CHAPTER 9: THE LAKE AND THE DEVIL

7 3 0
                                    


SHE HEARD her name being called by someone.

Pareho nung gabing iniraffle ang pangalan niya sa club.

Namutla siya at tiningnan ang blankong mga mata ni Sebastian.


"Nathalia Angelica Versosa."



Kasabay ng pagtawag sa kaniya ng kung sino ay ang muntikan na niyang pagkawalan ng Malay. Mabuti nalang at nagising siya sa masamang panaginip.


"Miss Versosa?" May tumawag ulit. Baka naman nagkakamali.

Pumikit si Nathalia. Pinilit niyang magbingibingihan sa narinig.

"Querida, are you okay?"

Nagising siya at gulat niyang nilingon si Sebastian na iniharap siya habang hawak ang dalawa niyang braso.

Hindi niya mawari kung tama ba na nakakita siya ng pag-aalala sa mga Mata nito na agad din namang naglaho.


"Just tell me if you're not feeling okay." Sebastian's mouth tightened.

"Let's go. The host is calling us."

Hinila nito ang kamay niya na sobrang lamig dahil buong akala niya ay isasali siya sa auction. Yun pala ay inimbitahan lamang sila sa stage upang magbigay ng introduction sa mga bisita.


Natrauma na ata siya sa mga ganitong palatuntunan.

She glanced at the crowd that shouts million of dollars from the designs and how the people in there dressed up. She felt unsuitable in that place.


Yumuko si Nathalia sa hiya.

Nagsasalita si Sebastian habang hawak ang mic at pati na din ang kamay niya. His huge veiny hand firmly fit on hers.

She felt secured and safe all of a sudden. Nilingon siya ni Sebastian at hinila pababa ng stage.


Akala niya ay babalik sila sa table nila pero bigla na lamang silang lumabas sa kuwartong iyon.


"Saan mo ako dadalhin?"

Hindi siya sinagot ni Sebastian.

Hila-hila pa din ang kamay niya at tahimik nilang nilakad ang distansya patungo sa lawa.


"Bakit tayo andito?"

Hindi pa din ito sumagot.


Napayakap tuloy siya sa sarili nung dumampi sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin.

Hinubad ni Sebastian ang coat niya. Akala ni Nathalia sa kaniya ito ibibigay pareho nung sa mga dramang napapanood niya pero mali siya dahil inilagay ni Sebastian ito sa sahig.

Demonyo talaga!


Umirap siya at naiiritang tinalikuran ang lalaki.

Nasobrahan ata siya sa drama dahil naimagine niyang magiging gentleman sa kaniya ang lalaki.

But no! He's a pure devil! In disguise to a hot bachelor.

Tiningnan niya si Sebastian at ganun nalang ang paglaki ng mga Mata niya nang kalahating hubad na ito sa harapan niya.

Kitang kita ang perpekto nitong katawan na may anim at Kay sarap sarap na pandesal.

At yung v-line... Sh*t na malagket. Nagkasala ang mga Mata niya.


"Enjoying?"

"Hindi nuh!" Agad niyang tugon.

"You're enjoying here not in that party right?"

"A-Ano? Hindi ah! Walang enjoyable sa pareho. None of the above. Mas gugustuhin Kong maligo dyan sa lawa kaysa tingnan iyang pangit na katawan mo!"

Tumawa si Sebastian.


Napatulala tuloy si Nathalia dahil pati ang tawa ng lalaki ay maganda bukod sa yummy siya.


'Maghunos dili ka Angelica!' Sinasampal sampal niya ang pisngi.


"You just gave me an idea. Let's swim."

"Ano?! Nahihibang ka ba. Wala akong suot na bra. At isa pa, malamig."

Hindi ba ito nilalamig? Kanina pa ito nakahubad baro sa harapan niya. Hindj man lang nito inilahad ang coat niya Kay Nathalia.


"Let me hug you then."

Bago pa siya makapalag ay patalikod siya nitong inakap.

His bare chest seems warm against her back. Nakapulupot ang mga braso nito sa katawan niya.



She felt her face turning into red.

"A-Ano ba." She protested weakly while trying to break free.

"Stay still."


Naestatwa siya.

Nakapatong ang ulo nito sa ulo niya.

Shocks! Paano kung may makita siyang kuto dun? Edi bawas points na siya.
Hindi Hindi. Mabuti na nga yun.

"Let's swim."

"Ayaw ko. Malamig." 'At wala akong bra.' Isip niya pero Hindi niya sinabi.


"Wear my polo."

"Huh?"

Kumawala ito sa yakap at ibinigay sa kaniya ang puting polo.

Tinanggap niya iyon.

"Tumalikod ka. Magbibihis ako." Yumuko siya para Hindi nito makita ang pamumula niya.

Gusto din naman niya maligo sa lawa. Ang lungkot lang kung walang kasama. Mabuti nalang at inaya siya ni Sebastian.

Unang lumusong si Sebastian sa tubig.

Habang siya naman, isinuot niya muna ang polo bago hinubad ang gown.

Itinupi niya iyon kasabay sa tuxedo ng lalaki na sa kung saan lang iniwan.

It means naka brief nalang yun?

Paano kung may linta?


Pagkatapos maiayos ang mga damit, dahan dahan siyang naglakad sa tubig para hanapin si Sebastian.


"Mr. Carvado?" Gamit niya ang Huling pangalan ng lalaki sa pagtawag.

Hindi niya makita sa paningin ang lalaki.

Lumiliwanag man ang buwan at kumikining sa tubig, Hindi niya pa din iyon makita.

Bigla siyang kinabahan na baka kung anong nangyari dun.

"Mr. Carvado?"
"Mr. Carvado?"

"Sebastian!"
Nagging desperada tuloy siya.


Pano kung may okoy pala dun.


"Sebas—" may humila sa kaniya pailalim sa tubig. Pilit siyang kumawala.

"Hmph!" Nakahinga na siya.

Binuksan niya ang mga Mata niya at nakita ang lalaking hinahanap niya.

"Saan ka galing? Kinabahan ako nung nawala ka! Akala ko kinain ka ng mga shokoy! Pinag aalala mo ako! Hayuf ka!" Tumatalsik ang laway niya at sabog ang buhok na tumatabon sa mukha niya.

"You're worried?" She saw a glint of joy in his eyes.


"N-Nag aalala lang ako dahil baka mapagbintangan akong pinatay ka nuh!"
Nawala ang nakita niyang kasiyahan pagkatapos nun.

Nagsisi tuloy siya sa sinabi.

"Oo na! Pinag alala mo ako."
"I know."

"Okay binabawi ko na."

"Don't." Ipinulupot ni Sebastian ang kanyang kamay sa bewang ni Nathalia at hinili papalapit sa kaniya.

"H-Huy bitaw ka!"

"Ayaw." Parang batang saad nito pero ang lalim ng Boses be!

Ang cute!

"Eherm bitaw sabi."

Mas lalong humigpit ang pagkapulupot nito sa kaniya.

Hinayaan na niya lang. Sobrang tigas ng kokote ng lalaking I to. Sobra!


Bigla niyang naalala na wala pala siyang bra at nakaakap sa kaniya si Sebastian.

Tiningnan niya ang lalaki at tama nga siya kasi nakatingin I to sa boobs niya.


Agad niya iyong tinulak at lumayo.

"Bastos!" Namumula siya sa galit at hiya.


Pero ang demonyo nakangisi lang.

Lumangoy siya sa mas malalim na parte. Eenjoyin na niya lang ang paglangoy.

Tumigil siya sa parteng may hagdanan papunta sa isang parang cottage. Hindi niya ito napansin nun.

Umupo siya sa may hagdanan na naabot pa din ng tubig yung ang sa parte ng boobs niya natatabunan.

Sumunod naman sa kaniya si Sebastian at umupo distansya sa kaniya.


Tahimik silang dalawa. Hindi alam ni Nathalia kung ano ang sasabihin.

Pero Unang nagsalita ang demonyo.

"Thank you."

Gulat niya itong nilingon. Bakit ito nagpapasalamat?

"Thank you for being here with me." Tiningnan siya nito at kahit malamig ang mga Mata nitong naka tingin sa kaniya, ramdam niya ang sinseridad sa boses ni Sebastian.

Tumikhim siya at umiwas ng tingin sa lalaki.

"Wala yun! At isa pa. Nag enjoy ako."

Ningitian niya si Sebastian, yung totoo.


Tumahimik ulit ang paligid. Umuhip ng mahina ang hangin.



Mukhang Hindi naman pala talaga totoong demonyo itong kasama niya.


May mga bagay lang na gusto nitong gawin pero may nagpipigil nito.




END OF CHAPTER 9
THANKS FOR READING

GET WILD IN CHICAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon