Aurora's POV
"Umuwi ka na"- ilang beses ko ng pinaulit-ulit to kay Aiden
"Mag-usap muna tayo"- sagot niya, andito na ko sa CS para mag-bantay
"Kanina mo pa ko hindi kinakausap"- aniya nang humarap ako sa kaniya
"Hindi naman talaga kita laging kinakausap"- tugon ko, kanina pa siya nangungulit mula sa Resto
"Mas dumoble pa ngayon e"- sagot naman niya na naguguluhan
"Welcome"- ani ko ng may pumasok
Inasikaso ko na ang mga customer madami dami den ang customer ngayon dahil nga weekend. Hindi ko pinapansin si Aiden at nagpapakabusy ako nakita ko naman kung gano kahaba ang pasensya niya na hinihintay ako, halos buong araw na siyang nandito at naka-abang na kausapin ko siya sa totoo lang nadagdagan lang ang dahilan kung bakit hindi ko siya pwedeng mahalin
Lumipas ang ilang oras at nakita kong namumungay na ang mata niya, nag-init ako sa microwave ng dalawang meal para sa amin pagtapos non binaliktad ko muna ang karatulang bukas kami sa sarado kami para makapag-usap at makakain kami ng maayos
"Kumain ka na"- utos ko at inabot sa kaniya ang meal, kumuha rin ako ng Coke para saming dalawa bago naupo
"Ahh..I will pay for it"- aniya at naglabas ng wallet
"No, it's fine just eat"- tugon ko
"Salamat"- nahihiyang aniya, at nagsimula ng kumain
"Ano bang gusto mong sabihin?"- tanong ko, nagulat naman siya
"Ahh, pwede ba muna nating tapusin tong pagkain?"- aniya, matagal ko namang siyang tinitigan dahil ilang oras na siyang nag-aantay dito at talagang willing pa siyang mag-stay
"Yeah, Eat up"- tugon ko, kumain na nga kami
Nauna akong matapos sa kaniya kaya naman nag-open na uli ako, inayos ko na ang kailangan kong ayusin at binentahan ko na ang mga taong huli kong bebentahan sa araw na to.
"Tara"- ani ko pagtapos kong i-lock ang CS, hindi ko alam kung ayos lang ito kila tita pero marami naman akong benta at ngayon lang naman ito
Nandito kami ngayon sa park na malapit lang sa bahay namin, naupo ako at tumabi naman siya
"Bakit mas lalo kang naging tahimik?"- panimulang tanong niya
"Tahimik naman talaga ko"- sagot ko naman, habang nakatingin sa baba
"Alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin, bakit parang feeling ko iniiwasan mo na naman ako?"- aniya na parang naguguluhan
"Iniiwasan? Hindi naman tayo close ah"- sagot ko sa kaniya dahilan para humarap siya sakin
"Pwede bang sagutin mo ko ng maayos? Look I know that you let me be close to you this past few days but now..what happened? Did I do wrong? Tell me so that I can fix it"- aniya na pinipigilan tumaas ang boses
"Akala ko ba ayos na? Pwede na kong manligaw sayo--"-dugtong niya na pinutol ko naman
"Wala kong sinabing ganiya---
"Pero kita ko sa galaw mo, mas napalapit ka na sakin kaya alam kong pinapayagan mo na ko----
"You got it all wrong!"- hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko
"Hindi kita ma-gets bakit biglaan? Bakit biglang iba na ung pinapakita mo? Bakit biglaang iba na naman yung pakikitungo mo?"- tanong niya habang nakatingin sa mata ko
BINABASA MO ANG
Go Away
Teen FictionSi Belle Aurora Garnett ang tipo ng babae na gugustuhin ng lahat walang halong biro dahil sa halos perpekto na nga ito. Siya ay 4th year High School na at sa loob ng halos sampung taon niya ng nag-aaral hindi narin niya mabilang ang nagkagusto sa ka...