Haunted School: Chapter 16

1K 29 2
                                    

"Joycee!"

Hindi ito nakinig sa sigaw niya. Mabilis niya itong sinundan. Laking papasalamat niya at naabutan niya ito malapit na sa pinto nang kanilang bahay. Agad niyang hinawakan ito sa braso. Pumiksi ito na agad niyang binitawan.

"Ayoko na Jade! Ayoko na!" umiiyak nitong sabi saka napaluhod.

Nabahala naman siya rito. Kahit nakakaramdam siya nang galit rito dahil sa ginawa nito sa kuya Razor niya ay hindi pa rin niya mapigilang mabahala sa kinikilos nito.

"Huwag kang mag-alala ako pa rin naman ang tatapos sa lahat nang ito." sabi niya. Gusto niyang i-comfort ito kahit papano sa mga salita niya. Minsan gusto niyang batukan ang sarili. Gustong-gusto kasi niyang isiping  traidor ito, ngunit sa kaibuturan nang kanyang puso ay nararamdaman niyang inosente lamang ito.

Drama lamang niya iyan para maawa ka sa kanya.

Ipinilig niya ang ulo nang suwayin siya nang kanyang isipan.

"Paano Jade! Ako o ikaw lamang ang tatapos nito. Pero ayokong dalawa tayo ang babalik sa empiyernong lugar na iyon.  Impiyerno ang kababagsakan natin kung sakali mang kunin tayo Jade. Alam mo ba iyon?" nanginginig na sabi nito.

"Paano tayo mapupunta doon kung wala naman tayong kasalanan? Biktima lang tayo dito. Nangangapa pa rin ako sa mga tanong na gumugulo sa utak ko. Kung paano nangyari ang mga ganitong bagay. Ikaw lang ang tanging makapagpapaunawa sa akin sa lahat nang ito. Pero sa tingin ko, tinatago mo sa akin ang katotohanan." mapait niyang sabi. Hindi niya mapigilang maging ganoon rito.

"Gusto kong sabihin sayo isa-isa Jade. Totoo iyon. Pero wala nang oras. Hindi ko alam kung impiyerno nga ang bagsak mo. Pero ako sigurado akong doon ako mapupunta sakaling ako ang gawing alay nila. Natatakot ako Jade, lalo pa't minamadali na nila ang pagkuha isa man sa atin."

Mariin siyang napapikit. Nakakabobo talaga ang walang alam. Parang riddles sa kanya ang lahat nang mga sinasabi nito na mahirap sagutin. Ito ang may alam nang lahat. Pero kung magtanong siya rito. Isang tanong, isang sagot lamang ang nakukuha niya. Na parang bang pinipigilan nito ang sariling sabihin sa kanya ang lahat.

Tinatanong niya sa sarili kung bakit parang may  pumipigil ritong sabihin sa kanya ang lahat. Dahil ba pagnalaman niya ang lahat ay iniisip nitong gagawa rin siya nang paraan para hindi siya mapunta sa impiyernong lugar na sinasabi nito? Saka kelangan ba talaga nang oras para sabihin sa kanya ang lahat? Alin ba ang totoong sinabi nito sa kanya noon o kung may totoo ba talaga sa mga sinasabi nito sa kanya? At ano ba ang pinaplano nito? Bakit kailangan pa nitong ikulong ang kuya niya? Kung ginawa nito iyon para hindi makakapanggulo ang kuya niya ay mababaw lamang na rason iyon para sa kanya. Ano ba ang maaring gawin nang kuya niya na ikakabahala nito? Gusto noyang ihampas ang ulo sa pader. Baka sakaling huminto ang mga katanungang pumapasok sa isip niya.

"Kung talagang wala na tayong oras, bakit hindi mo sabihin sa akin ngayon. Ngayon ang oras para malaman ko ang lahat nang nangyayari sa buhay ko. Hindi ko iniexpect na maging ganito ang buhay ko. Simple lang akong tao na may simpleng pangarap. Ayokong dalhin ang takot na ito habambuhay." frustrated na sabi niya.

Bigla siyang napatingin sa taas nang may kung anong ingay doon.

"Hindi ko kayang gawin. Ayokong gawin iyon!" nanginginig pa ang boses ni Joycee habang sinasabi iyon.

Bumalik ang tingin niya dito. "Bakit ba nagpapakita ang sunog na babaeng iyon sa atin? Ano ba talaga ang kailangan niya?"

Umiling ito. "Lumabas na tayo rito Jade. Ginagalit natin siya." nasesense niya ang takot sa boses nito. Napakislot pa ito nang gumawa na naman ito nang ingay sa taas.

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon