Naimulat niya ang kanyang mga mata. Nagtaka kung bakit wala siyang makita na kahit ano. Nabulag na ba siya? Natampal niya bigla ang noo. Masakit ang ulo niya. Parang hinampas iyon nang kung ano mang bagay. Napaupo siya, palinga-linga. Bakit wala siyang makita? Nang mapadako ang tingin niya sa munting liwanag na nakikita niya sa di-kalayuan sa kanya ay pumasok agad sa isip niya na nasa madilim na lugar siya. Saka nagtaka siya kung bakit nakakaamoy siya nang krudo.
Ang huling natandaan niya ay kasama niya si Joycee. Hindi niya alam kung tao o kaluluwa ang nasa likod niya bago siya nawalan ang malay. Basta natatandaan niyang natakot si Joycee nang makita iyon. Saka nasaan na kaya si Joycee? At paanong nakapunta siya sa madilim na lugar na iyon.
"Nasaan ako?" naisantinig niya.
Sinubukan niyang tumayo ngunit pakiramdam niya ay mahihilo siya. Meron siyang nahawakan sa kanyang tabi. Matigas na bagay. Natumba niya iyon nang itinulak niya. Silya iyon kung hindi siya nagkakamali.
Nasaan siya? Kinapa niya ang bulsa nang pantalon niya. Hinahanap ang lighter. Pwede niya iyong gawing ilaw sa madilim na lugar na iyon. Ngunit nagtaka siya kung bakit wala siyang makapa sa bulsa.
"Shit! Asan na ba iyon." naibulalas niya. Nakaramdam siya nang galit sa sarili. Hindi niya nadala ang cp niya. Ngayon lang niya naisip na kailangan niya iyon. Kung bakit hindi nila naisip nang kuya niya na pwede silang magtawagan sakaling may mangyari sa kanya. Stupid of him. Nawala iyon sa isip nila dahil sa takot at kabang nararamdaman nila.
Natigil siya sa pangangapa nang makarinig siya nang tinig.
Tumakbo ka Jade. Takbo.
Nanigas siya bigla. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya iyon.
Takbo na Jade.
Nanlamig siya. Umalingaw-ngaw ang boses na iyon sa kadiliman. Napatayo siya bigla.
"Sino ka?" sigaw niya. Nakatingin siya sa munting liwanag na iyon. Iisa lang naman ang matatakbuhan niya. Doon sa munting liwanag na iyon.
Tumakbo kana hangga't may oras pa. Nandiyan na sila. Dalian mo.
Gusto niyang malaman kung sino ito. Para kasing malapit lang ito sa kanya. Saka nagtataka siya kung bakit takot na takot ito.
Takbo na dalian mo.
Nagpapanic nang sigaw nito. Agad namang gumalaw ang mga paa niya. Dahil nakafocus ang tingin niya sa munting liwanag na iyon saka dahil na rin sa kadiliman ay hindi niya alam na merong silyang nakaharang sa kanya. Napatid niya iyon. Natumba siya. Medyo nasaktan siya dahil nasalampak ang dibdib niya sa sahig. Pero nakapagtatakang nabasa ang dibdib niya maging ang pantalon niya. Basa ang sahig. Nakaamoy siya nang gasolina. Gasolina ang nasa sahig. Paanong merong gasolina sa sahig na iyon?
Takboooooo
Kahit medyo nasaktan ay nagawa pa ring niyang makatayo. Muntik pa siyang madulas dahil sa mabasang sahig na iyon. Malakas ang kabog nang dibdib niya. Ito na ba ang katupasan niya?
Huwag ka nang tumakbo Jade. Nagsasayang ka lang nang oras. Nilakdaan mo na ang kamatayan mo. Wala ka nang kawala kahit saan ka pa pumunta. Nasa amin na ang katibayang gusto mo nang sumama sa amin.
Nanindig ang mga balahibo niya sa buong katawan dahil sa nakakatakot na boses na iyon. Parang nasa ilalim nang balon nanggagaling. Pinipilit niyang makalapit sa munting liwanag na iyon.
Sige pa. Takbo pa. Malapit ka na sa kamatayan mo.
Tumatawa pa ito na parang demonyo. Nag-eecho ang boses nito sa kadiliman.
BINABASA MO ANG
Horror Stories
TerrorMga kwentong katatakutan na tiyak na hindi kayo papatulugin. Mga kwentong tiyak sa panaginip ay inyong dadalhin. Kwentong hinahanap nang mga taong hindi matatakutin. Kung ganoon subukan niyo itong basahin. at baka matakot kayo sa mga HORROR STOR...