CHAPTER 12: BACK TO NORMAL

17 2 0
                                    


🔰AUTHOR'S NOTE:
I've been missing some details of the story so if you will notice some loopholes and misinformation, kindly comply to me so that I could edit and change it right away!

Your help for me to improve my writing is highly appreciated!🔰

🌱🌱🌱🌱



HALOS HINDI na ginustong bumangon ni Nathalia sa umagang iyon. Sobrang sumasakit pa din ang katawan niya mula sa airport kahapon. Jet lag.

She gently massaged her shoulders and rolled it to lessen the sting. It feels like she's been hit by a truck a dozen of times.

And she remembered, she has work to do in the workplace she left.

Agad siyang bumangon, Hindi alintana ang sakit na nararamdaman.

After doing all the daily routines in the room, she just took a biscuit from the storage cabinet of her apartment and flew her a*s off the place.

Dahil ayaw niyang malate sa araw na iyon, sumakay siya ng tricycle patungo sa sakayan ng bus sa may kanto.

Nang makasakay na nang bus, pinili niyang umupo sa PWD na upuan Sana, kaso may nakasunod pala sa kaniyang lalaki na may tungkod kaya sa may hulihan na upuan na siya umupo.

Nakarating na din siya sa workplace niya sa banko kung saan nagtatrabaho siya bilang accountant.

And yes. She's back to her boring life.

Not for long, lunch break came.

Bago pa man siya makatayo upang sumama sa mga katrabaho ay may tumawag sa kaniyang telepono.

The caller recipient is her mother.

A smile formed in her lips and she immediately pressed the answer button.

Upon hearing her mother's voice, made her worries fade away.

She remembered the time when she was a kid, people made fun of her. Sinasabihan siya ng ampon dahil sa maputi niyang balat

That, she mindfully accepted.

Alam din naman niya na ampon siya simula pa nung Una. Maybe her genes told her so.

Maputi at balingkinitan siya noon, pero Hindi na ngayon. Nagbago ang kulay ng balat niya dahil sa pagbibilad sa araw at palaging pagligo sa dagat noong bata siya.

Hindi siya nanghinayang dahil nagmumukha na siyang totoong Pilipina noong nagdalaga na siya. Though, the foreign genes still dominated. From her wide hazel brown eyes, down to her cute pointy nose and her natural pink lips. Makinis din ang balat niya at Hindi na niya kinailangang magkaroon ng malubhang skin care routine.

53 years old na si Mama Rosita niya, which makes sense dahil inampon daw siya ng nanay niya dahil matandang dalaga daw ito at hindi na nakapag asawa at nagka anak pa. At dahil lumaki siya sa pangangalaga nito, namana na din niya ang pagiging maprinsipyo at pagiging konserbatibo nito.

Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Sebastian sa kaniya noong nakaraang araw na may kamukha siya kaya siya nito ikinuyog papunta sa outskirts ng Chicago.

She shook her head upon remembering that moment. Pinangako na niya sa sarili na iwanan ang mga nakita at naranasan sa lugar na iyon.

"Mama Rosie! Kakain na kami. Bakit ka napatawag?" Nakangiti niyang ani at isinukbit ang bag.

"Namiss lang kita anak. Alam mo namang tumatanda na ako at wala akong ibang ginagawa dito sa bahay. Kailan ka ba uuwi dito?"

"This weekend Ma. Pangako iyan. Malapit na din akong makapag-ipon ng sapat na pera para makapagpatayo ng bahay dito sa siyudad—"

"Diba sabi ko naman sayo na dito nalang tayo. Ayaw ko riyan sa siyudad, masyadong maalikabok. At isa pa, kontento na akong tumira dito sa lumang bahay natin."

"Pero nay!"

"Osya kumain ka na. Tapos na ang usapan. Gamitin mo nalang iyang ipon mo para sa mga luho mo."

Bago pa man siya makapagreklamo, tinapos na ng Mama Rosita niya ang tawag.

Wala sa sarili siyang napabuntong-hininga at Sumunod na sa mga kasamahan na naghihintay sa kaniya sa labas.

"Huy Nat-Nat. Nandito si Fafa Jonic!"

Agad na umayos ng lakad si Nathalia at nagmadaling pumatungo sa pinto upang makita kung nandon ba si Jonic.

Nandun nga at prenteng nakasandal sa Mitsubishi na kotse na kulay Itim.

Johan Nicolas Tan.

Anak ng Mayor sa siyudad at naging kaklase niya sa isang subject noong 4th year college at kaibigan niya.

Para siyang kinikiliti sa tagiliran nang masilayan ang ngiti nitong talo pa ang mga modelo sa colgate. Para tuloy siyang grade six student na kinikilig habang nakatingin sa crush niya na artista.

Tumikhim siya at pinananatiling blanko ang mukha.

Kinunutan niya ito ng noo. "Oh. Ba't ka andito?"

"Wala man lang hello? Namiss kita Angel koooo!" Jonic spread his arms, waiting for a hug, but she ignored and rolled her eyes.

"Hindi kita namiss."

"Ouch. Magaling ka talagang manakit ng damdamin Angelica."

"Huwag mo nga akong tawaging Angelica!"

"Oo na. Malayo sa ugali mo ang pangalan mong Angelica eh."

"Shatap. Umalis ka na nga. Kakain pa kami."

"Kung ganun. Ililibre ko na kayo!"

Agad na nagsilapitan ang tatlo niyang kasama at walang pasabing pumasok sa kotse ni Jonic.

Napairap si Nathalia mga 360° dahil sa ka-buraot ng mga kasama niya.

Wala siyang choice kundi sumama at tumiis sa nakakaasar na Jonic.

Dinala sila nito sa isang restaurant na hindi ganun kamahalan. Iyon ang gusto nila dahil kapag sa mamahaling restaurant sila pupunta, nakakahiya lamang yun kasi sobrang ingay nila tuwing kumakain.

Nagorder na sila isa isa.

Nag order na din si Nathalia ng sa kaniya.

Natapos ang work time niya sa araw na iyon na masaya.

Wala sa sarili siyang ngumiti.

Hindi naman pala talaga boring ang buhay niya.



END OF CHAPTER 12

GET WILD IN CHICAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon