"Patay na ba tayo Joycee?" buong tapang niyang tanong rito. Narinig niyang napasinghap ang kuya niya sa kanyang tabi.
"Matagal na Jade maniwala ka man o sa hindi." walang pagdadalawang isip na sagot nito.
Nanlumo siya sa narinig. Napakaimposible. Baliw man sigurong matatawag pero naniwala siya sa sinabi nito.
"Bullshit! Cut this crap young lady will you? Nilalason mo ang utak nang kapatid ko. Ang mabuti pa'y umalis ka na sa bahay namin ngayon din." nangagalaiting sigaw ng kuya niya. Itinuro pa nito ang pintuan nang bahay nila. Nakita naman niya ang biglang pagkislot ni Joycee dahil doon. Nanatili itong nakayuko.
"Kuya, please listen to her first. Alam kong hindi nagsisinungaling si Joycee. Mahirap mang paniwalaan pero iyon ang totoo." nahihirapang niyang sabi. Hindi niya gustong tanggapin ang mapait na katotohanang iyon kung alam lang nang kuya niya. Ngunit paano niya maipapaliwanag ang lahat nang nangyayari ngayon sa buhay niya. Paanong nagkaroon siya nang koneksiyon sa classroom na iyon. Isa lang ang maaring sagot na pilit pumapasok sa isip niya, iyon ay dahil nanggaling siya doon. Ngayon gusto na siyang kunin nang kung sinuman upang ibalik sa haunted school na iyon.
Napanaginipan niya kung paanong nasunog siya kasama si Joycee doon. Alam niyang totoo iyon katulad nang nagyari kagabi. Napredict niya ang mangyayari na masusunog siya kasama nang classroom nila kung hindi lang sana pinigilan nang kuya niya. Kung wala siguro ang kuya niya malamang natapos na ang lahat nang ito. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos noon. Maaring mananahimik na ang katawan o kaluluwa niya ngayon. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nasabi ni Joycee na kailangan nang alay mula sa kanilang dalawa. Hindi pa niya naitatanong ito tungkol doon. Pero magkaganoon man ay alam niyang gusto siyang gawing alay ni Joycee. Nasaktan siya doon. Masakit para sa kanya ang ginawa nito. Hindi lang iyon, siya ang sinisisi nito sa lahat nang nangyari.
"Alin yong totoo doon? Na patay ka na!" peke itong humalakhak. "Dammit! bro, where did you get that fuckin idea!? Naalog na ba ang ulo mo? O sadyang nababaliw ka nang talaga.Baka gusto mo nang pruweba para masabi mo sa sarili mong buhay ka." sarkastiko nitong sabi habang matalim na nakatingin sa kanya. Tahimik lamang si Joycee na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Tiningnan niya ang kuya niya. Alam niyang hindi ito maniniwala. Wala itong alam sa nangyayari. Maging siya rin siguro, pero magkagayon man ay nararandaman niyang matagal na siyang patay. Hindi nga lang niya maipaliwanag kung paanong nabuhay siya, o kung paanong buhay ang katawan at ang isip niya.
"Totoo iyon kuya, nakita ko mismo sa salamin ang sunog kong mukha. Alam kung matagal na akong---"
Biglang naputol ang kanyang pagsasalita. Hindi niya napaghandaan ang sumunod na nangyari. Biglang lumipad ang kamao nang kuya niya sa kanyang panga. Napatili si Joycee sa nakita. Siya naman napahawak sa nasaktang panga. Mariin siyang napapikit. Nasaktan siya. Dumugo ang gilid nang kanyang labi dahil nakagat niya iyon. Nalasahan pa niya ang dugo sa kanyang labi. Naningkit agad ang kanyang nga mata. Marahas na binalingan niya ang kapatid. Tiningnan ito nang matalim.
"Masakit ba? There, sabihin mo sa akin ngayon kung patay ka ngang talaga." nakangising sabi nito habang himas-himas ang kanang kamao. Hindi niya alam kung nagbibiro ito. Nakaramdam siya nang pagkamuhi rito.
"J-Jade, dumudugo ang labi mo." nanginginig na sabi ni Joycee.
Mabilis niyang pinahiran nang hinlalaki ang dugo sa gilid nang kanyang labi.
"Umalis ka na muna dito kuya. Gusto kong makipag-usap kay Joycee. Nang kaming dalawa lang. Kung maari sana." pinipigilan niyang tumaas ang boses habang sinasabi iyon.
BINABASA MO ANG
Horror Stories
HororMga kwentong katatakutan na tiyak na hindi kayo papatulugin. Mga kwentong tiyak sa panaginip ay inyong dadalhin. Kwentong hinahanap nang mga taong hindi matatakutin. Kung ganoon subukan niyo itong basahin. at baka matakot kayo sa mga HORROR STOR...