Hinang hina siya habang nakaupo sa sofa nila. Wala na siyang lakas. Halos magmamadaling araw na pero wala silang ginawa nang kuya niya kundi tingnan ang walang malay na si Joycee. Nagulat pa siya nang biglang tumayo ang kuya niya.
"Mukhang kailangan na nating matulog bro, Baka aabutin lang tayo nang buong magdamag na nakatitig sa babaeng iyan."
Napatingin siya sa kuya niya. Nakikita niya ang pagod at pag-aalala sa mukha nito. Alam niyang nag-aalala rin ito kay Joycee.
"Mauna ka na kuya. May klase ka pa mamaya. Saka hindi pa naman ako inaantok eh!" pagsisinungaling niya. Ang totoo niyan ay inaantok na siya. Halos hindi na niya mapigilang ipikit ang mga mata.
Napabuga ito sa hangin. "Matulog ka na Jade. Alam kong inaantok ka na. Huwag mong abusin ang katawan mo. Baka iyan pa ang sanhi nang pagkamatay mo. Kung gusto mo ako ang magbabantay sa kanya. Sige na! Alam kung ilang gabi ka nang walang tulog."
Gusto niyang sundin ito ngunit hindi niya magawa. Natatakot pa rin siya hanggang ngayon. Alam niya sa sarili na hindi pa tapos ang lahat. Lahat nang sinabi kanina ni Joycee ay nagkakaroon nang takot sa kanya. Napanaginipan niya ang nangyari kanina. Lahat nang iyon. Dapat nasunog na siya kasama nang classroom nila ngunit hindi nangyari iyon. Pinigilan iyon nang kanyang kuya. Paano kung iyon talaga ang dapat na mangyari, ang masunog siya upang matapos na ang lahat.
"Huwag mo nang pairalin ang katigasan nang ulo mo Jade. Pumunta kana sa kwarto mo at matulog na. Huwag ka munang pumasok ngayon. Sigurado akong walang klaseng magaganap dahil sa nasunog niyong classroom." walang anumang sabi nito.
Napabuntong-hininga siya."Paano kung hindi pa tapos ang lahat nang ito kuya? Paano kung guguluhin pa rin ako nang kaluluwang iyon? Paano----"
"Jade makinig ka!" biglang sigaw ni Razor. Hinawakan pa siya nito sa kanyang balikat. Takot namang tiningnan niya ito.
"Jade makinig ka nang mabuti ok. Wala nang gugulo pa sa iyo. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit iyon ang paraan upang matapos na ang lahat nang ito. Alam kung mananahimik na ang mga kaluluwa doon. Hindi ako bingi upang hindi ko marinig ang mga sigawan nang mga espiritong matagal na sigurong nandoon. Wala man akong alam kung ano ang koneksiyon mo sa classroom na iyon pero alam kung mananahimik na ang mga kaluluwa doon. Hindi ka na nila makukuha pa. Maliwanag ba?"
Kahit isa man sa sinabi nang kuya niya ay wala siyang naintindihan. Hindi pumapasok sa isip niya ang mga sinasabi nito. Iba yong pumapasok sa isip niya. Yong mga narinig niya na sinabi ni Joycee at yong mga nakita niya sa classroom na iyon. Alam niyang hindi pa tapos ang lahat.
"Narinig mo ba ang mga sinabi ko sa iyo Jade?" tanong ng kuya niya.
Naitampal niya ang noo. Hindi niya alam ang gagawin niya. Natatakot siya.
"Jade!" galit nang sambit nito sa kanyang pangalan.
Nahihintakutang napatingin uli siya rito."Hindi mo naiintindihan kuya. Hindi mo sana ginawa iyon. Hinayaan mo sanang masunog ako kasama nang classroom na iyon. Ako ang gusto nila. Hangga't hindi nila ako nakukuha hindi matatapos ang lahat nang ito. Tama si Joycee. Kasalanan ko ang lahat nang ito."
Napakislot siya nang biglang sinipa nang malakas nang kuya niya ang sofa.
"Putcha! Hindi ko alam kung gusto mong kunin ka nila o gusto mong matapos ang lahat nang ito. Ano ba ang kinatatakutan mo, ang mga sinabi nang babaeng iyan?" itinuro pa nito ang walang malay na si Joycee. "Sa oras na magigising iyan ay talagang makakatikim siya sa akin sa ginawa niyang pananakot sa iyo. Baka sakaling mapatay ko pa iyan." galit na galit nitong sabi. Nakita pa niya ang pamumula nang mukha nito sa sobrang galit. Bigla naman siyang kinabahan sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Horror Stories
TerrorMga kwentong katatakutan na tiyak na hindi kayo papatulugin. Mga kwentong tiyak sa panaginip ay inyong dadalhin. Kwentong hinahanap nang mga taong hindi matatakutin. Kung ganoon subukan niyo itong basahin. at baka matakot kayo sa mga HORROR STOR...