ang ginawa niyang pang-ilaw saka inis na pumanaog sa kama. 

Kailangang lumabas na siya sa kwarto niya. Pero nagtaka siya nang buksan niya ang pinto nang kwarto ay madilim agad ang sumalubong sa kanya. Nakapagtataka namang hindi binuksan nang kuya Razor niya ang mga ilaw nang bahay nila. Hindi kaya maaga itong natulog? Pero agad niyang pinalis ang tanong na iyon sa isip niya. Hindi siya sanay na matulog nang ganitong oras ang kuya niya. Kadalasan ay mag aalas dies na itong natutulog.

Binuksan niya ang switch sa pasilyo. Ngunit nagtaka siya nang hindi umilaw ang flourescent. Brown-out ba ngayon? Shit! Bakit ngayon pa nag brown-out. Napakunot-noo naman kaagad siya nang makitang niyang maliwanag naman sa labas. Naputulan ba sila nang kuryente? Imposible naman ata iyon.

Gamit ang liwanag  nang kanyang cp ay nakarating siya sa kwarto nang kuya niya. Kinatok niya iyon. Ngunit mga ilang beses na siyang kumatok sa pinto nang kwarto nito ay walang sumasagot. Mukhang wala ata itong balak pagbuksan siya.

"Kuya, alam kung nandiyan ka. Buksan mo ang pinto." sigaw niya. Sinubukan na niyang buksan ang kwarto nito nang hindi pa rin ito sumasagot ngunit nakalock iyon.

Nagsisimula na siyang mainis sa kuya niya. Mukhang dinidedma siya nito. Talaga bang nagalit ito sa sagutan nila kanina? Napakababaw naman ata na rason iyon. Hinampas niya ang pinto.

"Kung ayaw mo e di wag." sigaw niya ulit. Naghintay pa siya nang ilang minuto. Baka sakaling bubuksan nang kuya niya ang pinto kapag nalaman nitong umalis siya. Ngunit mukhang wala talaga itong balak. Padabog na umalis siya sa harapan nang kwarto nito saka bumaba. Ang hiling sana niya ay nakaluto man lang ito nang pagkain para sa kanya.

Pagdating sa kusina ay sinubukan niyang buksan ang ilaw ngunit wala talaga. Useless. Sa sobra sigurong busy nang kanyang magulang ay nakalimutan nang magbayad nang kuryente. Ano ba ang pinagbibisihan nila? Kulto!

Agad niyang pinilig ang ulo. Gutom na talaga siya kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Sinubukan niyang tingnan ang mesa gamit ang ilaw nang cp niya. Ngunit bigla siyang nakaramdam nang panghihina nang makitang malinis ang mesa.

"Kuyaaaaaaa." inis na sigaw niya habang nakatingin sa itaas. Hindi niya akalaing walang pakialam sa kanya ang kapatid.

Mabilis niyang tiningnan ang rice cooker kung nakapagsaing ito. Ngunit walang laman iyon. Nagtagis ang kanyang mga ngipin. Binuksan niya ang refrigerator ngunit anong aasahan niyang laman niyon? Saka isa pa hindi umaandar iyon dahil naputulan ata sila nang kuryente. Isang dakilang negosyante ang magulang niya ngunit hindi nagawang magbayad nang kuryente. Hindi ba nakakahiya iyon? Hindi na rin niya nagawang buksan pa ang cabinet kung saan nakalagay ang mga de-lata. Nawalan na siya nang gana pang kumain. Saka ano pa ang silbi non. Ni hindi nakapagsaing ang magaling niyang kuya.

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon