Chapter 12

1 2 0
                                    

Aiden's POV

Nandito ako sa tapat ng bahay nila Aurora, Sabado ngayon kaya naman yayayain ko sana siya lumabas.

*Tok*tok*tok*tok
"Tao po?"- tawag ko sa bahay nila Aurora

"Ano ba yan! Sino ba y---Ohh"- rinig kong saad ng tita ni Aurora, nagulat naman ito nang buksan niya na ang gate at makita ako

"Mom, asan ba yung nail----ohh"- rinig ko pang saad ng siguro ay pinsan ni Aurora nagulat den ito nang magtama ang mata namin

"Magandang Araw po"- bati ko sa kanila, lumapit din kasi ang pinsan ni Aurora

"Ahh, pasok ka iho"- ani ng Tita niya at binuksan pa ang gate ng malaki, pumasok naman ako dahil nahihiya ako sa kanila

"Ako nga pala si Rose iho, Tita na lang AHAHAHAHA"- pagpapakilala ni Tita

"Aiden po"- sagot ko at nakipag-kamay

"Ang lambot ng kamay mo AHAHAHAHAH"- ani ni Tita, nahiya naman ako kaya tumawa na lang

"Hi, I'm Quincy"- pagpapakilala ng pinsan niya

"Yeah, I'm Aiden"- ani ko at nakipagkamay din sa kaniya, nakita ko pang kinikilig siya pagtapos ko siyang kamayan

"Aali----"- naputol ang sasabihin ni Aurora ng makita ako at napatigil sa paglalakad

"Good morning"- bati ko at tumayo, nakakunot naman ang noo niya

"Ahh, yayain sana kita lumabas"- nahihiya kong saad dahil nakatingin sila saking lahat

Tumingin naman si Aurora kay Tita at Quincy bago sumagot

"May trabaho..ako"- sagot niya, nagulat naman ako dahil akala ko wala siyang gagawin ngayong araw

"Sasama ako"- sagot ko at ngumiti

"Ahh, iho pwedeng dito ka na lang busy kase talaga yan si Aurora ewan ko ba pinapatigil ko na nga yan sa pagtatrabaho pero wala matigas---"

"Hindi na po Tita, pumunta lang po talaga ako dito para kay Aurora"- sagot ko, nakita ko kasing nag-iba ang itsura ni Aurora nang kung ano-ano na ang sabihin ni Tiya

"Alis na ho ako"- pormal na ani ni Aurora at lumabas kaya naman hinabol ko siya

"Aurora!"- tawag ko sa kaniya dahil patuloy parin siya sa paglalakad

"Aurora! Wait me!"- ani ko at hinawakan ang braso niya

"Where are you going?"- tanong ko sa kaniya, lumingon naman ito

"May trabaho nga ko diba?"- sagot niya

"But..how..what..why?"- nauutal kong tanong dahil baka ma-offend ko siya

"Malalate na ko"- aniya at naglakad na naman

"Sasama ako"- ani ko, hindi niya naman ako pinansin

Sumakay siya sa jeep kaya naman sumakay din ako, first time ko maka-sakay dito kaya naman sobrang siksik ako sa kaniya, siya din nagbayad dahil hindi ko naman alam kung pano

Aurora's POV

Nandito kami ngayon sa jeep, ewan ko sa lalaking to kung anong iniisip niya ang aga aga pumunta sa bahay? Wala ba siyang gawain sa bahay nila tas ngayon andito sa jeep sobrang halata na first time niyang makasakay dito. Pinagtitinginan siya at pinagbubulungan samantalang siya walang pakielam at nakasiksik sa tabi na halatang naiinitan na

Go Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon