Aurora's POV
Dahil pumalit na si Tita sa CS, dumeretso ako sa kwarto ko at nahiga na 4:30 na nalate si tita na pumunta agad kaya naman nabawasan pa ang oras ng pahinga ko, day-off ko naman sa ngayon sa CS pero may pasok ako ng 8:00 sa Resto sa may bayan dishwasher ako don. Kaya naman natulog na ko.
*Gomawoe~ (Thank you for be on my side)~
Neowa hamkke georeogal su isseoso~
(Thank you for be on my side) ~ himdeun sesang soro gidael su isesso~---*
(THANK U 친구 by: ATEEZ )Pinatay ko na ung alarm ko, ackk-- ansakit ng ulo ko pero kailangan ko na bumangon. Pagtapos ko maligo, naghanda na ko ng almusal nagluto na lang ako ng 6 na hotdog, at 3 itlog dahil wala si Tito at nagtatrabaho sa Auto Shop sa malayong lugar mula dito umuuwi na lang siya ng 1 Linggo kada 1 buwan. Pagtapos ko gawin ang mga dapat kong gawin, 7: 24 na ng umalis ako kahit san ako pumunta basta kaya kong naka bike e binabike ko na lang para bawas gastos.
Tama nagtatrabaho na ko sa edad kong to bakit? wala namang mali diba? Bukod sa may experience na ko nagkakaron pa ko ng pera. Namatay ang mama at papa ko sa Car Accident simula non si Tita Rose na ang nag-alaga sakin---- o nakasama ko lang? Dahil kahit minsan di ko naramdaman sa kaniyang inalagaan niya ko. Ung convenient store na pinagtatrabahuhan ko family business na namin yon dahil ang pinagtatrabahuhan ni mama at papa ay ang headquarters o ang company mismo ng branch ng CS namin kaya naman tumutulong ako sa pagtatrabaho don dahil isa yon sa iniwan nila mama at papa. Nagtatrabaho din ako sa Resto ng family ng kaibigan ko, underage ako pero kinuha nila ko pero hindi kaganon kalaki ang sahod dahil di naman ako full-time don dahil nga underage pero laking pasasalamat ko dahil napakalaking tulong non.
Isa sa dahilan kung bakit ayoko ng lalaking papasok sa buhay ko dahil busy akong tao kumbaga wala akong free time para enjoyin yan. Ayoko na lahat ng pahihirap ko mawala dahil sa lalaki, ayokong mabago ang paraan ng pamumuhay ko dahil sa lalaki, at lalong ayoko ng lalaki na sa una lang magaling at iiwan ako pag ma-satisfied na siya.
"Goodmorning"- bati ng staff na nagwwelcome sa mga papasok, nginitian ko lang ito
"Goodmorning po"- bati ko sa Chef namin
"Goodmorning din Aurora"- aniya at ngumiti, madami dami narin ang hugasin dahil sa nagluto na sila ng mga dish for menu namin ngayon
"Belleeee!!"- tawag ni Jennie
"Hii"- bati ko at nginitian siya
"How are you?"- tanong niya, cashier nga pala siya dito
"Good"- ani ko at tumawa
"Ang tipid mo naman sumagot! Siya maiwan na nga muna kita jan sa trono mo"- aniya at lumabas na sa washing area
Tsh! Tuwing sabado walang palya kaming nagkikita iisa lang tanong niya malamang isa lang ding sagot sasabihin ko. Nagsuot na ko ng hairnet, apron, at gloves para magsimula na maghugas.
Hassle din tong trabaho na to lalo na pag sobrang dami ng tao katulad na lang tuwing holidays kaya naman kailangan mabilis pero sobra sobrang linis hugasan ang mga hugasan.
Nung nagLunch, rush hour din kaya mabilisan ang galaw ng lahat, May mga time na nagkakasigawan o kaya nagkakapikunan pero dapat paring controllin at mamaya na ipagpatuloy pagtapos ng trabaho. Masaya naman dito maayos ang lahat, mabait at syempre kailangan ko ng pera.Pagtapos ng Lunch, nag-out na ko almost 5 hours lang ako pwedeng magtrabaho dito.
Dumeretso muna ako sa bayan malapit lang dito yon, bibili lang ako ng kailangan ko para sa Arts namin hindi na ko sa bookstore kase di ko afford kailangan ko magtipid. Pagtapos non naupo muna ko sa park para magpahinga, hindi pa naman ako gutom dahil kanina nagbreak time ako libre na din don ung pagkain ng staff kaya nalibre ako. Papahangin lang talaga ko dahil mamayang 4 sa CS naman ako.
BINABASA MO ANG
Go Away
Teen FictionSi Belle Aurora Garnett ang tipo ng babae na gugustuhin ng lahat walang halong biro dahil sa halos perpekto na nga ito. Siya ay 4th year High School na at sa loob ng halos sampung taon niya ng nag-aaral hindi narin niya mabilang ang nagkagusto sa ka...